Chapter 1: Ang Buhay Ng Secret Stalker

425 12 2
                                    

SHARLENE'S POV

"I love you Sharlene. Do you love me too?" Sabi ng Unknown Guy. Blurd kasi, hindi kasi ako nakasuot ng salamin ko. Nakakainis nga.

"Huh? Who are you. Englishero ka ba? 'Di ka papasa sa akin! *tumawa* *belat* Sa iba mo na lang 'yan gawin." Sabi ko kay Unknown Guy.

"Sharlene, ang ganda mo. Kahit ika'y nakasalamin at nakabrace na mukha ng nerd!" Sabi naman ulit ni Unknown Guy.

Wa-walkout na sana ako ng bigla niya akong hinigit at dumampi ang...

"ATE SHARLENE!!! GISING NA. ATEEEE~!" Sabi ni Cha-cha, wait. Sino si Cha-cha? O_o

"AY, BUTIKI!" Napasabi ako ng ganyan sa sobrang gulat ko.

Magagalit itong Cha-cha na 'to sa akin, pustahan. At syempre, magsusumbong pa ito! Tsk. Tsk.

"BUTIKI?! *hagis ng unan* *walkout* MAMA! SABI NI ATE SHARLENE, BUTIKI DAW AKO!" Pagmamaktol ni Cha-cha habang bumababa. 

"*habang bumababa* Joke lang 'yun, Ma! *nung makababa na* Sorry Cha-cha *yakap at kiss kay Cha-cha* sorry na Cha ha? Alam mo naman na love ka ni Ate 'di ba?" Pagtatanong ko kay Cha-cha. Kulit nitong CHA-CHA na 'to. <333

"Magtoothbrush ka na at kumain, Sharlene." Sabi ni Mama. Sweet talaga ni Mama Myleen. <333

"Ma naman, sweet mo talaga! Sige, wait lang Cha ha? Kain ka muna habang hinihintay ang service mo!" Sabi ko kay Mama't Cha-cha.

 "Ma! Male-late na po ako! Bye, love you Cha at Ma!!" Sigaw ko sa kanila, pero in sweet voice. XD

~Habang naglalakad...

Naglalakad lang ako, kahit na alam kong meron kaming kotse. Si Papa kasi dati 'yung driver nung kotse namin, pero nagtrabaho na siya sa ibang bansa. Sana nga makarating rin ako doon, sa ibang bansa. I miss my Papa. Mabait si Papa maalagain. Nami--

"AHEIII!" Sabi ko. Naputol rin kasi ang sasabihin ko ng biglang may bumagsak sa puno.

"Gusto mo ng mangga?" Sabi ni Nash sabay abot sa akin ng mangga. NASH?

Ito pa rin ako, hinahawakan ang mangga. Nakatulala, HALA?! Anyare? Ba't alam niya dito? 

"Na-" Hindi ko na tuloy ang sinabi ko. Kasi, dumaan si Mika. Na nag-aacting actingan na naman. Ilang times niya na ba ginagawa 'yan! Bruha lang?

At nagpatuloy-tuloy na akong lumakad. Nakakainis lang ha?

Pumasok na ako sa room namin. Well expected na kaklase ko pa rin sila Julia, Ella at Kathryn. 

Nagsimula na ang klase. Actually, hindi first day of class ngayon, kaya walang introductions!

...

...

...

Hindi ako nakikinig kay Teacher Eugene. Nakakairita na kasi, advance utak ko eh!

Nagpaper chat kami nila Ella, Julia at Kathryn. Walang magawa, ayaw rin nilang makinig! 

"Ano na? Nakita mo ba si Nash?" Sulat ni Ella at Julia.

HAHAHAHA! KUNG ALAM NIYO LANG.

"O-Hindi eh!" Sinulat ko sa papel. Nagtataka si Kathryn kung bakit nagkamali ako. HALA?

"(Pabulong) Sharlene! Aminin mo na kasi." Sabi ni Kathryn. HAY!

"(Pabulong) Oo, na!" Sabi ko sakanya pa balik.

Crazy Little Things Called NashLene Love (SLOOOOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon