Chapter 5

3 1 2
                                    

The real cliche of the story goes here..

Chapter 5 ; Pag alis

Ava' s Pov.

"Darling tatawag ka sakin ah! Tsaka wag kang pasaway don at sumunod ka sa kanila" sabi pa ni yaya habang naka upong paharap sakin at hawak ang dalawang kamay ko.

Hindi ako sumagot at sa sahig lang ang tingin, hindi ko alam.

Bakit ganun nlang sa kanilang kadaling paalisin at patirahin ako sa iba??

At yung mga cards ko? Wala na, kinuha talaga ni daddy. Tsaka tinakot pa ako nito na kapag hindi ko sya sinunod kukunin at susunugin nya yung mga libro at gadgets ko kasama na din yung DSLR ko.

Ang ganda ng panakot nya! Ang ganda! Alam nya ang mga kahinaan ko.

Napaangat nalang ako ng tingin ng may kumatok sa kwarto ko.

"Senyora Ava, andito na po yung sundo nyo" sabi ng isa pang katulong dito.

"Hija! Tara na? Tandaan mo ah. Mahal ka ng mga magulang mo" sabi ni yaya habang inaayos ang buhok kong ginulo ko.

"Mahal yaya? Alam mo at nasaksihan mo ang paglaki ko, at kahit kelan hindi ko naramdaman na mahal nila ako."

Sa pamamagitan ba ng cards ang pagpapakita nila ng pagmamahal? Well sad to say! Damang dama ko!

"Ava? Makinig ka ha, Meron lang talagang mga bagay na hindi mo pa sa ngayon makikita ang bunga, baka bukas sa isang araw o sa susunod na mga araw pa. Basta ito lang ang masisiguro ko sayo mas magiging okay ka don." Sabi ni yaya at hinila na ako sa mga bisig nya.

Hindi nalang ako sumagot, wala ako sa wisyo para magsalbahe o magsalita man lang, oo! Salbahe at rebelde akong anak pero sa tanang buhay ko ngayon lang ako mapapahiwalay at aalis ng bahay nato. Ayokong umalis at hindi maramdaman ang kahit sigaw o singhal man lang nila sakin. Mahal ko sila, silang lahat..

"Tara na?" Tanong ni yaya at hinawakan pa ang balikat ko at hinarap sa kanya.

Mamimiss ko si yaya, sya na ang naging nanay ko at si manong kiko naman ang naging tatay ko. Simula pagkabata at lumaki ako ay sila na ang naging magulang at kaibigan ko. Pinupunan nila ang bawat butas na pagkukulang ng pamilya ko.

Bumuntong hininga muna ako at kinondisyon ang sarili..

"Yaya una muna po kayo, saglit lang po. Susunod ako" sabi ko pa at ngumiti kay yaya.

Sya namang panggiti rin nito at tumalikod na at sinara ang pinto.

Hinarap at inilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko. Itong kwartong to ay saksi sa lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay ko. Dumako ang mata ko sa kama ko, Ito ang comfort zone ko, napakarami kong luha ang pumatak dito. Ito rin ang sumbungan ko at sumpilan kapag kinagagalitan ako. Ang wardrobe ko naman kalhati nalang ang laman nito. Dahil ang kalhati dadalhin ko kung saan man ako ipapadala ni daddy, ni wala akong clue kung saan dito sa panig ng mundo ako ipapatapon ni daddy at kung sino ang makakasama ko.

Pano kung rapist o Drug lord yung makakasama ko? Nako! Wag nyang mailalapat ang konti ng daliri nya sakin at mapapatay ko kung sino man talaga iyon.

Pero kaya ko to! Ipapamukha ko sa kanila na kahit ano kakayanin ko.

Inayos ko ang sarili at bago binagtas ang palabas ng pinto at sa huling pagkakataon tinapunan ko ng tingin ang kwarto ko at hinawakan na ang segunda ng pinto at dahan dahang sinara yon.

Dirediretso lang ako hanggang sa masilayan ko ang hagdan at nakita sila daddy at ang mga ate ko na nakatayo sa ibabang dulo nito. Pati narin ang mga katulong at mga naninilbihan dito ay nasa bukana lang ng kusina. Walang gumagawa ng ingay nakakarindi ang katahimikan at makina lang ng kotse mula sa labas ang umaalingawngaw sa loob ng kabahayan.

Promise And ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon