chapter 3

302 2 0
                                    

Mahaba pa ang byahe naming papuntang Cebu, 21 hrs. kami sa barko. naisipan naming maglibot sa barko ni Cathy. ang sarap ng pakiramdam makasakay ng barko..... gusting gusto ko talaga ang dagat, kaya walang problema sakin kung lagi akong sasakay ng barko. hindi ako halos makapaniwala na nandito ako  ngayon nakasakay papuntang Cebu kasama si Cathy.

Lahat ng nagiging desisyon ko ay di ko pinagsisihan, sinasabi ko sa sarili ko na dapat panindigan ko to dahil ginsto ko to. Kahit mahirap pa ang danasin ko alam kong makakaya ko. ganito ako pinalaki ng magulang ko. hindi kami mayaman, pero masaya at kuntento kami kung ano meron samin. Lahat kaming magkakapatid ay hindi maluho at close din kaming magpapamilya. para lng kaming magbabarkada pero alam naming rumispeto sa mga nakakatanda samin. Laking simbahan ako, bata pa lang ako eh kasali nako sa choir kahit puro matanda kasama ko.Sinasama kasi ko lagi ng malapit na kaibigan na ng pamilya. Kaya lumaki ako na may takot sa Diyos, pero may sarili din akonjg paninindigan, na kung sa tingin ko tama ako, ako pa rin masusunod.

Medyo matigas din ulo ko kaya nandito ako ngayon, kasama ang stranghero, not totally stanger but still, ngayon ko pa lang siya nakita at sumama ko sa kanya. Alam kong magiging masaya to, haha, adventure ahead of my life.

Pumunta lang kami sa deck, sa lounge para kumain, may banda din at ng mapagod sa room naming. Gusto sana nyang sa roon na kami lang pero la na talagang bakante kaya sa tourist lng kami. Magkatabi kaming nakahiga ni Cathy, at magkayakap. Ewan ko magaan ang loob ko sa kanya, di ko alam kung mahal ko ba sya o ano, basta kung ano yung alam kong dapat gawin un ang ginawa ko at tingin ko ito ang tama.

"Bhe, di ka ba nagsisisi at sumama ka sakin?" tanong niya.

"Hindi ako nagsisisi, alam kong dapat kong gawin to. Pano naman kung di ako nagpunta e di nagmukha kang tanga dun naghihintay sa wala,,hahaha."

At hinawakan nya ko sa mukha at nagkatitigan kami, I saw that sparkle in her eyes and its amazing. Di ko rin alam kung anong humihila sakin na titigan din siya with full admiration, and the eagerness na nararamdaman ko, gusto ko siyang halikan. Parang ang sarap ng mga labing yun.. But I cant, di ko magawang ako ang unang gagawa ng move, kaya yumakap lang ako sa kanya and feel her warmth, I love the way she hold me, feels so warm, I feel complete. At yub lang ang nagging basehan ko na magiging maayos din ang pagsasama naming, habang nararamdaman ko na safe ako sa mga yakap na yun......

Opo, ganyan kaikli. hahaha. sorry kasi tinatamad ako, kaya lang di naman ako makatulog kaya yan lang nagawa ko. lam ko nakakabagot tong kwentong to, try lang naman to, k lng din kung walang magbasa, haha..

Goodnight po, salamat po sa mga sumisilip sa story ko, I owe you a lot.

God bless you all!

You made me Stronger! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon