CHAPTER 32

1.1K 28 2
                                    

                       **ALEX POV**

***KINABUKASAN

Nagising akong may tumatawag sa phone ko. Ang aga mambulabog. Pagtingin ko sa cp, si ivan . Tss kalalaking tao nambubulabog.  Sinagot ko.

"hello! " para maramdaman nya ung inis ko

"hello Lex, c Janine kasi" ramdam ko sa boses nya yung pag aalala

"ano nangyari kay Janine? " kinakabahan na ako

"txt ko yung address, Pumunta ka"

" cge cge" Tapos binabaan na nya ako ng phone.

Nung nareceive ko na yung txt ni Ivan, Nagmamadali akong umalis sa bahay para pumunta sa tinxt na address.  Kinakabahan ako, wag naman sana.  Address ng hospital yung tnxt sakin.

Nagmamadali akong lumapit sa information desk. 
"miss, Janine Santos po anong room?" tanong ko dun sa nurse

Nagulat ako nung biglang may tumawag sakin. Si sheen.
"lex"

"sheen bakit ka nandito? "

"nalaman ko kay ivanKaya Pumunta ko dito, chineck ko lang kung nandito ka"

Napalingon ako dun sa lalaking hingal na hingal dahil sa pagtakbo.
"lex tara! "si ivan. 

Sinundan namin si ivan, sobra na yung kaba ko.  Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin dito sa babaeng katabi ko. 

"sheen mag usap tayo mamaya ha? "

"sige" tipid nyang sagot.

Pumunta kami sa isang kwarto. Dito dinadala yung mga patay.
"ivan nasaan c Janine? " tanong ko kay ivan.

"lex c Janine --" maluha luha sya at parang nag iisip ng tamang sasabihin.
Napansin kong nandun si kev nakayuko lang sya habang nakapatong ang mga siko sa tuhod at hawak ng kamay nya ang mukha.
Si che at lea umiiyak. 

"Nasaan c janine?!! " sigaw ko.  Gusto kong malaman kung ano nangyari sa taong mahal ko . " magsalita kayo anong nangyari kay Janine?! "

"lex c janine" sabi ni che sabay turo dun sa nakatakip ng kumot sa loob ng kwarto. Nanginginig na tuhod ko habang nilalapitan ko.  Bakit ngayon pa?  Bakit kung kelan na alam ko na tska sya mawawala?!

Nag uunahan na tumulo yung luha ko.  Hindi ko magawang buksan yung kumot kasi nanginginig katawan ko.  Kaya niyakap ko nalang ung nakakumot.

"Janine mahal na mahal kita!  Ang daya mo naman e.  Bakit mo ko iniwan?  Janine!  ,Janine mahal kita!  Ang tanga tanga ko!  Arghh! " nagwala ako sa kwartong yun.  Ang sakit sakin.  Ang sakit sakit.  Nakakabaliw yung ppakiramdam. Nagkahiwalay kami nun at ako ang nagdesisyon tapos ngayong gusto ko syang balikan tska sya mawawala.?!  .
Pagkatapos kong yakapin sya, umupo ako sa isang sulok habang iyak ng iyak .

God bakit po?  Bakit mo po sya kinuha agad sakin? Mahal na mahal ko po ang babaeng yun.  Hindi ko pa po nasasabi ulit sa kanya na mahal ko sya.  Bakit po ngayon pa?  Bakit?

Lumingon ako sa mga kaibigan namin, iyak pa rin sila ng iyak.

God tignan mo po sila, Nasasaktan din po sila ng sobra kasi mahalaga sa kanila si Janine. Marami pong nagmamahal sa kanya.  Ngayon pong kasama mo na sya ngayon dyan, pakiyakap nalang po kami sa kanya. Kayo na po ang bahala sa babaeng mahal ko.

3 Months RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon