Chapter 4

1K 22 11
                                    

Thank you sa pag-fan! ^___^

Sorry po kung napapatagal ang updates. Sorry po talaga. Ang hirap pag walang laptop! :(

Sa right side nga po pala ang kontrabidang si "Lyka" Gatchalian...

Nica’s pov

Parang siyang nakikipagpaligsahan sa karera sa sobrang bilis… Alam kong car racer siya pero di na naman niya siguro kelangang ipagyabang pa saken yun di ba? Atsaka aatakihin na talaga ako dito eh… Ang bilis kasi ng pagpapatakbo niya…. Wala naman siyang kalaban!

“Hoy yabang bagalan mo naman ang pagpapatakbo mo!” ako

“Ayaw ko nga….” siya

“Naman! Aatakihin ako sa puso dahil sa’yo eh! Dahan dahan lang naman!” ako

Buong byahe kameng parang papuntang langit…

Lagi bang ganito siya mag-drive? Grabe ha!

“Say please muna…” nang-aasar na sabi niya

“Huh? Please? Ikaw sasabihan ko nun? Asa!” ako

“Ah ganun pala ha….” siya

Lalo pa niyang pinabilis ang takbo ng sasakyan…

Gusto ba niya kaming mabangga pareho???!!!

“Lance naman! Tama na please?! Please?!” ako

“Ano ulit sabi mo sungit? Di ko narinig eh. Hahaha” patawa tawa pang sabi niya

Nakakainis talaga siya!

“Hindi ko na uulitin… Ano ka ba bingi?!” ako

“Anong sabi mo gwapo ako???” sabi niya habang mabilis pa rin niyang pinapatakbo ang kotse niya

Nakakaasar na talaga ang isang toh…!

“Kapal mo!” ako

“Sige lalo ko pang bibilisan ano?” pang-aasar niya

Okay fine! Kesa naman mamatay pa ako sa atake dito noh…

“Okay okay! Please gwapong Lance pakibagalan naman ng takbo oh…. Please? Please?!” ako

“Sinasabihan ako ni sungit na gwapo daw ako oh… Haha. Isa pa nga ulit…” siya

Abusado na talaga ang isang toh…!

“Please gwapong Lance pakibagalan? Please?” ako

Para na akong sirang plakang paulit-ulit dito… Grabe. Kung di ko lang talaga mahal ang buhay ko eh…

“Haha. Okay we’re here…” siya

Ha?

Napatingin ako sa harapan ko…

Walanjo! Nasa school na pala kami?! Di ko man lang namalayan eh… Nauto na naman ako ng isang toh… Putek!

“Salamat sungit. Alam ko namang matagal ka ng gwapong gwapo saken eh. Haha” siya

“Che!” ako

For all my entire life. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagkainis sa isang tao grabe! Simula nung dumating siya buhay ko…

And I hate him! I really really hate him promise!

Nauna na akong bumaba ng kotse niya… Imbyerna na talaga ako lalo pa’t nasa loob ako ng kotse niya…

“Ang bagal mo naman maglakad. Geh. Mauna na ako sa’yo sungit ah!” siya

At inunahan na niya ako sa paglalalakad…

We're Engaged for ONLY 100 Days (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon