This is it..... Im here in Cebu City! excited ako at ang saya.... gala talaga eh, gusting gusto kong napupunta sa mga lugar na malalayo as in, hahaha.... Adventure, here I come!!!!!!!
Ito pala ang Cebu, wow, wow lang talag. na inlove ako agad sa kagandahan ng lugar, ewan ko ba, parang gusto ko ditto na ko tumira forever. Yan ang unang impresyon ko sa lugar na to..... Pero marami pa kong dapat gawin, una ang tumawag sa amin.
"Bhe ditto na tayo, lika dun sa bourding house, medyo papasok pa tayo ng konti." sabi ni Cathy. Sumunod lang ako sa kanya, halos di pa rin makapaniwala na nandito nako at makikipagsapalaran sa lugar nato. Pero di naman ako kinakabahan o nattakot, kaya ko to, exciting to.....
"Ahh bhe tawag muna ko samin." At nauna na ngang pumasok sa loob si Cathy. Tinawagan ko ang phone ng kapitbahay naming kasi nga dinala ko ang phone naming, isa lang naman ang cellphone sa bahay. Ayaw daw akong kausapin ng nanay ko kaya ang tatay ko ang nakausap ko. Hayaan na lng muna daw at hindi pa kayang kausapin ako. Alam kong mali na umalis ako samin pero kailangan kong gawin. Alam kong nasaktan ko sila sa ginawa kong to, pero dapat kong panindigan. Di ko alam kung ano iisipin ng iba sa nagawa ko at aalam kong puro negative yun. ganyan naman mga tao eh, huhusgahan ka agad base sa nagawa mo na ankita nila. D imuna nila alamin kung anong totoo, pero la kong pakiaalam sa iniisip nila. Ang swerte ko lang sa mga magulang ko lalo bna sa tatay ko dahil suporta pa rin siya kahit na umalis ako. Basta daw ok ako at masaya ko susuportahahn daw niya ko. First time ko ring narinig na umiyak ang tatay ko kaya iyak din ako ng iyak. Daddy's girl kaasi ako, ayokong nagagalit tatay ko sakin kasi di ko kaya. mahal ko silang lahat at di ko rin alam kung tama ba tong ginawa ko pero sa ngaun ito ang sa tingin ko na tama.
Lumipas ang ilang buwan at ok naman ang pagsasama naming, nagsimula din agad akong maghanap ng trabaho after 1 week simula ng dumating ako Cebu. Sa hindi rin inaasahang pagkakataon eh nawalan ng work si Cathy ng dahil nalulugi ang company na pinapasukan nya. Regular na siya dun, pero lahat ng regular ang tinanggal dahil mag iiba ng scheme ang company. Gagawin ng nilang contractual lahat ng empleyado at di na sila mag reregular dahil maraming benefits ang meron ito. At before pa kami maubusan ng budget eh natanggap naman ako sa work bilang sales associate sa isang sikat na depertment store.
Pero itong si Cathy eh mag pakama-pride, ayaw niyang binubuhay ko siya, dapat daw siya bumubuhay sakin kaya napag desisyunan niyang umuwi sa probinsya nila sa Mindanao. Magtatayo daw siya ng tindahan dun, kasi ayaw na din niyang mag apply pa ng work. Mas gusto nya daw na siya ang boss. So sa medaling salita, ang relasyon namin ay long distance pa rin. nagpunta ko sa Cebu para makasama siya pero ang kinalabas eh nagkahiwalay din kami.
Lagi naman kaming may communication pero madalas din may misunderstanding. walang araw na di kami nag aaway, ganyan talaga siguro basta malayo kau at di talaga kau magkakaintindihan. At isa pa, di talaga magkaintindihan ang tagalog at bisaya, kasi may mfa term sila na hindi magandang pakinggan sa mga tagalog at sa kanila wala lngBoring din kasi minsan diba. At sa tinagal namin at ng tumatagal kami, parang di naman niya ko masyado ng iniintindi. Hindi siya sweet gaya ng dati, oo wala siyang iba pero wala din siyang paki. D nagseselos at kung ano lang gsto ko un lang. parang nawalan ng excitement ang lovelife ko.
PAGKALIPAS NG PANAHON........
Nakailang taon na din kami ni Cathy, we have our upos and down. Merong time na nagka affair ako, at ako yun ha sa dahilang gusto ko ng anak. im so unfair kung tatanungin nyo kasi parang ako lang ang iniisip ko. Pero may mga dahilan kung bakit ko nagawa ang mga yun. Dahil din sa sitwasyon namin na malayo kami sa isat isa ng dahil sa nagiging work ko eh may time na minsan naghahanap ako ng happening sa life ko kaya naghahanap ako sa iba..hahaha... ayoko kasi ng ganun, gsto ko pinaparamdam niya sakin na mahal niya ko, hindi yung sinasabi lang. Lahat ginagawa ko para sa kanya. Marami akong sinakripisyo para sa kanya. Lahat binigay ko sa maaabot ng makakaya ko pati pag unawa sa kanya. Pero wala pa rin. D niya maapreciate ang lahat ng yun. Bulag siya, di niya Makita ang ginagawa ko para sa kanya. Tinutulak pa niya ko palayo.
Nag resign ako sa trabaho para lang makasama siya, baka kasi un ang dahilan kung bakit ganun siya. Pero wala pa ring pagbabago, iniwan ko work ko para may time kami sa isat isa pero wala pa rin.Naiiwan pa rin ako sa bahay mag isa kasi siya nandun sa barkada niya. Ayoko na ng ganito, wala ng saysay ang pagsasamang ganito. Siguro mas mabuting tapusin na lang kesa sa magkasakitan at magkasiraan kami lalo.
Nagdessiyon akong umalis at pumuntang ibang bansa. wala rin akong magagawa dahil nauubos na savings ko at wala na kaming panggastos dahil la namn siyang trabaho. Ang masakit lang ditto kung kelan aalis nako tsaka siya gaga ng di maganda. Lalo nya kong tinutuklak papalayo sa kanya. Di ko siya maintindihan kung bakit ganun ginagawa niya. Mahal ko siya, sa tinagal namin di ko na siya maalais sa sistema ko. ako lang karamay niya lagi at kasama niya sa lahat kaya di ko magwang iwan siya. Pero siguro may hangganan ang lahat. Mga nilang buwan nako sa Ibang bansa at nalaman kong may iba siyang babae. At sa tingin ko ginagamit lang siya nun dahil magkakapera siya ng dahil sakin. Kaya tinapos ko na ang lahat samin. Alam kong tama ang ginawa ko at tama ako sa babae niya. Dahil pagkatapos ko siyang hiwalayan eh di na rin siya pinansin ng babae niya, haha. buti nga.hahaha
pero kahit di na kami eh nandiyan pa rin ako para sa kanya kasi alam kong la na siyang ibang matatakbuhan kundi ako lng. Naisip kong sa lahat ng pinagdaanan namin, masaya man o hindi, hindi ko pinagsisisihan na minsan sa aking buhay na nakilala ko siya. nagging matured ako at nagging matatag dahil walang ibang makakatulong sakin kundi sarili ko lang. sa pagsasama namin hindi ako kalian man nanghingi ng tulong sa mga magulkang ko. inaayos ko and bawat problema ng ako lang. Ni minsan di ako humingi ng tulong sa iba at kinaya ko lahat. Malaki ang agwat ng ede namin, 7 taon and tanda nya sakin pero parang mas ako pa ang matanda kung mag isip minsan.
Sabui ko nga, di ko siya iiwan kahit ano mangyari, kahit di na kami eh makakatakbo pa rin siya sakin. Kahit sa lahat ng pinakita nyang di maganda sakin eh di ko pa rin siya matalikuran. Isa na siyang parte ng pagkatao ko na di maalis. Ng dahil sa kanya, nagging matag ako at natutong tanggapin ang mga bagay na di dapat para sakin. Natuto din akong mangarap at gumawa ng mga goal sa buhay ko para sa kinabukasan ko. Ng dahil sa kanya, natuto akong magpahalaga, at ng dahil din sa kanya, di nako aasa sa kung ano man. mamahalin ko muna ang aking sarili sa ngayon at ihahanda sa kung ano mang mangyayari sa kinabukasan.
Maraming nangyari na kami ang may gawa, di ko siya sinisisi sa mga nangyari pero siya eh nagsisisi dahil nawala ko sa kanya. Mahal ko siya hanggang ngayon pero di nako inlove sa kanya. More on a friend or a sisiter ang pede kong maibigay na pagmamahal sa kanya.
Sa ngayon magkaibigan kami, tinutulungan ko siya na makabangon sa ngayon, but she's not my priority now. My goal is to be happy and have a nice life in the future. Im thanking her for making me stronger and making me new and accept all that happens to my life. YOU MADE ME STRONGER.....