CHAPTER 1- The message.

36 2 1
                                    

WARNING:

This chapter contains many violent words and actions. Please dont say any harsh comments. Sinabi ko na po ito sa author's note. Please lang po. Thanks :)

Chapter 1- The message.

"SINONG HAYOP ANG MAY GAWA NITO?! SINO?! SINO ANG WALANGHIYANG HAYOP NA YUN?! SABIHIN NIYO NASAAN ANG HAYOP NA YUN NG MAPATAY KO SIYA!" sigaw ko sa lahat ng tao na nandito sa loob ng bahay ko.

"Sam! Calm down. Aalamin natin kung sino gumawa

nito okay? Just keep your cool." sabi ni Jane at niyakap niya ako nung makalapit siya sa akin. Yakap yakap ko ngayon ang malamig na bangkay ng lola ko at patuloy pa rin sa pagiyak.

Napahiwalay ako sa yakap ni Jane. "CALM DOWN?! PAANO AKO KAKALMA HA, JANE?! PINATAY ANG LOLA KO! PINATAY NG WALANG AWANG SATANAS ANG LOLA KO!! DEMONYO SIYA! PAGBABAYARAN NIYA TO!" sabi ko habang nanginginig sa galit.

"Sam.." niyakap ako ulit ni Jane na umiiyak na rin ngayon. Kung sino mang demonyo ang gumawa nito, mapapatay ko siya.

Nilayo muna nila ako sa katawan ni lola para magimbestiga. Hindi ko aakalain ang nangyari. Pagkauwi ko galing sa birthday ng kaibigan ko, nadatnan ko si lola na nakasabit... na walang buhay. Sobrang dami ng mga sugat niya sa katawan lalo na sa leeg. Mga demonyo ang gumawa nito. Mga walang puso.

Pinatay nila si lola. Si lola na walang ibang ginawa kundi alagaan ako. Si lola na mahilig tumulong sa iba. Si lola na mapagmahal. Si lola na kasama ko simula pagkabata ko ng mamatay yung mga magulang ko.

"Sam!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Marta na tumatakbo papunta sa akin. Sobrang lungkot ng mukha niya at maga pa ang mata. Napaclose na kasi ang mga kaibigan ko kay lola. Napatingin naman ako sa dalawang tao sa likod. Si Charice at Raven na nakatingin lang sa bangkay ni lola.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Sa mga kaibigan ko, silang dalawa ang pinakamisteryoso. Ang pinagtataka ko lang ay ang mga tingin nila sa bangkay ni lola. Para bang... kuntento?

"Sam..." napatigil lang ako sa pagiisip ng bigla akong tawagin ni Marta. "Sam.." tawag niya ulit sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakita kong umiiyak na siya. "Sam..." huli niyang tawag sa akin at bigla niya akong niyakap.

Alam ko kung bakit ganito siya magreact. Sa lahat ng mga kaibigan ko, si Marta ang pinakaclose kay lola. Niyakap ko naman siya pabalik at nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko. "Marta... wala na si lola.. pinatay siya.. Marta hindi ko mapapatawad ang gumawa sakanya nito."

"Ako din Sam. Hinding hindi. Basta tatandaan mo na hindi ka nagiisa. Nandito lang kami para sayo. Okay?" nagnod naman ako.

"Sino dito si Samantha Villacorta?" narinig kong tawag ng police sa akin. Lumapit naman ako sakanya.

"Ako po iyon, ano po ang balita?" tanong ko sakanya. Lumapit naman sa akin ang mga kaibigan ko.

"Ikaw ang apo ng biktima diba?" tumango naman ako. "Masyadong maraming sugat ang natamo ng biktima. May bakas din ng pagkakasakal sa kanya. Sa palagay ko hindi lang isang tao ang may gawa nito. Baka ito ang dahilan kung bakit siya namatay. May alam ka bang nakaaway o nakagalit ng biktima?"

Nagisip ako. Sa pagkakaalam ko, wala naman nakagalit si lola. Sobrang bait niya. "Wala naman po. Sobrang bait po ng lola ko." tumango naman siya at nagisip. "Eh ikaw? Wala ka bang nakakaaway o nakakagalit? Posible kasi na may kinalaman sila dito."

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Oct 15, 2014 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

The Revenge of the Betrayed OneDove le storie prendono vita. Scoprilo ora