Hello :) 3rd person's point of view po ang lahat ng chapters dito kaya sorry po kung medyo hindi pa ganoon kaayos ang pagnarrate ko. Sana po ma-enjoy niyo! xoxo.
***
Habang tahimik na naglalakad si Tiara patungo sa kanilang silid-aralan, (Masyadong tagalog XD) bigla na lamang may umakbay na matangkad at may malaking tainga na lalaki.
"Tiarababes ko! Musta na? Namiss mo ba 'ko?" Tuwang-tuwa na sabi ni Gibertan Noel, o mas kilala bilang Gino.
"Ayos lang. Hindi." Tipid na sagot ni Tiara at tinanggal ang braso ni Gino sa kanyang balikat. Maraming nakakita ng pangyayari na iyon na kinainis naman ng mga tagahanga ni Gino.
"Ako, ayos na ayos. Namiss pa kita nang sobra-sobra! Alam mo, minemessage kita sa Facebook pero hindi ka naman sumasagot! Bakit. Bakit? Bakit! Pinapasakit mo ang puso ko, Tiarababes ko!" Tuloy-tuloy na sabi ni Gino na may kasama pang pag-arte. Naks, pwede na sa Oscars si Gino!
Pero... sa kasamaang palad ay hindi siya pinansin ni Tiara at patuloy lamang ito sa paglalakad. PERO! Pero ulit, hindi mawawalan ng kapal ng mukha-- este lakas ng loob si Gino para mapansin siya ni Tiara. Dahil ang nasa isip niya... si Tiara ang kanyang first love.
"Tiarababes ko! Hintayin mo ang pinakagwapong nilalang na nahulog sa'yo!" Sigaw ni Gino at tumakbo na ito palapit kay Tiara. Pinagtitinginan na silang dalawa pero wala ito para kay Gino, hangga't masaya siya, gagawin niya. Ngunit si Tiara? WALANG ALAM.
Pagkalayo niya kay Gino kanina, nilagay niya ang kanyang earphones at nakinig na lamang ng Sharara ni Kise Ryouta (Kuroko no Basuke -- Generation of Miracles' Copycat).
Sabay na naglakad si Gino at Tiara patungo sa kanilang silid-aralan. Nang makarating sila, marami na agad ang nakatingin. Iyong iba ay 'yung tingin na "Uyyy~ Kayo ha~~~" at 'yung iba naman ay "BA'T MAGKASABAY SILA?! NO WAY!"
Hindi naman napansin ito nang dalawa sapagkat si Tiara ay nakatingin sa ibaba at si Gino naman ay nakatingin kay Tiara.
Umupo na silang dalawa at ang ngiti ni Gino ay abot-langit. Bakit? Tabi silang dalawa sa loob ng sampung buwan.
"Tiarababes! Anong almusal mo?" Masayang tanong ni Gino.
"..." Hindi siya narinig ni Tiara. Medyo nakaramdam ng hiya si Gino, hindi na naman kasi siya pinansin. Dedma-zoned.
Makalipas ang ilang minuto, pumasok na rin ang kanilang bagong guro at nagsimula na ang pagpapakilala at kung anu-ano pang ginagawa tuwing unang araw ng eskwela.
Nang tumunog na ang bell na ibig sabihin ay break na.
Tumayo agad si Gino at inakbayan si Tiara na nagbabasa ng manga, "Tiarababes! Punta na tayo ng canteen! Gutom na gutom na ako!"
"Okay." Mahinang sabi ni Tiara at tumayo na rin ito. Napangiti naman si Gino. Minsan lang kasi talaga magsalita si Tiara, maliban nalang kung naiinis ito o galit, pero hindi naman gusto ni Gino na nagagalit o naiinis si Tiara kaya kahit isang salita lang bigkasin ni Tiara, buo na araw niya.
Nang makarating sila ng canteen, marami agad tao na nakapila. Pumila naman sila agad at nang makabili na sila ay wala namang bakanteng upuan para sa kanila.
"Tsk. Dapat pala umupo ka na kanina pa Tiarababes. Ako nalang sana bumili. Saan tayo kakain niyan ngayon?" Sabi ni Gino habang nakatingin siya kay Tiara. Napaisip si Tiara, saan nga ba pwede?
"Sa ground nalang." Sabi ni Tiara na labis na ikinatuwa ni Gino.
"Sige sige! Halika na!" Yaya ni Gino at hinawakan ang kamay ni Tiara sabay takbo. Alam niyang hindi na makakatanggi si Tiara. Ang lambot ng mga kamay niya talaga! Isip ni Gino.

BINABASA MO ANG
I Got Abnoy ♥
Romance(Series - Ongoing - Chapter Three) © SuperRAWR The Heartthrob Will Be A Girl?!'s Tiara & Gino side story.