*KINABUKASAN*
Lei's POV
May kumakalat na balita na si Maritonie daw yung nagpadala ng message na yon. Eh parang iba yung nararamdaman ko. Parang hindi sya.
"Lei si Maritonie daw" CJ
"Parang hindi naman eh" Ako
"Hayaan mo, di naman nila maitatago sa atin iyon. Malalaman at malalaman din natin ang truth" CJ
"I know" Ako
Afternoon class na. Nalaman kong si Nissa Joy daw ang nagsulat ng letter.
Well sino sya? Siya si Nissa Joy Delgado. Maganda , Mayaman , at Popular sa school. Bagay sila ni Brent.
Pag dating kay Brent lahat ng insecurities ko lumalabas.Noon pa lang mababa na ang confidence ko pero pag dating kay Brent feeling ko wala ako non.
Ano ba naman panlaban ko kay Nissa Joy? Talino siguro at galing sa pagkanta. Sa ganda ? Mas maganda sya sakin. Mas maputi. Morena beauty kasi ako. At saka sa ugali di hamak na mas mabait at mas mabuting nilalang ako sa kanya. Haha. Mas mayaman din siya sakin. May grupo siya. "THE GODDESS" yung pangalan ng group nila. Magaganda silang lahat. Pero sa ugali? Nevermind. Their group is composed of 5 Members aside from the leader. Their leader is Nissa Joy. The members are the following:
Lalaine Jem Cantiveros , Aya Chris Manahan , Jersey Laine Olivares , Kate Rose Pelayo , Daena Ibarra , And Their leader of course. Nissa Joy Delgado.
Oh diba name palang bongga na?! Bagay sa kanila yung name ng group nila The goddess kasi talagang magaganda sila. Pero as told earlier nevermind na lang sa attitude nila.
*ROOM 305 : SCIENCE LABORATORY*
Lumapit sakin si Brent at umupo sa vacant seat sa tabi ko. Hindi naman niya ko kinakausap. Tahimik lang siya. Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.
"Hi Lei" Brent
"Hello" Ako
Tapos wala na.
*Silence*
*Silence*
*Silence*
*Deafenign silence*
Naramdaman ko lang na nakatitig sya sakin. Tapos pagkayari nun umalis na siya at lumabas ng room. 5 minutes bago mag -umpisa ang klase namin sa science, dumating ang The Goddess.
"Hey, Lei wag kang mag-ambisyon na magugustuhan ka ni Brent. Mahiya ka naman sa balat mo. Diba girls?" Nissa Joy. Sumagot naman sila.
"Wala akong inaambisyon. Sayung-sayo na si Brent" Ako
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Maganda na yung malinaw sa atin ang lahat. FYI nga pala , nililigawan na ako ni Brent." Nissa Joy
"Well , congrats." Ako
At pumunta na ako sa c.r nun. Tinawagan ko si coffee jelly.
"Hello, Coff's asan ka?" Ako
"Sa Publication. Why?" CJ
"Punta ako diyan. Wait mo ko." Ako
-----------