CHAPTER 38

1.1K 26 1
                                    

**ALEX POV**

" since tapos na ang party ko, ipapasa ko na ang mic sa gwapo kong anak kasi may gusto syang sabihin " tapos pinasa na nya yung mic sakin. Nandun lang c mommy at kuya sa likod ko.

"ahm hi po sa inyong lahat. Pasensya na po kung madadamay pa kayo sa mangyayari ngayong gabi gusto ko lang po kasi mawitness nyo yung isa sa pinakamahalagang araw sa buhay ko. Hehe Kinakabahan ako " yumuko lang ako tapos umiiling.

" go Lex! Kaya mo yan! " sigaw ng mga barkada namin. Si kuya allen tinatap lang yung balikat ko.

"hahaha salamat! " nakangiting sabi ko" may ikukwento lang po sana ako. ikukwento ko kung paano ko binago ng pagmamahal. Dati po lagi akong sumasama sa mga gimik ni kuya, nagbabar kami, nakakakilala ng ibat ibang babae pero yun ay dahil gusto kong makita yung babaeng itinadhana sakin. " diretso lang akong nakatingin sa mga mata nya. " well di Maganda yung pagkakakilala namin, nakilala ko sya sa canteen wala akong maupuan nun kasi puno na lahat. Sya lang mag isa kaya tumabi ko sa kanya kaso sinungitan nya ako kasi nga nakaupo na ako nung nagpaalam ako sa kanya kaya wala na syang nagawa "

" weeks passed at nakabungguan ko sya sa hallway ng school tinawag ko syang miss sungit kasi nga napaka sungit nya. Inasar ko pa sya nun na di sya maliligaw kasi baliktad yung tshirt nya " narinig kong nagtawanan sila

" that same day tinulak ako ng magaling kong kaibigan kaya nahulog ako sa hagdan at timing naman na sya yung dumadaan kaya sa kanya ko nahulog. Tanda mo pa ba yun Kev? Haha pero salamat ng marami sa pagtulak mo kasi nahulog ako sa babaeng sobrang mahal na mahal ko na. " then sumaludo pa ako kay kev.

3 Months RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon