Puting kisame. Yan agad ang nakita ko pagkamulat ko ng mata ko.
'Nasa Ospital siguro ako' Naisip ko.
Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Mama na umiiyak at si Papa na namumugto ang mga mata at tulala.
"Ma.. Pa.." Sabi ko.
Napatingin silang pareho sa'kin. Humagulgol lalo si Mama at yumakap kay Papa. Sinamaan naman ako ng tingin ni Papa.
'Galit sila sa'kin...' sabi ko isip ko. 'Bakit kasi hindi na lang ako namatay eh..'
Ngumiti ako ng mapakla. "Hindi niyo ata kasama ang magaling niyong anak.. Iniwan niyo siya para sa'kin..? dapat ba akong matuwa..?" Nanghihina kong sabi.
Lumapit sa'kin si Papa. Nanlilisik ang mga mata niya at nakaamba ang kamay niya para sampalin ako. Inihanda ko na ang sarili ko at pinikit ko ang mga mata ko .
"Tama na.." Sabi ni Mama.
Agad akong napadilat at napatingin sa kanya. Pinipigilan niyang umiyak. Lumapit siya sa'kin at nag salita.
"Ganyan ka na ba talaga kabastos Kia?... " Pinunasan niya ang mga luhang lumalabas sa mata niya.. "Wala na si Lia..." Napahagulgol siya.. "A-ano.. masaya ka na ba ngayon ha..?!!" Sigaw niya..
W-wala na si Lia?
"A-anong i-big niyong sabihin..?" Naguguluhang tanong ko.
"Dalawang araw kang walang malay. Maraming dugo ang nawala sayo.. Lahat kami nag-aalala. Kahit si Lia. Hindi siya mapakali.. Tanong siya ng tanong.. 'Gising pa ba ate?' minsan lalapit siya sayo, hahawakan ang kamay mo.. tapos tatanungin ka niya.. 'a-ate idoy.. gising ka na.. layo tayo..' Nung unang gabi mo dito.. hindi siya pumayag na hindi siya sa tabi mo matutulog.."
Tuloy-tuloy lang ang pagkwento ni Mama kasabay nun ay ang pagtulo ng luha niya. May naramdaman akong mainit na bagay na tumulo mula sa mata ko..
Luha
P-pero bakit? hindi ba dapat masaya ako..? Wala na si Lia.. Wala na kong kaagaw..
"Alam mo ba.. Laging sinasabi sa'kin ni Lia na 'Gusto ko.. tulad ate idoy..' Lagi niyang tinitignan ang pictures mo kapag Honors assembly.. Gusto niya ding maging top sa klase.. Kasi gusto niya pareho kayo.. I dol ka niya eh.. Araw-araw titignan niya ang pictures mo tapos sasabihin niya.. 'galing galing ate idoy' Mahal na mahal ka ng kapatid mo Kia.."
Tahimik akong nakikinig kay Mama. Patuloy pa din sa pagtulo ang luha ko. Nakakainis. Dapat masaya na ako. Akin na lahat ng atensyon.. pero bakit ganito yung nararamdaman ko..
"Tapos kapag tinanong mo siya kung anong pangarap niya.. sasabihin niya 'gusto ko.. tulad ate ko..' Pangarap niyang maging ikaw Kia. Kahit lagi mo siyang inaaway.. iiyak siya pero sasabihin niya lang sa sarili niya na.. 'mahal ako ate ko..' tuwing masisigawan kita o kahit ni papa mo.. magagalit sa'min si Lia. 'bakit niyo away ate.. ako kasalanan.. galit kayo akin..' Lagi ka niyang pinagtatanggol.."
Napatingin ako kay papa.. Umiiyak din siya.. Nakatingin siya sa'kin pero hindi na siya galit..
"Naawa na nga kami sa kapatid mo eh.. Madami kaming pagkukulang sa kanya.. Oo Kia, madalas sa tingin mo inuuna namin si Lia kaysa sayo.. pero kung magpapalit kayo ng lugar.? Sino sa tingin mo ang mas maswerte? Ikaw madami kang mga kaibigan na tanggap ka.. Pero si Lia, wala.. Tuwing lalabas siya puro pangungutya ang natatanggap niya. Ikaw lang ang pwede niyang maging kaibigan Kia.. pero pinagkait mo yun.. Imbis na mahalin mo siya.. Nainggit ka pa sa kanya.."
Masakit. Yung mga naririnig ko ngayon.. Nasasaktan ako..
"Yung dress mo na sinuot niya.. isa lang yun sa paraan niya para maging katulad ka.. Pero nagalit ka pa sa kanya.. Alam mo ba? yung mga drawing niya na binibigay niya sa'yo? Pinaghihirapan niya yon.. Araw-araw, gumuguhit siya pero pagdating ng gabi.. makikita niya ang mga drawing niya na nasa basurahan lang.. Pero pinupulot niya yun.. tapos dinederetso niya at isasabit niya sa kwarto niya.. sinasabi niya pa sa sarili niya, 'panit kasi dowing.. kaya ayaw ate.. dapat danda sunod..' Araw-araw pinapaganda niya ang drawing niya para sa'yo. Pero lahat ng yun.. Tinapon mo lang.."
Kung alam ko lang.. kung alam ko lang sana.. Edi sana..
"Nung nakita mo kaming magkaka-yakap nun? Nung hindi naka-attend si papa mo sa Play niyo? Nalaman nun na mahina ang puso ni Lia. Kelangan siyang operahan.. Pero hindi namin napa-schedule kasi alam mo kung bakit? Nagpilit si Lia na pumunta sa Mall.. Papalitan niya daw yung dress mo.. Umiyak siya ng umiyak nun.. At dahil masama sa kondisyon niya ang umiyak.. pumayag na lang kami.. Siya mismo ang pumili ng dress nay un.. Paboritong kulay mo pa.. Pag-uwi namin.. sabi niya sa'min habang umiiyak... 's-sana p-pag-uwi ate idoy.. saya siya.. kasi.. danda damit oh.. tapos.. love na ko ate idoy.. yey' Masaya siya nun. Kaso nung dumating ka.. tinulak mo siya.. alam mo ba sabi niya nun.. 'bakit di ako love ate.. kasi panit ako..? .. kasi.. di ako salita ayos..'"
Hindi.. Hindi ganun.. Lia..
" Iyak siya ng iyak nun.. pero nung narinig niya yung kalabugan sa kwarto mo.. nagmamadali siyang tumakbo papunta sayo.. Nung nakita niya yung dugo.. iyak siya ng iyak.. At dahil nga sa dami ng dugong nawala sa'yo.. kelangan kang salinan.. hindi ka nagmatch sa papa mo.. ako naman ay hindi pwedeng mag-pasa ng dugo dahil sa diabetes ko.. Kaya si Lia.. Oo, bawal sa kanya.. pero wala siyang pakealam.. Ang gusto lang niya.. mabuhay ka.. "
Napahagulgol na ko.. Mas masakit 'to.. bakit ganon..
"Matapos siyang kuhanan ng dugo.. Putlang -putla siya.. Iuuwi ko muna dapat siya .. paglabas namin ng ospital.. may nakita siyang isang tindero ng lobo.. 'mamay.. paborito ate idoy.. bili..' nanghihina niyang sinabi.. bigla siyang tumakbo patawid pero... pero.."
Napa-upo si mama habang umiiyak.. Maging ako.. hindi ko kinaya ang mga narinig ko..
".. Pero may kotseng humaharurot at nabangga siya.. Na hit and run ang kapatid mo Kia.. Dahil sa lobo na gusto niyang ibigay sayo.. Buong buhay ni Lia ginusto niyang maging ikaw.. Mahal na mahal ka niya kahit palagi mo siyang inaaway.." Patuloy ni papa.
Ang hirap namang tanggapin.. Ang sakit eh.. Bakit ba kasi ako naging masama sa kanya.. Bakit ba ako nabulag ng inggit.. Edi sana.. kasama ko pa siya.. Kasama ko pa ang kapatid ko na walang ginawa kung hindi mahalin ako.. Bakit kasi hindi ko siya inunawa.. Edi sana.. masaya pa kami.. Wala na.. huli na.. Kung kelan ko pa narealize .. Wala na siya.. Wala na si Lia..
Lia.. Mahal kita.. Patawarin mo ang ate.. Sana ako pa din ang Idol mo.. Sana andito ka pa.. Para mamamasyal tayo.. Papahiram ko sayo mga dress ko.. Balik ka na Lia..
+ + +
Nandito ako ngayon sa isang park kasama ang kapatid ko..
Isang Memorial park..
Nagre- reminisce ng mga nagngyayari sa past..
Magandang pangyayari.. Malabo..
Anong bang ginawa ko nung nabubuhay si Lia? Inaaway, sinisigawan.. sinasaktan..
Pero kung buhay pa siya ngayon..
Handa akong pasayahin siya.. Kaso.. Wala na.. Patay na siya..
Masakit.. Pero..
Dahil lahat ng nangyari..
Pagsisihan ko man ngayon...
Huli na...
♠×××××♠
tapos na. Short story lang 'to eh. Sana nagustuhan niyo.
Comment + vote + Follow me

BINABASA MO ANG
Regrets
Short StoryNandito ako ngayon sa isang park kasama ang kapatid ko.. Nagre- reminisce ng mga nagngyayari sa past.. Magandang pangyayari.. Malabo.. Dahil lahat ng nangyari.. Pagsisihan ko man ngayon... Huli na...