***
"Mars! Mars!"
Napalingon ako sa babaeng humahangos papalapit sa akin, si Letha.
"Mars! Yung anak mo nakikipagaway sa anak ni Ruby!"
Nagulat naman ako at agad na tumayo sa kinauupuan ko. "Ano bang nangyari, oh siya ikaw muna ang magbantay dito." Sabi ko kay Letha habang tumatakbo ako papunta sa street namin.
Ganito na ang buhay ko ngayon, wala na ang dating Mahren Salve, The Mighty Queen Mahren, after kong mabuntis dito na ako namalagi, ipinagbenta ko lahat ng alahas ko pati ang kotse ko, para lang makapagpundar ng negosyo.
I tried to tell Mahren about our baby, pero wala eh, ganon talaga pag ayaw sa iyo ng tao. After almost 8 years wala na akong komunikasiyon sa kanya, nabalitaan ko na lang nagpakasal na sila ni Mimi, Good for them! I moved on, wala na iyong dating Mahren na miserable at mahina.
"English ka kase ng english! Di naman kayo mayaman!" Narinig ko ang matinis na boses ng anak ni Ruby
"So? Am i not allowed to speak in English? I thought this is a democratic Country!" Dinig kong sabi ng anak ko.
"Calen!" Agad kong sigaw.
"Mom!" Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako sa binti, 7 years old na siya ngayon, at sobrang kulit!
"Tita, pagsabihan mo nga iyang anak mo. English ng english hindi ko naman maintindihan! Diyan na nga kayo, hmp!" Sabay irap niya kay Calen at dumeretso papasok sa bahay nila.
"Calen, what's that?"
"Mom! It's not my fault that she's stupid!"
Agad naman nanlaki ang mata ko, one thing na namana sakin ng anak ko is yung kamalditahan ko, others including her features is from her father.
"Calen, don't say that! You don't just call someone stupid, isa pa! Ambata bata mo pa at kababae mong tao iskandalosa ka na!" I hissed at her.
Agad naman siyang napatitig sakin... Those eyes' reminding me about his father. Kuhang kuha niya, a mini replica of Rascal.
"Sorry mommy, are you mad?" Sabi niya sabay yakap uli sa binti ko.
"No baby, of course mommy is not mad, wag mo na lang uulitin dahil tandaan mo tenant lang tayo dito, sila Aling Ruby padin ang may ari ng apartment na tinitirhan natin." I said to her while patting her head.
"But mom! Tanisha is really getting on my nerve, why don't we move out?"
"Calen, this is the nearest apartment to our store, kung lilipat pa tayo baka mahirapan tayo. At isa pa dito ka nagaaral, hindi naman pwedeng ihatid sundo kita araw araw." Sabi ko sa kanya.
"Okay." She sighed.
Agad ko naman siyang inihatid sa apartment.
"Mom, i want some pancakes!"
Napangiti ako, she really is a mini replica of Travis, parehas silang mahilig sa pancake.
"Ok baby, pancake comin' up!"
***
"Oh ano Mars? Napalo mo ba ang demonyitang anak ni Ruby"
"Manahimik ka nga Letha, pag may nakarinig sa iyong kumare ni Ruby, mag away na naman kayo!"
"Nako! Insecure lang sayo ang matandang yun, palibhasa wala ng pumapatol, tigang na tigang!"
"Letha!" Natawa naman ako ng bahagya sa mga sinasabi niya.
Si Letha ang masasabi kong matalik kong kaibigan, after kase nung mabuntis ako, unti unti nang naglayuan ang mga dating tinatawag kong kaibigan. Dito ko na nakilala yan, lumayas sa kanila at nakipagtanan, ngayon iniwan na nung dating kinakasama niya. Ewan ko ba sa aming mga babae, antahimik ng buhay namin tas guguluhin kami ng mga walanghiyang lalaki yan!
YOU ARE READING
Lost Stars (Rival Series #1)
RomanceMahren hated Travis, for he took advantage of her situation. She surely knew that Travis would bring nothing but a heartbreak to her heart. But after denying that she was deeply falling for that guy, she found herself drawn in his hot kisses, and of...