Chap. 3

3 0 0
                                    

.....

"Oh heto yung listahan bilisan natin nagiintay yung customer" sabi ko sa nakababatang kapatid kong si Shan

Oo magkatrabaho kami. OJT kase sya dito sa restaurant dahil HRM yung kinuha nyang kurso dito nya napili na mag OJT dahil dito ko nag pa part time. Para magkasama narin daw kame.

"Okay noona iprepared na natin to kaagad" noona ang nakasanayan nyang itawag sakin

"Nga pala noona? Okay kalang? Bakit parang balisa ka?" Nagtatakang tanong nya

"Huh? Hindi ah nagmamadali lang ako marami pa kaseng ibang customer" palusot ko

Mukang nahalata nya ata. Hindi kase ako mapakali pag andyan lang sa paligid yung crush ko.

Nagkatitigan kami kanina that means na nakikilala nya ko? Naalala nya kaya na nagkausap kami kagabi?

"noona alam mo bagay na bagay sayo tong tinitimpla ko. Blushing Geisha" sabi ni Shan sabay ngisi

"Shan naman ano namang kalokohan yan" napakamot ako sa ulo ko

"Eh kase namumula ka dyan " Sabay tawa

"Shh... tumigil ka nga dyan. Magfocus nalang tayo sa giangawa natin. Baka makita tayo ni Boss" saway ko

"Joke lang eto naman. Konting kasiyan lang eh"

"Oh tapos mo na ba yan? Akin na" sabay kuha sa mga sushi and drinks at inilagay sa tray.

.........

.........


Malayo palang ay natatanaw ko na sya mukang bigat na bigat sya dala dala nyang tray. Hard working pala talaga sya.

Napangisi nalang ako.

"Jiro! Anong tinatawa tawa mo dyan? Haysst.. nasisiraan na naman sya" hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Neoz

Malas mo lang kase ikaw yung gusto ko pagtripan ngayong araw *evil smile*

Nang makalapit na sya samin ay sinadya kong patirin yung paa nya. Kaya nahulog lahat sa lapag yung mga dala dala nya.

Halos lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng restaurant ay napako sa kanya

"Ouch" daing nya "hala! Pano na to" narinig kong sabi nya sa mahinang boses

In 1....2.....3 lights, camera, action!

Bigla akong tumayo

"HOY TATANGA TANGA KA BA HUH?" sigaw ko sa kanya

"Bro!" Awat ni Neoz

"Pasensya na po sir" sabi nya habang pinupulot yung mga nabasag na plato

Tssk.. hindi nya ba alam na posible syang masugatan sa ginagawa nya?

"PAPALITAN? MUKANG KULANG PA NGA ATA YANG MONTHLY SALARY MO KUMAPARA SA MGA INORDER NAMIN!" sabay sipa sa kamay nya dahilan para mabitawan nya yung basag na plato

Lahat ng atensyon ng mga tao ay nasamin. Ano kayang pakiramdam nya ngayon na napapahiya sya?

"Sir pasensya na po sa nagyari." Tumayo sya habang nakayuko nya iyong sinasabi

Iba ang expectation ko. Nilait lait ko sya sa maraming tao. Pero tinatangap parin nya yon? What the fuck

"Venice!" Lumapit samin ang isang middle age na babae. Sa pananamit nito mukang sya ang manager ng restaurant nato.

"Maam hindi ko po sinasadya" nangilid na yung luha nya.. so Venice pala yung pangalan nya

"Sa office ko tayo magusap!" Galit na sabi nito kay Venice

"Sir pasensya na sa abalang ginawa ng empleyado ko papalitan nalang po namin yung inorder nyo, nakakahiya po kase sa ibang customer"  sabi nung manager

"MASNAKAKAHIYA YANG TATANGA TANGA NYONG EMPLEYADO! HINDI! NAWALAN NA KO NG GANA! LILIPAT NALANG KAMI NG IBANG REASTAURANT" sagot ko sa manager

"Neoz" tawag ko sa kanya na ang ibig sabihin ay umalis na kami. Sumunod naman sya agad sakin

"Venice! Follow me to my office!" Patay ka ngayon sa boss mo

"Maam sorry poT.T" yun nalang yung huling nadinig ko bago lumabas  ng restaurant.

........

Good Boy Doing Bad ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon