Base lang sa nakikita ko ito, baka lang makatulong sa inyo,
Makalimot ha? para makamove on na,
Sabi nila, madaling sabihin mahirap gawin,
Madaling sabihin kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon, o kaya naman, madaling sabihin kasi HINDI NAMAN TOTOO UNG FEELINGS NIYO SA ISA'T ISA.
Pero
Mahirap gawin kasi may nararamdaman ka pa sakanya, kasi NAGMAHAL KA NG TOTOO.
(huwow! Big word) hahahaha
TIPS:
1. Wag mo idelete number niya
2. Wag mo siya iunfriend/ unfollow
3. Wag mo iblock
4. Wag mo din burahin ung pictures niyo
(memories niyo un e, efforts niyo din un nung mga time na magkasama kayo tapos buburahin mo lang, wag ganun, dun mo malalaman kung nakalimutan mo na ang isang tao kapag di mo na siya pinapansin sa mga sns niya photos at number niya. Marerealize mo nalang na isang araw nakalimutan mo na pala siya.)
5.a) Wag mo din siya ikwento sa mga friends mo, at wag ka na din iiyak saknya. Tama na ung isang beses. 😂 ✌
5.b) Wag din mag pakabitter ah!(wag niyo ko gayahin bitter na, hugotera pa kahit walang lovelife humuhugot!) 😂✌
6. Wag mo kasing iistalk
7. Wag mo na siyang isipin
8. Wag ka ng maglike sa mga posts niya
9. Wag na maghintay sa txt niya.
10. Wag mo na rin subukan ichat siya sa messenger.
11. Basta go with the flow lang.
12. Whatever happens happen.
13. Mag pakabusy ka, gumawa ka ng bagay na ikabubusy mo.
14. Okaya kumain ka naman, pumunta ka pa din sa mga dati nyong pinag dadate, pero wag mo iisipin na pupuntahan ka pa niya. Ha? Naku!
15. A)Kung may bf/gf na kasi, wag na pakialamanan, baka mamaya ikaw pa ang dahilan ng pag aaway nila, wag ganun.
15 B) at wag mo na iistalk ung gf/bf niya at sabihan ng kung ano2, kasi mas lalo lang kayong masasaktan at, mas lalong di na makakalimot!
16. Wag ka mag alala may dadating din sayo na taong, mamahalin ka ng totoo. Pak! Ganern 😂
17. Well, kung siya naman ang nag chat sayo, o nag papansin sayo, ikaw na ang lumayo, umiwas,aba kung gusto mo na talagang makalimot at makamove on, wag na pansinin,
18. A) Pero kung siya naman ang may feelings sayo at gusto mo na talagang makamove on o makalimot, pwede naman ninyo pag usapan ng masinsinan yan, #closure kung tawagin pwede din naman.
18. B) Kung ikaw naman e may feelings pa sakanya, at may feelings din siya sayo, take note: PAREHAS DAPAT KAYO na may feelings ha? Kasi kung ikaw lang /o siya ang may feelings e naku, mahirap yan, pag usapan niyo ng mabuti as in ung malinaw sa inyong dalawa! Para wala ng gulo diba?, at yun lang ang masasabi ko, tapos na po.Sana nakatulong hindi nakagulo sa inyo ung mga tips o pinagsasabi ko po dito. Hahahah
Hahaha un lang po ang aking mga #TIPS PARA MAKALIMOT PARA MAKAMOVE ON NA. *.*
End 😂✌
Charooot! ^.^
Makakatulog na ako! Yihiy!
BINABASA MO ANG
Miss Hugot
RandomSarili kong hugot Nakuha ko lang sa twitter ung iba, nabasa at naexperience ko, ng mga kaibigan ko ung iba din, kaya ginawa kong hugot 😂 sana may makapansin.