*Elisse POV*
Today is Sunday, wala naman akong gagawin sa bahay, so I guess mag gagala gala nalang muna ako, isasama ko nalang muna si Czarina. Well, I must call her para makapaghanda na siya. Mag bobonding muna kami, BestFriends Bonding para makapag Get Together na kami.
Kaagad na akong nagbihis para hindi maghanda.
Tinawagan ko na siya kaagad at nakailang ring muna ito bago niya ito sagutin. Ang tagal naman sagutin neto.
After 5 rings, finally sinagot na niya ito.
-----PHONE CONVERSATION-----
Me : Hello?!
Czarina : Hello, bes?Me : Gala tayo?
Czarina : O sige ba. Saan tayo gagala?
Me : Punta tayo ng Mall. Nakakaboring dito sa bahay e.
Czarina : Oo sige, susunduin ba kita o ikaw na susundo sa akin?
Me : Ako na susundo sayo, para hindi kana matagalan.
Czarina : Ok sige, maliligo na ako.
Me : Cge, i'll be there in 10 mins.
Czarina : Ok, bye.
Me : Bye, see you.
-----END OF CONVERSATION-----
Pagkatapos kong ibinaba ang phone ko ay nagpaalam na ako kay Mama dahil nga aalis kami ni Czarina. Ngunit bago ako makaalis ay may itinanong sa akin si Mama.
"Oh anak, san lakad mo?" tanong niya na parang nabigla dahil ngayon lang ako aalis ng bahay after ng pagkaka aksidente ko.
"Ah, Ma, maggagala lang po kami ni Czarina ngayon." sagot ko.
"O sige, mabuti naman at maggagala kana ngayon, mag enjoy kayo." sabi ni mama na tuwang tuwa
"Sige po Ma, salamat po." sabi ko at bineso na siya at saka na ako mag pa alam pero pinigilan niya ako.
"Ahh, anak, dito kapag maghahapunan?" tanong niya.
"Uhhmm, siguro po Ma, hindi na po muna." sagot ko at umalis na.
Habang nagddrive ako, tinignan ko naman ang phone ko at tinignan ang oras. It's already 12:27 in the afternoon. Nakarating naman ako sa bahay ni Czarina ng 12:34 at nakita ko na siya na hinihintay ako sa daan.
"Oh bes, bakit ang tagal mo?" tanong niya.
"Ahh, na traffic lang." sagot ko.
"O sige, tara na." sabi niya kaya sumakay na agad ito, hindi na lang ako nagreklamo at umalis na.
Habang nagddrive ako, may natanaw ako mula sa dinadaanan kaya itinigil ko ito.
Nakita ko si McCoy, he's hanging out with her girlfriend. Natulala naman ako, bakit parang may tumusok sa puso ko? Ano ba ito? At parang sumakit yung ulo ko. Ano bang nangyayari? Parang may naalala ako.
~~~FlashBack~~~
"Koy, laro tayo." sambit ko sa isang lalaki nung bata ako.
"Sino ka?" tanong niya. Oo nga pala hindi niya ako kilala dahil bagong lipat lang sila dito sa amin."Ahh, ako nga pala si Elisse." sabi ko ng nakangiti.
"Sige, laro tayo." sabi ni Koy na nakangiti na dahil nagkaroon na siya ng kaibigan.
"Kailan pa kayo lumipat dito sa Village?" tanong ko.
"Ahh, nung isang araw lang." sabi niya habang nagsswing kami sa playground.
Nasa playground kami nun, doon kami nagkakilala, doon rin kami naglalaro araw-araw. Naaalala ko na siya, yung bestfriend ko nung bata, araw-araw kaming magkasama noon. Pero ngayon hindi ko alam kung nasaan na siya, noong kasing nag 9 siya, umalis na sila dito sa Manila, they live in a province in Pampanga. I was really really sad because nawalan ako ng bestfriend, tapos dun ko naman nakilala ang isa ko pang bestfriend ngayon na si Czarina dahil sila yung tumira dun sa bahay ng bestfriend kong si Koy. I missed him.
~~~End of FlashBack~~~
"Huy, bes, anong nangyari? Bakit ka tulala? Kanina pa." tanong niya kaya nagising ako sa katotohanan.
"Ahh wala. Sumakit lang yung ulo ko, may naalala akong konti." sagot ko sabay tingin kung saan ko nakita sina McCoy at Maris.
Habang nakatingin ako kina McCoy at Maris, tumayo na sila at umalis, hindi ko alam kung saan sila pupunta, kaya hinayaan ko na sila. Ano namang gagawin ko? Kasama ko ang bestfriend ko ngayon, magbobonding kami, hindi namin susundan yung dalawa no.
"Ahh, ano yung naalala mo?" tanong niya.
"Naalala ko yung bestfriend ko na lalaki nung bata." sagot ko.
"Ahh, o sige na, ako na magddrive." sabi niya.
"Sige, baka sumakit ulit yung ulo ko." sabi ko at nagpalit kami ng lugar.
Narating na namin ang mall. 1:48 pm na. Kumain na muna kami sa McDo. Favorite spot daw namin yun sabi niya.
"Bes, anong oorderin ko?" tanong niya.
"Uhh, isang Burger nalang at isang McFloat." sagot ko. Parang hindi naman ako gutom e.
"Ohh, sige, oorder lang ako." sagot niya.
Habang hinihintay ko siya, nakita ko nanaman sina McCoy at Maris dito sa mall, at gumagala rin sila, nakita ko sila na nakahawak yung mga kamay nila at parang kakain rin sila dun sa isang restaurant. Baka naman magkita pa kami. Uuwi nalang kami pagkatapos naming kumain.
"Bes,eto na yung order natin." sabi ni Czarina.
"Ahh, o sige, kain na tayo. Uuwi narin tayo pagkatapos ha?" sabi ko.
"Bakit naman?" tanong niya.
"E, kasi masakit nga yung ulo ko. Diba?" sabi ko, at parang nagdududa siya sa akin, sana naman makalusot ka Elisse.
"Ahh, okay, next week nalang tayo mag gala." sabi niya. Kaya kumain na kami.
Pagkatapos naming kumain, dumiretso na kami sa parking lot. It's 2:23 pm. Ang aga aga pa.Pero kasi masakit yung ulo ko. Kaya naisipan ko nalang umuwi na muna. Kaya siya na muna nagdrive pauwi sa kanila. Pagdating namin sa bahay nila, bumaba na ito at bago pumasok may sinabi muna siya sa akin.
"Bes, next week nalang ha?" tanong niya.
"Cge bes, susunduin nalang kita, treat ko na nun." sagot ko.
"Sige,sige, aasahan ko yan bes. Salamat sa ngayong araw." sabi niya at pumasok na ng bahay.
Umalis na ako at umuwi na sa bahay. Nang makarating ako sa harap ng gate, iginarahe ko na muna ito at pumasok na sa bahay. Pagpasok ko, nakita ko si Mama na nakaupo sa sala at nanonood ng TV. Nang makita niya ako, kaagad akong lumapit sa kanya at nagbeso.
"Oh anak, bakit ang aga mo?" tanong ni mama.
"Ahh, sumakit po kasi yung ulo ko Ma." sagot ko sa kanya.
"Ganun ba? May naalala kaba?" tanong ulit niya.
"Meron po, yung bestfriend kopo nung bata, si Koy po,yata pangalan nun." sagot ko.
"Sige anak magpahinga kanalang muna, gigisingin nalang kita kapag maghahapunan na." sambit ni Mama.
"At anak. Muntik ko nang makalimutan, darating pala dito yung pinsan mo, si Yassi." sabi ni Mama.
"Ahh, sige po. Akyat napo muna ako, magpapahinga na po ako." sabi ko at tumango nalang muna siya.
Pagpasok ko, kaagad akong humiga sa kama at inisip ko yung naalala ko, kilala pa kaya ako nung bestfriend ko nung bata ako? sino si Koy? sa sobrang pagiisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry for the late update, bawi nalang po next time, tinatamad po kasi akong mag Update e. Vote and Comment po for your thoughts, thank you :)
BINABASA MO ANG
PAANO NA KAYA [COMPLETED]
FanfictionMeet Elisse Joson, Marc Carlos De Leon, Loisa Andalio and Ronnie Alonte.