**ALEX POV**
@SCHOOLPagdaan ko sa 4th floor nakatambay si che at Lea. Himala wala c Janine. Pagdaan ko sa harap nila bigla akobg hinila ni Lea.
"bakit? " nagtatakang tanong ko. Bigla nya akong sinampal.
"aray! Ano ba problema mo?! " Nababaliw na yata to bigla biglang nananampal.
"g*go ka Lex! Nagtitimpi lang ako sayo. Sobrang sinasaktan mo na kaibigan ko! Wala kang kwentang tao! " sabi ni lea habang inaawat ni che
"ano ba yun?! Magkasama kami kaga---" Shete naalala ko yung kagabi. Nakalimutan kong balikan sya sa gate 1. Pero malaki na sya,kaya na nyang umuwi mag isa.
" oh napaisip ka bigla diba?! May sakit sya ngayon dahil sayo! Sa sobrang tagal ng pag iintay nya sayo sumunod sya dito sa loob at nakita kayong naghahalikan nung malanding babae mo! " sinigawan ako ni Lea. Ibang lea tong nasa harap ko ngayon. Yung lea na matapang na pinag tatanggol yung kaibigan nya.
"ha? Hindi ko kasalanan na magkasakit sya! Katangahan nya yun! "
" Sumugod sya sa ulan kasi nasaktan sya sa nakita nya! Halos araw araw umiiyak sya dahil sayo! Kasi mahal na mahal ka nya! "sabat ni che
"Mahal?! Kayo yung kasama nya nung sinabi nyang lokohan lahat! "
"Mahal ka nya lex! Nung bday ni che sinabi nya samin na nung una gusto nyang gumanti kasi kapangalan mo yung ex nya! Pero lex inamin nya samin na mahal ka na nya! Totoong mahal ka ni Janine! " paliwanag ni lea
"hindi ako naniniwala! Kung galit sya sa ex nya bakit sakin sya gumaganti?! "
"pinagsisisihan nya na yun lex"sabi ni che.
Iniwan ko silang dalawa. Bakit ganun? Bakit ako umiiyak?! Niloko ako nung babaeng yun. Pero since Kasalanan ko naman sige aalagaan ko sya.
Pagpunta ko sa kanila, mama nya ang nagbukas ng pinto.
"tita, si Janine po? "
"may sakit sya. Lex gabi gabi syang umiiyak dahil sayo. Hindi mabuti sa kanya kung makikita ka pa nya"
" ah sorry po. Una na po ako" wala akong nagawa kundi umalis nalang.
**SHEEN'S POV**
Isa na lang natitirang palano ko. Napaka in denial naman kasi nitong lalaking to ee. Hindi ko talaga sya mahal.
Nakita kong dumaan yung babaeng sumampal at sumabunot sakin last time. Nalaman ko kasi sa ibang kaklase nila na absent si Janine kasi may sakit. Ito na yun haha winning piece >evil laugh <
**CHERRY'S POV**
OKAY naman pala itong si sheen ee hahaha. Ito nangyari.
"hoy! " napalingon kami ni lea nung sumigaw sya.
"bakit ?!gusto mo ulit masampal?! "tapos nagsmirk ako.
"o kulang pa ng sabunot?! " tapos biglang inirapan ni lea
"chill girls. Ang totoo nyan di ko gusto c lex" tapos bigla syang tumawa
" what?!! " sigaw ni lea
" yeah di ko sya gusto haha" Nababaliw na ata to
"spill it! " utos ko
"sige" nakangiti nyang sagot
"pag di ko nagustuhan paliwanag mo tatadtadin kitang buhay! " pananakot ko.
So Kinwento nya samin. Hayss nakahinga kami ng maluwag dahil sa kwento nya. Tinext ni lea yung dalawang lalski para tumulong samin. So we made a plan Hahahaha. A GREAT PLAN!!
BINABASA MO ANG
3 Months Rule
RomanceAno ang gagawin mo kung nakita mo na ang taong para sayo pero magkaiba kayo ng paniniwala? At Mamahalin mo pa kaya sya kung kapangalan sya ng taong dumurog sa puso mo? ©June 2016