Prologue:

310 2 1
                                    

I Got Abnoy ♥ 

A l l  R i g h t s  R e s e r v e d 

No part of this story may be reproduced in any manner without any permission of the writer. Originality is important. Plagiarism is a crime. Remember: In everything you do, there is someone always watching you. 

Copyright © 2014 written by SuperRAWR

= = = 

Prologue: 

"Ang boyfriend ko? Huh. HANDSOME!" 

"My sweetiepie is AWESOME!" 

"Wala 'yan sa cutiesugarpie ko! He's SEXY!" 

"Shut up girls. 'Yung akin? SPELL PERFECT!" 

Sa buong buhay ni Tiara, lagi siyang nakakarinig ng mga ganyan galing sa mga kaklase niyang haliparot. Aba, first year high school palang may mga boyfriend na? Jusme! ARAL MUNA MGA NENE'T TOTOY! 

Pero hindi rin naman natin siguro sila masisisi. Ewan, bahala sila. Oo, wala naman masamang magmahal o magkaboyfriend pero dapat sa tamang panahon at oras. (Hanep! May hugot ang Author!) 

Lahat tayo dadaan diyan. Hindi kailangan magmadali, mga atat lang 'yung iba. Lahat tayo dadaan sa mga kilig, sa mga pahinhin effect, sa mga pacute effect, sa "hinihimatay-kapag-dumaan-si-crush effect at kung anu-ano pang effect. Ayos lang magkaroon ng boyfriend/girlfriend, basta dapat handa kang masaktan. Sabi nga ng nanay ko, "Masaya magkaroon ng boyfriend/girlfriend kapag inlove ka pero masakit kapag naghiwalay na kayo." (Nakanang! Expert si Inay!)

Ito ang kwentong puchu-puchu lamang (De joke) Seryoso na, ito ang kwentong tatalakay sa tinatawag na "PUPPY LOVE" Paano nga ba mainlove ang kabataan? 

Siya si Tiara, ang pinakabida sa lahat ng bida ng storyang ito. Hindi lapitin ng lalaki dahil masyadong nakakatakot ang aura at masyadong tahimik. 

Siya si Gibertan Noel, ang abnoy para sa bida. Lapitin ng mga babae dahil sa happy-go-lucky na personalidad niya at masyadong madaldal. 

Magkaiba sila, ano? Pero alam niyo kung saan sila nagkakapareho? 

Sa nararamdaman nila para sa isa't isa. 

 

"Yo Tiarang tahimik. Anong klaseng lalaki ang nasungkit mo?" Napatingin si Tiara sa babaeng clown. Walang kagana-ganang sumagot si Tiara, "I got abnoy." 

I Got Abnoy, handa ka na bang maabnoy? 

I Got Abnoy ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon