Chapter 1

1.1K 15 0
                                    

26-12-13

Estelle

Halos maestatwa ako nang makita siyang naghihintay sa'kin sa labas ng silid.


"May kailangan ka ba?" Kaswal kong tanong sakanya kahit na naghuhurumentado na ang sistema ko dahil sa presensya niya.



Naglalaro lamang ang ngiti sakanyang mukha. Kahit kailan hindi ko nagustuhan ang gano'ng klase ng ngiti mula sakaniya. Masyadong mapaglaro, hindi mo malaman kung anong ibig sabihin at hindi mo alam kung anong gustong iparating.



Humakbang siya papalapit sa'kin at tinitigan lamang ako. His dark features are really captivating. Makita mo lamang ang kanyang mukha ay alam mo nang maraming nakatagong misteryo at sikreto patungkol sa identidad niya, kaya naman magkakainteres ka talaga sakan'ya.



"May nakalimutan lang ako.." Aniya. Tinignan niya 'ko gamit ang kanyang mga mapupungay na mata.. Tama na. Ayoko nang magbago pang muli ang isip ko at ang mga desisyon ko.



Hinawakan niya ang aking pisngi at hinaplos ito. Daig ko pa ata ang taong binuhusan ng isang baldeng ipis dahil hindi na ako mapakali.


"Nakalimutan kita." Shit.



Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga para lamang makasigurado na hindi manginginig ang boses ko kapag nagsalita.



"Stop playing games." Mariin kong sabi. Pa-hard to get? No. Ayaw ko lang na isipin niyang handa akong makipaglaro sakanya. Dahil kahit may nararamdaman na ako, kahit may lugar na yung pagmamahal ko para sakanya, wala akong balak sumugal para sa isang taong mawawala lang din bigla.



Humalakhak siya at bahagyang ginulo ang kan'yang buhok. "I'm not playing games, Estelle. We both know that I am serious." Malamig niyang sabi.


"Kung gano'n.. bakit mo ako niloloko kung seryoso ka pala? Bakit mo ginugulo ang buhay ko kung hindi ka lang pala naglalaro? Bakit..." Matapang kong tanong sakan'ya. Oo, sana malaman mo na seryoso rin ako. Na gusto kong makasigurado. Dahil hindi ako interesado sa larong gusto mo.



I was never a fan of games. Especially love games. Because love is not something you can play with. Love is something that you should take seriously, something that makes you feel secured, something that makes everything about you and your life fine. It's not something that ruins every other thing. It should not be something that causes your destruction. So, why would you settle for someone's love that solely pushes you to self-destruct? That's the best yet worst mistake. And I don't want myself to commit that mistake.


Madilim niya 'kong tinignan. "Hindi kita niloko.. kahit kailan, hindi. Hindi mo lang magawang magtiwala."



Hindi ako natinag sa sinabi niya kahit na alam kong sa isang banda, totoo iyon.

Pero masisisi niya ba 'ko? Sa panahon ngayon hindi na normal ang pagtitiwala. Sa totoo nga, kapag nagtiwala eh isa na iyong bagay na kamangha mangha. Dahil alam mismo ng mga tao na hindi lahat eh katiwa-tiwala.



"Hirap na hirap akong magtiwala... Alam mo kung bakit? Kasi dumating ka sa buhay ko. " Pinilit kong ngumiti para lamang makumbinsi ko siya sa pahayag ko.


1.. 2.. 3.. My heart is breaking. My tears are threatening to fall, but I hope not, not this time, not in the wrong place and not with the wrong person.


"I tried so hard to run after you, you know?" Bahagya siyang tumawa ngunit ramdam ko ang pait sakan'ya.

"You're hard to reach. You always insisted that I am the one who needs all the chasing, the one who will never stick with someone like you.. the one that got away. When in fact, it's you. You're always drifting away from me. No matter how hard I try, Est."


Flames Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon