Chapter 1
2007
Nakaupo ako sa taas ng padulasan at kumakain ng isang malaking lolipap na may iba't ibang kulay habang humuhuni ng kanta.
I danced my head while humming my favorite song in the playground, alone. Most of the children are here with their friends and I'm the only child who's here by myself.
Napasimangot na naman ako nang maalala ang kakambal.
I fought with my twin brother because he'd rather play video games in his room than to accompany me here in the playground in our subdivision.
Napadaing ako nang maramdaman na may nangbato sa akin ng maliit na bato. Lumingon ako sa pinanggalingan nito at nakita ang dalawang batang lalaki sa gilid ko.
"Hey kid, you've been there for half an hour! It's our turn to play the slide!" the kid with fair skin sternly said while looking at me fiercely.
Sumimangot naman ako't hinawakan ang ulo kong binato nito kanina. Sigurado akong siya ang nangbato dahil sa maiitim niyang awra, lagi pang nakadikit ang mga kilay nito.
"Pwede naman kayong makiusap ng maayos para gamitin 'tong padulasan, hindi niyo na ako kailangan pang batuhin! Papahiramin ko naman kayo e," sambit ko at medyo mangiyak-ngiyak na bago nagpadausdus para makababa na. Tinignan ko pa sila ng masama bago tumalikod mula sa kanila.
Akmang tatakbo na ako palayo nang biglang habulin ako nu'ng isang batang kasama rin sa pagbato sa akin.
"Bata!" tawag nito at hinila ang nakatrintas kong buhok nang maabutan.
"Aray ko naman!" humarap naman ako ng nakasimangot sa kanya habang kain pa rin ang lolipap. Medyo itim ang balat nito at mukhang mabait ang hitsura kahit na sinabunutan ako nito.
Tumawa ito, "Sorry sa ginawa ng kaibigan ko ah? Makulit talaga 'yon e. I'm also sorry for pulling your hair earlier. Ang bilis mo kasing tumakbo e. Gusto mong makipaglaro sa amin?" tanong niya at ngumiti.
Napangiti ako ng bahagya pero napawi rin 'yon nang maalala ang kasama niyang sutil na bata.
"Mabait 'yang si Heross, he's my best friend," pagmamalaking sabi nito. "Halika, papakilala kita," sabay alok ng kamay niya.
Napatawa naman ako dahil siya mismo ay hindi pa nga alam ang pangalan ko.
Napatingin naman ako sa gawi ng Heross na sinasabi niya na abala ng nagpapadausdos sa padulasan ngayon.
Lalong inilapit ng bata sa harapan ko ang kamay niya kaya napatingin ulit ako rito.
Iniabot ko naman ang kamay ko sa kanya.
2015
Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin ng kwarto ko at pinagmasdan ang sarili. Napanguso't napangiwi ako ng bahagya dahil ngayon ko lang napansin na ang kapal pala ng pagkakamake-up nila sa mukha ko!
I reached for the wet wipes on the side table and tried to lessen the color of my lips. I smiled while staring at myself in the full-length mirror, "That's way better," I mumbled to myself.
Huminga ako ng malalim bago pinihit ang bukasan ng pintuan ng kwarto ko. Kahit pababa pa lang ako ng hagdanan ay narinig ko na ang boses nila manang sa baba.
"Zauthea!" Heross called out my name as he walked towards me then patted my head like a child. "Dalaga na siya," he said in a long voice, teasing.
Napasimangot naman ako't tinabig ang kamay niya. I am wearing a midnight blue fitted dress which slightly reveals my back. I'm wearing my unusual attire right now.
BINABASA MO ANG
Gone | On-going
Teen Fiction"I know someday, someday I'll forget how it felt being with him. And I'll be able to hear his name without escaping any pain here in my heart. "And as long as my heart beats, my veins still pulse and I still breathe, there's still a chance. A chance...