.......
Bakit ba napaka pa hard to get nya? Ako na nga tong laging nakikipagbati kahit na sya yung may kasalanan. Kahit wala sa bokabularyo ko ang manuyo ng babae. Pero pinipilit kong gawin yun dahil mahal ko sya.
Nagpakalasing ako kagabi para saglit na makalimutan yung break up namin pero wala paring epekto. Naalala ko parin sya hanggang ngayon
"Hey Man! Lalim ng iniisip ah." Tawag sakin ng best friend kong si Neoz mula sa likuran sabay tapik sa may kanang balikat ko.
"Ang tagal mo naman!" Umangil ako
"Grabe naman atleast di kita inindian no di katulad ni---" pinutol ko sya
"Wag nating pagusapan" iwas ko
"Tsaka bakit ba andito tayo sa isang Sushi Restaurant? pwede namang sa Bar nalang eh ..Ano to?date nating dalawa" pangaasar ni Neoz
"Siraulo.!! Ayoko sa bar noh! Nawawala ako sa katinuan"
"Kung sa bagay pagnalalasing ka eh english ka ng english. Nakakadugo ka ng ilong bro"
"Ewan ko sayo naglasing lang naman ako para makalimot."
"Nga pala Jiro. May kasalanan ka sakin kahit lasing ako hindi ko makakalimutan na bigla ka nalang nawala sa bar .. bakit ka ba umalis? San ka nagpunta?"
"Diba sabi ko pagnalalasing ako nawawala Ko sa katinuan. Hindi ko alam kung ano yung napuntahan ko. Ang alam ko lang may nakausap akong isang babae"
"Babae? So ibig sabihin may kasama kang babae kagabi? Sino dun sa mga ka table natin sa bar kagabi? So ano naka iscore kaba?"
"Gago! Kahit isa dun sa mga ka table natin kagabi. Wala akong papatusin!"
"eh sino nga ? chiks ba yan?"
"Basta iba sya .Maski ako hindi ko rin kilala. Hindi naman kagandahan pero mukang mabait"
"Sus akala ko naman chiks na . Sayang!"
"Play boy!" Pangaasar ko
"Nagsalita ang hindi" tugon nya "Badboy!" Ganti pa
"Huh? Sino nagsabi? Goodboy kaya ako!" Depensa ko
"Good boy pero gumagawa ng masama. Dont me Jiro Nagasaki"
"Aish kumain na nga lang tayo. Gutom lang to" aya ko
"Kumain? Eh hindi pa nga tayo umoorder eh. Lasing ka parin ba?"
"Ou nga pala no. Umorder ka na puro ka pangbubuwisit eh!" utos ko
"Magandang araw po sir. May i take your order?" Napatigalgal ako pamilyar ang muka ng babaeng ito.
Naalala ko na!
Sya yung kagabi? So dito pala sya nagtatrabaho bilang service crew.
Si Neoz na ang nagsabi ng order habang nakatingin sa menu
"Ahm.. gusto ko yung best sellers sushi nyo dito. Isang Crunchy Calamari Roll, Pacific Roll and King Crab Roll"
"For drinks sir?"
"I want cocktail drinks, Blushing Geisha and Shiso Naughty yun lang"
Pinapanuod ko lang sya habang sinusulat yung mga orders. Mukang sobrang busy sya dahil hindi nya ko napapansin
"Okay po wait nyo nalang po yung order nyo sir--" bigla syang nabaling sakin
Nakita ko ang pagkabigla ng expression ng muka nya. Sigurado kong nagulat sya ng makita nya ko. Pero hindi sya nagpahalata na nakikilala nya ko.
Nakatitig din sya sakin . Hindi ko inalis ang ang mga mata ko sa kanya. Hanggang sya na ang umiwas . At bumalik nalang sya sa kanyang ginagawa.
.......
