Chap. 1

8 0 0
                                    

......

Hindi ko alam sa sarili ko kung ano ba talaga yung totoo kong nararamdaman para sayo. Nung una nagwawapuhan lang ako sayo. Pero habang tumatagal at lagi kitang nakikita lalo tuloy akong naiinlove. Yung feeling na hindi kumpleto yung araw ko pag di kita nakikita. Yung pag may kasama kang ibang babae naiinis ako at nagseselos. Bakit ganto? Bakit ko ito nararamdaman.

Ano ba naman to? Isa lang naman yung dahilan eh inlove ako sa kanya. Pero hindi pwede kaylangan pigilan yung nararamdaman ko. Basta hindi ko sya pwedeng magustuhan. Hindi nya pwedeng malaman yung nararamdaman ko para sa kanya.

.......

Venice Fang , nga pala ang pangalan ko. 18 years old at Nag aaral sa Berklee College of Music , Boston USA. Hindi naman ako ganon kahusay kumanta Passion ko ang music dahil kase don naeexpress ko yung nararamdaman ko. Nagdodorm lang ako, masyado kaseng malayo yung school sa bahay namin.

Hinawakan ko ang magkabila kong braso at kinuyom ang aking sarili. Malalim na ang gabi kaya lumalakas ang ihip ng hangin dito sa labas kaya ang lamig.

May naramdaman akong kumaluskos kaya nilingap ko agad ang paligid. At nahagip sya ng aking mata.

"Jiro?"

Nakatayo sya sa gilid ng kotse nya at nakasandal sa pintuan nito. Ano naman kaya ang ginagawa nya dito? Hindi naman sya nagdodorm dito.

gabi na ah gising pa sya? Kanina pa kaya sya andyan? Bakit hindi ko agad napansin?

wala kong balak na kausapin sya dahil nahihiya ako sa kanya. Kaya maspinili ko nalang na pumasok na lang sa dorm.

"Hey?" Narinig kong nagsalita sya kaya natigilan ako

Para kong nakadama ng kaba saking dibdib. Pero sinubukan kong ikalma yung sarili ko mahirap na baka makahalata sya

"The light from this lantern detailed how beautiful the sakura is" Pumamulsa sya at muling nagsalita habang nakatingala sa itaas.

Marahil tinitignan nya yung umiilaw na parol na nakasabit sa sanga ng puno ng cherry blossom.

"Mahilig ka din sa cherry blossom?" Tanong sa kanya "tama ka ang ganda ng sakura lalo pag gabi ang romantic tignan" nakangiti kong sabi sa kanya

Isa din sa mga pangarap ko yung may lalaking magbibigay sakin ng bulaklak ng cherry blossom. Kaso imposible naman nyang gawin yun. Kaya ang mabuti pa ako nalang yung pumitas para sa sarili ko lol :)

"can you please save me tonight?" Hindi sya nakatingin sakin pero seryoso yung pagkakasabi nya

Please save me tonight ....kanta ba yun ng BTS? Aish.... Never mind -__-

"Huh? Hindi kita maintindihan. Ano ba yung sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong

"I mean stay here and be with me tonight" tumingin na sya sakin. Naamoy ko ang amoy alak na hininga nya

Kaya pala kung ano ano ang pinagsasasabe ng lalaking to. Nakainom pala

"Gus-- to mo na sa-- ma-- han kita ngayong gabi?" Nag aalangan kong tanong. Nung tumitig kase sya parang ang hirap ng huminga at magsalita

"There's something bad?"

"Ah.. wala naman kaso masyado ng gabi. May pasok pa bukas"

"Okay fine" yun nalang yung nasabi nya

Hindi naman kase sa ayaw ko syang samahan actually gusto ko as in gustong gusto ko nga syang makasama. Pero hindi pwede baka kase may makakita pa samin. at kung ano pa ang masamang isipin.

"Naku pasensya na kung hindi kita masasamahan sorry talaga" yumuko ako ng kaunti

"No no, that's no problem"

"Sige una na ko. Kelangan ko ng matulog. Good night" nilampasan ko na sya. Lumingon ulit ako para tignan sya.

Bakit kaya parang ang lungkot ng muka nya at ang lalim ng iniisip nya?

Bumaling na ulit ako sa linalakaran ko at tinungo ang dorm.

........

[Note]

Thanks sa mga nagbasa. Keep supporting and reading. Dont forget to vote. Magleave ka ng comments kung nalelurkey ka na sa author nito.

any violent reaction? Xd :)

Sorry kung may typographical and grammatical error.

Warning nalang din sa mga bad words na maeencounter nyo.

Yung place and character ng story na to ay imagination lang ni author . Wala po itong katotohan.

Yun lang arigatu!

Aishiteru kiss kiss <3

#NightSakura

Good Boy Doing Bad ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon