Maghihintay Ako

1.1K 17 6
                                    

x x x

Mahal ko si Pauline ngunit para sa akin di yun sapat para ligawan ko siya.

Wala akong maipagyayabang dahil isa lamang akong hamak na lalaking nagtitinda ng kandila sa simbahan, habang siya naman ay anak ng aming alkalde. 

Hinangaan ko siya noong di pa kami magkakilala, ngunit nang kami ay nagkausap, ang simpleng paghanga ay naging pag-ibig. Para akong nahulog sa isang kumunoy sapagkat di na ako makaahon at mas lalo pa akong nahihila sa kailaliman nito.

Lagi ko siyang nakikitang nagsisimba tuwing umaga. 

Kahit simple lang ang damit na sinusuot niya, kahanga-hanga pa rin ang kagandahang taglay niya. Dinaig pa niya ang mga anghel sa langit at mga diwata sa lupa.

At kahit na pumanget man siya? Di yun mababawasan ang pag-ibig ko para sa kanya sapagkat sa kanya lamang tumitibok itong puso ko.

Di naman ang panlabas na anyo ang minahal ko sa kanya, yun ay ang taglay niyang busilak na puso para sa aming mahihirap.

Una ko siyang nakausap noong Mayo. 

Nakatayo ako malapit sa tarangkahan ng simbahan. Inaabangan ko ang mga taong papasok pa lamang upang ialok ang tinda kong kandila. Dahil sa init ng araw ay umupo ako sa bangketa. Tagaktak ang pawis ko at ako'y nauuhaw na talaga.

Binilang ko ang kinita ko, kapag may sobra balak kong bumili ng tubig na tig-piso lang.

Habang binibilang ko ang mga barya, may kumalabit sakin. At sa paglingon ko, ang maamo niyang mukha ang una kong nasilayan kasunod ang isang napakatamis na ngiti.

"Tubig ohh," sabi niya at inabot sa akin ang isang bote ng tubig.

Nagdalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi. Bigla kasi akong natamaan ng hiya.

"Wag mong titigan ang bote. Sahalip ay tanggapin mo na lamang ito sapagkat ito'y isang grasya," aniya. Kinuha niya ang aking kamay at ipinatong sa aking palad ang bote ng tubig.

Uminit ang aking mukha dahil sa kanyang ginawa. Ramdam ko ang napakalambot niyang mga kamay. Kahit na ako ay nanginginig, nagawa kong hawakan ang naturang bote. 

"Salamat," saad ko sa kanya.

"Walang anuman. Ako nga pala si Pauline," pakilala niya sa kanyang sarili.

Matagal ko ng naririnig ang pangalan niya sa aking mga kaibigan. Ngunit kung ito'y galing pala sa mismong bibig niya, para bang ito'y nagiging musika na kay sarap pakinggan. Di ka magsasawa.

"Ako naman si Leandro."

Simula nun kapag kami ay nagkakatagpo sa labas ng simbaha'y nagbabatian kami. Sa akin na din siya bumibili ng kandila. Ayaw ko sana siyang pagbayarin ngunit sinasabi niya na tulong na daw niya ito sa akin. Minsan pa nga ay hindi na niya tinatanggap ang sukli.

Tuwing sabado, nagdadala siya ng mga pagkain at ibinibigay sa aming nagtitinda ng kandila at sa iba pang mga bata sa simbahan. Mapakabait niya gaya ng kanyang amang alkalde.

Pagkatapos niyang mamigay, nakikipag-usap siya sa akin. Nalaman ko nag-aaral na pala siya. Naisip ko tuloy kung nasarap ba ang makapag-aral. Ni minsan ay hindi kasi ako nakapag-aral at isa pa hindi yun kaya ng aking mga magulang.

Pansin ko rin na hindi siya maarte. Hinahawakan niya kami ng walang bakas ng pandidiri sa mukha. Wala siyang pinipiling kaibiganin. Kaya nga lagi ko siyang inaabangan sa labas ng simbahan.

At heto na naman ako, inaabangan ang pagdating nya. 

Pero nakakapagtaka, isang oras na ang nakakalipas ngunit di pa rin siya dumarating. Kinakabahan ako. May masama kayang nangyari?? 

Lumubog na ang haring araw ngunit nianino niya ay di ko pa rin naaninag. Hindi pa rin maalis-alis ang kaba sa aking dibdib. Pati ang mga kaibigan ko at yung mga bata ay nagtataka din dahil ito ang unang beses na hindi siya dumating.

Ang isang araw na paghihintay ay naging linggo.

Hanggang sa may isang balita kaming natanggap. Dahil sa balitang ito, para akong isang bulaklak na bigla na lang nalanta.

Si Pauline ay nangibang bayan na pala. 

Pauline, babalik ka pa ba?

Bumalik ka na sana dahil nasa iyo ang puso ko. Maghihintay ako kahit gaano pa 

katagal. Pangako yan...

x x x

Vote at comment sa may gusto. Sa may gusto hah. Ayokong mamilit. Haha! :'>

©inosenteKuno2013

Maghihintay AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon