Ilang linggo na lang ay magaganap na ang pinakahihintay nna Fiesta sa bayan, abala pa rin si Mitch sa kakaensayo kumembot para sa parada, habang busy din ang iba sa kakaensayo nilapitan siya ni Mrs Cruz adviser ng Majorette team, may sinabi ito sa kanya, Mitch tawag sa kanya ng adviser, lumapit siya rito, Mitch wala si Shella yung star majorrete natin sa darating na parada pwede bang ikaw na muna ang pumalit sa kanya ikaw yung pipito sa drums and lyre member natin kasi pagwalang tagapito sa kanila sigurado akong papalpak ang team drums at lyre, pwede ba? tanong ni Mrs. Cruz, sumagaot agad si Mitch oh sige po, mag eensayo po ako kung paano po pumito. Tinawag na nga ni Mrs cruz ang team pra mag ensayo, at pinakilala si Mitch na bagong star Majorrete sa mga oras na yaon.
Hindi na nagtext si Gian sa kanya simula noong nagkita sila hanggang ngayon, hindi na din sila nakakapagsabay umuwi o hindi na din niya matyempohan sa sakayan ng jeep, minsan nauuna siya umuwi kesa kay Gian kung minsan naman nauuna si Mitch umuwi. Isang gabi habang nag eensayo si Mitch sa labas ng bahay nila, bigla siyang napalingon sa Jeep na pumarada sa harap ng bahay nila, 9 PM na yaon ng gabi. napatingin siya kung sino ang bumaba sa jeep, bigla na lang siyang nagulat sa nakita niya kasi may kasamang babae si Gian at mukhang ang saya saya niya habang inaalalayan niya ang babaeng hawak hawak ang kamay nito. Papasok na sana siya ng bahay ng bigla siyang tinawag ni Gian, Mitch halika muna rito, ipapakilala kita sa kanya, Ngumiti lang si mitch palapit sa dalawa, at nagsalita si Gian, Mitch meet Pryncyz my Girlfriend, Pryncyz meet Mitch my Bestfriend, naunang magHi si Mitch, at nagHello naman yung babae, nagpaalam na ang dalawa.
Yung pauwi na si Mitch ng bahay,hindi niya inaasahang pumapatak na pala ang mga luha niya nang hindi man lang niya namamalayan, napatanong siya sa sarili niya, bakit tumutulo luha ko? nagseselos ba ko? bakit ako nasasaktan? diba dapat hindi ako magselos, diba dapat masaya ako para sa Bestfriend kong si Gian kasi may syota na siya? bakit ganito ang ayos ko ngayon hanggang nakapasok na ng bahay at kwarto niya paulit ulit niya paring tintanong sa sarili hanggang nakatulogan na lang niya ito.
Alas sais na ng umaga ng magising si Mitch, dali dali siyang tumakbo sa banyo para makaligo at magsipilyo, nagbihis na agad siya at kinuha lahat ng gamit sa mesa ng kwarto niya, at nagpaalam na ito sa mama niya, tinawag siya ng mama niya, Nak hindi ka pa kuamakain ah. sumagot siya sa eskwela na lang ma malilate na po ako eh.Walang magawa ang ina kundi sumang ayon na lang sa sinabi ng anak. Habang nag aabang ng jeep si Mitch sa harap ng bahay nila, tinawag siya ni Gian, Mitch sabay na tayo, tumango lamang siya. Bigla siya nitong hinawakan at nagtanong? Anong masasabi mo kay Pryncyz Mitch? sagot naman ni Mitch ayos lang. bigla na lang siya tumahimik pagkatapos niyang sagutin at agad sinabi halika andyan na ang jeep.
Habang nasa Jeep sila, naging tahimik sila hanggang makababa na si Mitch sa jeep, hinila siya ni Gian bakit ang tahimik mo ngayon Mitch, sabi naman ng dalagita bitawan mo na kamay ko Gian mailate na ako oh. kaya bintawan na siya ni Gian. Nagtatanong siya sa sarili kung bakit ganoon na lamang katahimik si Mitch. may nagawa ba ako, anu naman yung nagawa ko kung meron man? Paulit ulit yun sa utak niya hanggang nakapasok siya ng Campus nila. Nawala na lng bigla yun yung tinapik na siya ng Barkada niang si Jan.
Si Jan ang pinakaplay boy sa lahat ng magbabarkada at ito lang naman ang maraming chicks kahit saang School meron siyanng pinopormahan, tsinito din ito, matangkad, maputi, malakas din ang appeal sa mga babae at Dancer din ito. Tinanong siya agad ni Jan, at sabi may iniisip ka? parang ang lalim ah? Sabi ni Gian wla to dre, halika na bilisan na natin ang paglalakad baka kasi malate na tayo eh alam mo naman yung first subject natin napakaterror ni Teacher Anna Sasi. Napakamot na lng sa ulo si Jan at sumagot oo nga noh.
Author:
marami pa pong taohan ang lalabas sa kwento na toh sana po magustuhan niyo po ito please vote and comment po bago lang po ako dito pero gustong gusto po tlgang magsulat. salamat po
BINABASA MO ANG
HINDI INAASAHANG MAFALL AKO SAYO
Saggisticahindi ko inaasahang mafall ako sayo :) naging magbestfriend sila sa hindi inaasahang panahon enjoy reading po salamat