chapter II

26 1 0
                                    

Dumating na ang araw na magiging busy si mitch para sa band competition sa fiesta ng bayan nila ang makakalaban nila ay ang iba't ibang paaralan sa bayan nila. Si Gian din ay abala din sa kakainsayo ng sayaw nila kasi my competition din sa sayaw. Isang gabi habang papunta na si Mitch sa sakayan ng jeep may biglang humila sa kanya at sinabing sabay na tayo umuwi Mitch ang sabi ng binata na hindi niya maaninag ang mukha sa subrang dilim ng kalye. Nang may dumaan na isang Motorsiklo doon nya lang namukhaan ang binata, oh Gian sambit niya, kinabahan ako doon ah sabi ng dalaga akala ko kung sino ang humawak sa kamay ko eh sabi ng dalaga. Ah pasensya ka na sabi ni Gian kung natakot man kita hindi ko sinasadya, tumahimik na lang ang dalaga, biglang nagtanong si Gian ganagabi ka lagi sa pag uwi mo nitong nakaraang araw ah, mag isa ka lang lagi wala ka bang kaibagan kahit isa tanong ng binata,sumagot si mitch meron pero hindi kami magkatulad ng inuuwian eh at nagpratice pa ako eh sa majorette kaya lagi na lang siyang nauuna. ah sagot ng binata, biglang dumugtong ang binata gusto mo sabay na lang tayo umuwi lagi, nashock si mitch sa sinabi ng lalaki, tapos biglang sagot niya ayos lng sa akin.Sabi ni Gian so deal pagnauna ako hihintayin kita sa harapan ng paaralan mo pero pagnauna ka hintayn mo ko dun sa sakayan ng jeep. sabi naman ni mitch deal..

Simula noon everyday na silang naghihintayan sa isa't isa. nagpalitan din sila ng cellphone number para makapagtext sila sa isa't isa, minsan pumupunta si Gian sa bahay nila Mitch kinalaunan ganun na din si Mitch pumupunta din siya sa bahay nila Gian open na sila sa family na magBESTFRIEND sila, dumating na ang fiesta sabay silang papunta sa  kani kanilang paaralan nang may tumapik sa balikat ni Gian at sabi dre kya pala hindi ka na sumasabay sa amin tuwing umuuwi may GIRLFRIEND ka na pala hindi mo lang sinasabi sa amin. Biglang namula ang pisngi ni mitch yung narinig ang sinabi ng kaibigan nitong lalaki, at nagsalita siya hindi niya ko syota magkapitbahay lang kami ni Gian at biglang siniko si Gian sabay sabing diba Gian at tumango lang ito.

Mahigit tatlong linggo na silang nagtetext at nagtatawagan kapag may problema si Gian nag aadvice si Mitch, isang gabi habang hinihintay ni Mitch si Gian para sabay silang makauwi, nagtext si Gian kay mitch ang sabi "mitch good eve una ka na lang umuwi huh may dadaanan pa kasi ako eh. nagreply din si mitch ng okay", bago siya nakasakay namataan ni Mitch na may kasabay si Gian na babae parang ihahatid nito ang babae sa bahay. Nakaramdam siya ng selos. Pag uwi nya ng bahay napakatamlay niya at mukhang walang ganang kumain, tapos narealized niya bakit siya magseselos eh magBESTFRIEND lang nga sila diba. Biglang nagring ang Phone niya at ang nakita niyang name na tumatawag ay si Gian, sinagot niya ito, Hello sbi niya, hello sabi din ni Gian, mitch labas ka may sasabihin ako at itatanog sayo eh alam kong matutulungan mo ako about dito. magsasalita pa sana si mitch ngunit dumugtong ulit ang binata na lumabas na daw siya, huminga na lng ng malalim si mitch at lumabas ng bahay.

Nakita nga niya na naghihintay ang binata sa labas ng bahay na masayang masaya. nagtaka naman siya, ng lumapit ang binata sabay sabing tulungan mo naman ako oh, may gusto kasi akong ligawan eh., tinanong naman siya ni mitch anu maitutulong ko? sbi naman ni Gian ano ba gusto ng mga babae na ibinibigay sa kanila? sumagot si mitch wala akong alam sa mga ganyan hindi pa naman po ako naliligawan, sabi ng binata eh yung naiisip mo lang paglligawan ka na ng isang lalaki, sabay nag isip si mitch sabay sabi na flowers tulad ng roses na white then chocolate. Niyakap siya ng binata nagpasalamat at sabay paalam sa kanya. Habang papasok siya ng bahay nila, may pumukaw sa kanyang katahimikan, at lumingon siya ng makita niya itto ay bigla na lang siyang napangiti kasi dumating na pala yung pinakamatalik niya na kaibigan na si Stephen kaklase niya noong Elementary siya,galing Manila kasi doon ito naghighschool kasi andun ang negosyo ng pamilya nila, sabay sabi sa kanya namiss kita ah, kamusta ka na? Sagot naman niya ayos lang naman ako, ikaw kamusta ka na steph my GF ka na siguro noh? sabi naman ni Steph ayos lang din ako, Paano mo nasabing my GF na ako? Natahimik ang dalaga kasi si Stephen naman kasi moreno, matangkad, at matangos ang ilong nito at malakasa din ang appeal nito sa kababaihan kahit moreno siya at magaling din naman itong sumayaw. Siniko siya ni Stephen? sabay sabing oi may kausap pa ba ako? ang lalim ng iniisip mo ngayon ah. my problema ka ba? sabay akbay sa kanya, at sabay sabi you can share it to me. sumagot si mitch wala akong problema napagod lang ako kanina sa pag iinsayo ng pagkembot sa majorette, sabay sabi halika pasok ka muna sa loob ng bahay. Sabi ni steph Huwag na sa ibang araw na lang. at nagpaalam na nga si Stephen.

HINDI INAASAHANG MAFALL AKO SAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon