Chapter Two: Ayos lang, Gibertan Noel.

71 3 2
                                    

Naglalakad na sila Tiara at Gino para lumabas na sana ng mall dahil nabili na ni Tiara ang mga kailangan niya, pinilit pa nga siya ni Gino na siya na ang magbabayad pero hindi pumayag si Tiara. Ayaw niya kaya ayun, sobrang fail si Gino. 

Ano nang gagawin ko? Yayain siya kumain? Saan naman? Sa Jolibee, Mcdo, KFC? O sa turo-turo nalang para tipid ako? Teka! 'Di pwedeng turo-turo, cheap!!! Isip ni Gino. Hindi siya mapakali kaya ayan, nababaliw sa utak. 

Napansin nito ni Tiara kaya huminto ito sa paglalakad at lumapit kay Gino. Nagtaka naman si Gino at nanlaki ang mga mata niya nang ilagay ni Tiara ang kamay nito sa kanyang noo, "May sakit ka ba?" 

Napalunok si Gino at umiling nang maraming beses. Concern ba sa akin si Tiarababes?! Concern siya?! May gusto na rin kaya siya sa akin? Mayroon kaya?! 

"Bakit parang namumutla ka?" Tanong ulit ni Tiara. Ba't nga ba ako nag-aalala sa kanya? Isip ni Tiara. 

"A-Ah eh... Gutom lang! Gusto mo ba kumain?" Palusot ni Gino na medyo diskarte. 

"Sige." Sagot ni Tiara na ikinabigla ni Gino. Nagsalita siya?! Hindi naman sa hindi siya nagsasalita pero kapag gano'n ang mga tanong ko, kung hindi siya tatango ay iiling siya. YES! 

Naglakad si Gino nang masayang-masaya. Marami ring babae ang tumitingin sa kanya at ang mga tingin na 'yon ay kinaiinisan ni Tiara. Ang sarap pagtutusok-tusukin ng mga mata nila! 

Nang makarating sila sa Mcdo. Oo, sa Mcdo dahil 'di pa afford ni Gino ang mga sosyaling restaurant dahil ang baon niya ay 200 a day pa lang at naiwan niya ang ipon niya sa kanilang bahay dahil hindi niya expected na magdedate sila ngayon ng Tiarababes niya. 

Umupo na sila at tatayo sana si Tiara para umorder pero pinigilan siya ni Gino, "Ako na, Tiarababes! Libre na kita! Date natin 'to, eh!" 

Namula si Tiara, Date. Date? Date! DATE?! 

Ngumiti si Gino at napaupo nalang si Tiara. Date? Date talaga? Teka! Wala akong natatandaang pumayag ako! 

Ang mga ngiti ni Gino ay umaabot hanggang sa mga malalaki niyang tenga. "Ang saya-saya ko!" Sigaw niya kaya naman maraming tumingin sa kanya habang nakapila pero wala siyang paki. Masaya siya, kaya wala na siyang paki kung ano pang isipin ng iba. 

Nang maka-order na si Gino ay pumunta na siya kay Tiara at nakitang naghihintay lamang ito. Napangiti siya. Sana lagi kaming ganito. 

"Tiarababes! Ito na! Kain na tayo!" Sigaw ni Gino na medyo kinagulat ni Tiara. 

Tumango nalang si Tiara at kumain na sila. Tahimik lamang sila pero binasag ni Gino ang katahimikan nila, "A-Ano... Tiarababes... Ayos lang ba kung manligaw ako sa'yo?" Kinakabahan si Gino, halos lumabas na 'yung puso niya sa sobrang kaba. 

Hinintay ni Gino na sumagot si Tiara pero wala itong sinagot. Napayuko na lamang si Gino at sabi sa sarili niyang Failed ako. 

Nang pauwi na sila, tahimik lamang si Gino at nakayuko ito. Sobrang tahimik nila at mabigat ang atmosphere. At nang makarating na sila sa harap ng bahay ni Tiara ay humarap na ito kay Gino, "Salamat, Gibertan Noel." 

Tinignan ni Gino si Tiara at ngumiti ito pero hindi ito 'yung ngiting abot langit o abot sa malalaki niyang tainga, "Wala 'yun basta ikaw, Tiara." Nagulat si Tiara nang walang kasunod na 'babes' ang pangalan niya. 

Yumuko ulit si Gino at nagulat siya nang may tissue na ibinigay sa kanya si Tiara. Hindi niya muna ito tinignan dahil inuna niyang tignan si Tiara. 

I Got Abnoy ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon