Chapter Three: Paano mapansin ni crush?

52 2 3
                                    

Kinabukasan ay pumasok na si Tiara at siya rin ang unang-una sa silid-aralan nila. Naroon lang siya sa kanyang upuan at nakikinig ng mga kanta ng KPop. Maya-maya lang ay may pumasok na at tinignan ito ni Tiara, Sino 'to? Kaklase ko ba 'yun? 

"Ano, excuse me, dito ba ang classroom ni Ameline Porter?" Tanong ng binata. Tumango na lamang si Tiara at blanko ang ekspresyon nito. 

"T-Talaga? S-Sige... saan siya... n-naka--upo?" Aniya. Nabwisit si Tiara kaya naman lalo pa itong nagmukhang nakakatakot at tumalim ang tingin niya sa binata. 

"W-Waaah! S-Sige! S-Salamat nalang!" Sigaw ng binata at tumakbo ito. Tumaas ang kilay ni Tiara, "Duwag." 

Maya-maya lang din ay marami na sa mga kaklase ni Tiara ang pumasok ng classroom nila. Wala ni isa ang bumabati kay Tiara dahil nga nakakatakot ito lapitan. Iyong tipo bang papatayin ka ng aura niya pero siyempre, may isang nilalang na may malaking tainga at abnoy ang walang paki rito. "GOOD MORNING TIARABABES!" 

Tumingin si Tiara kay Gino at sobrang laki ng ngiti nito na aabot na sa malalaki niyang tainga. "Morning." Plain na bati ni Tiara. 

"May sasabihin ako sa 'yo mamaya, Tiarababes! Abangan mo!" Sabi ni Gino at ngumiti na naman. Bumuntong-hininga nalang si Tiara't nagkibit-balikat. 

Tumingin na si Gino sa harapan at nilagay ang kamay sa kanyang baba. Matutuwa kaya si Tiarababes kapag sinabi kong pupunta kami ng Japan? Mahilig siya sa anime, 'di ba? Naku, panigurado talagang matutuwa siya! 

Nagsimula na ang klase nila at mabilis din naman itong natapos. Break time na at tumayo na halos lahat ng kaklase nila at tumayo na rin si Gino at pumunta sa harap ni Tiara. 

"Tiarababes! Kain na tayo!" Sabi ni Gino na sobra ang ngiti. Tumango nalang si Tiara at tumayo na rin. Naglakad na sila papuntang canteen at siyempre, hindi mawawala ang mga tsismis at mga irap ng mga babae. 

Nakabili na agad sila at umupo na sila. Nagsimula nang kumain ang dalawa pero may isang lalaki ang lumapit sa kanila, pamilyar ang lalaking ito kay Tiara. Ito 'yung duwag kanina ha? 

"H-Hello! P-Pwede makishare?" Tanong nito sa dalawa. Ngumiti naman agad si Gino, "Oo naman! Sige lang basta 'wag kang tatabi kay Tiarababes, ipapakain ko sa 'yo 'yung tinidor." 

Napatingin naman agad si Tiara kay Gino at napabuntong-hininga ito, Kahit kailan talaga. Kung anu-ano mga sinasabi. 

"Oo. Sige, s-salamat ha!" Sabi nito at umupo na sa may tabi ni Gino. 

"Ikaw si Gino Chua at siya si Tiara Angulo, 'di ba?" Aniya at sumubo ng spaghetti. 

"Oo, bakit? Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong ni Gino. Si Tiara ay tahimik lamang na kumakain.

"Ako si John McKenzie Salazar. Ano... pwede magtanong?" Aniya. 

"Nice to meet you. Ano 'yun?" Ani Gino. Si Tiara ay kinuha ang binili niyang tubig at iinom. 

"Paano mapansin ni crush?" Nanlaki ang mata ni Gino sa tanong na iyon ni McKenzie at samantalang si Tiara naman ay nasamid at naibuga ang iniinom kay McKenzie. 

Napatayo agad si Gino at inalala si Tiara samantalang si McKenzie ay nakatulala dahil nabugahan siya. 

Ubo nang ubo si Tiara at nang ayos na siya ay umupo siya muli, "Pasensya na. Hindi ko sinasadya." Sabi niya kay McKenzie. 

I Got Abnoy ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon