Hay.... pano ba to? di ko lam papuntang pier. "nay, ano ba sasakyan papuntang pier?"
"diviseria nak. bat mo naman natanong?"
wala po, nagtatanong lang..
Divisoria pala, bahala na lng.... bahala na si batman!
kung bakit ako pupuntang pier? kasi may susundo sakin don. naguguluhan ba kau? susunduin ako ng textmate ko turned friend ko and turned to be my girlfriend now. kung bakit, ewan.. haha.. ganito po kasi un........
(flashback)
gumagawa ko ng sulat ngayon para sa daddy ko kasi d ako magaling sa pagsasalita, mahiyain ako to the point na pati sa mga magulang ko eh nahihiya kong magsabi. isa kong napakalaking mahiyain, hahaha. d kasi ako nasanay talaga na nagsasalita kung may gusting sabihin, kadalasan tahimik lang ako, di ako mareklamo na tao at masunurin akong anak. kasi naman mahal kami at pinalaki ng mga magulang naming na may respeto at may takot sa Diyos, kaya ako e laking simbahan din....
magpapaalam kasi ko na gusto kong pumuntang Cebu, para mag explore. Tapos naman na kong mag aral at sa katunayan, nagtatrabaho nako sa isang kompanya sa Valenzuela. gusto ko kasing Makita ang Cebu City, nandun kasi siya. d namn sa gusto ko syang Makita, isa lang din un sa dahilan kung bakit ko gusto pumunta dun. Maganda daw kasi ang Cebu sabi nila, talagang mapapahanga ka. kaya nung sabihin nya sakin kung bakit di na lang daw ako mismo ang humusga kung ano ang Cebu. Bibigyan daw nya ko ng pamasahe papunta dun kaya ako na daw bahala magpaalam samin.
Kaya eto ang mahiwagang sulat para sa mahal kong tatay.... sinulat ko na lahat at inayos din ang pagppaliwanag para payagan nya ko. at eto na sya "Daddy, pakibasa naman po."
"Ano ba to? at may pasulatsulat ka pa?" at binasa na nya.
"E sino naman ang tutuluyan mo dun, baka mapahamak ka dun ang layo nun..."
"Nandun namn po si Ate Norma eh, tsaka dun po ko kila Cathy tutuloy."
"kahit na ang layo parin nun baka kung mapano ka, di ako pumapayag"
at yun na nga di ako pinayagan at nagkulong lang ako sa kwarto at iyak ng iyak... d kasi ko sanay na di napagbibigyan, kahit di kami mayaman eh napagbibigyan naman kami sa lahat ng gusto naming gawin. d rin namna kasi kami maluhong magkakapatid, mga simpleng bagay lang din ang mga gusto naming.
Kaya nag-usap nga sila nanay at daddy about dito at pinapanigan namn ako ni nanay, sabi nya malaki na daw ako at nakapagtapos namn daw, kaya ko na daw ang sarili ko, pero di parin pumayag si daddy.
So pinalagpas ko na lng din yun, Ang perang pinadala ni Cathy eh ginastos ko na lng sa handa para sa Fiesta sa baryo naming, na alam naman nya. so next time nag usap kami tungkol sa pagpunta ko sa Cebu eh siya na mismo ang sumundo sakin. Sabi nya papunta na sya ng Manila, nakasakay na daw siya ng barko. Di ko namn alam gagawin ko kung sisiputin ko ba siya o hindi. Iniisip ko kung di ko siya sisiputin, kung talagang papunta siya ng manila, kawawa namna siya dun maghihintay sakin. Pero kung pupuntahan ko naman siya, ano namn ang idadahilan ko sa amin? So napag desisyunan ko na puntahan siya kasi most of my concern is how about Her, not how about ME.
So pagkauwi ko galling sa work, sinabi ko sa nanay ko na may outing ang kompanya, may night swimming kami kinabukasan so magdadala ako ng damit ko para diretso nako sa outing naming.
"Bat didiretso ka, e kung umuwi ka muna ditto, d ka naman siguro mahuhuli nun" sabi ni Daddy.
"ahh. sige po, uwi na lng ako saglit para sa mga damit ko." wala na kong magagawa, siguro nakakaramdam din sila, di ko alam.
So kinabukasan, galling ako work, pag dating ko sa bahay impake ako agad. Nakabantay sa akin ang nanay ko at ang bunsong kapatid ko habang nag iimpake.
"Bat parang di kana uuwi nak? dami mong dala eh" sabi ni nanay..
"Madami ba yang isang short, isang t-shirt at twalya? swimming lang pupuntahan naming nay, overnight lang." at mikhang nakumbinsi naman siya at lumabas ng kwarto. Naku dali-dali kong nilagay sa ilalim ng twalya yung mga credentials ko para magamit ko sa paghahanap ng work dun kung sakali, mas maigi ng handa.
"O nay eto po pang gastos ngayong bwan, tapos paki sabi ka Aunti Cel na d muna ako magbabayad sa kanya, hehehe. need ko money eh"
At yun na nga naka alis ako samin papuntang pier para Cebu na 1500 ang dalang pera. Grabe, di ko alam kung panong papunta ron..... Bahala na Lord, guide me..... At makikita ko na rin si Cathy sa personal, magustuhan kaya nya ko in person, kasi ako wala naman akong problema sa mga ganyan, kung ano aka sa labas na kaauyuan, balewala sakin yun as long as maganda ang kalooban...
HELLO PO SA INYONG LAHAT.... SANA PO EH NAGUSTUHAN NYO NG KAHIT KONTI ANG STORYANG TO... ANO NGA KAYA ANG MAGIGING PAGKIKITA NI TIFANNY AT CATHY SA UNANG PAGKAKATAON? ANO NGA KAYA ANG PAGDADAANAN NI TIFANNY SA PAGPUNTA NYA NG PIER? ABANGAN PO SA NINYO ANG MGA ADVENTURES NI TIFANNY SA PAG ALIS NYA SA BULACAN.... HANGGANG SA MULI AT SANA PO NAGUSTUHAN NYO.....
GOD BLESS US ALL!!!