Thurday na at as usual. Bago ako pumasok, sermon nanaman ang narinig ko kay mama.
Bakit hindi ko pinagsisilbihan si Lia. Bakit daw hindi ko inaabot yung pinapaabot ni Lia. Bakit daw hindi ko tulungan si Lia. Puro si Lia. Kelan kaya ulit magiging puro Kia naman...
Ngayon na nga pala yung stage play namin. Tapos Honors Assembly naman sa hapon. First honor ulit ako. Makakapunta kaya sila mama? O hindi dahil nanaman kay Lia?
"Ma, Remind ko lang ah.. ngayon yung play namin. Ako yung lead role. Si Juliet. Tapos sa hapon, honors assembly namin. First honor pa rin ako " Nakangiti kong sabi.
"Ay oo nga pala noh? May check-up kasi ngayon si Lia eh. Pero isisingit ko sa sched. ko yan"Sabi ni mama
Nawala yung ngiti ko. Ganun na ba ko kawalang halaga? Isisingit? Wow ha. Salamat na lang. Tumayo na ko sa upuan ko kahit hindi pa ko tapos kumain. Nawalan na ko ng gana.
"Ako na lang ang pupunta. " sabi ni papa.
Nabuhayan naman ako bigla ng loob sa sinabi ni papa. Buti pa si papa.
"Ipagpatuloy mo na ang pagkain mo." Papa.
Pero wala na talaga akong gana. "Busog na ko 'Pa, tsaka, mala-late na ko.. ibe-briefing pa kasi kami ni Ma'am eh. Alis na po ako."
Pagkadating ko sa school ay agad na akong nagpa-ayos. Excited na ako sa play. Ito ang first play kung saan ako ang bida. Pagkatapos akong ayusan, lahat namangha sa'kin. Syempre kasi maganda ako. Madaming nagpa-picture sa'kin.
Malapit nang mag-umpisa ang play. Hindi ako mapakali, hindi ko pa kasi nakikita si papa. May nakareserve na kasing upuan para sa kanya sa harap ng stage.
Umpisa na ang play pero wala pa din si Papa. Panay ang tingin ko sa upuan niya pero wala. Bakante.
Napagalitan na nga ako kasi hindi ko nadedeliver ng maayos ang lines ko. Badtrip. Umaasa kasi ako eh. Nakananmpucha!
Natapos ang play namin ng wala. Walang papa na dumating. Pinagtawanan ako ng iba, dahil nabulol ako sa pagsabi ng mga lines ko. Pakinshet!
Kinahapunan, honors assembly. Wala pa din. Tae. sana hindi na lang nagsabi diba. Hindi yung pina-asa lang ako sa wala. Lalo lang nadagdagan yung sakit sa'kin eh.
Bakit kaya hindi nakapunta si papa? Sus. May bago pa ba?! Edi malamang dahil nanaman kay Lia. Badtrip lang talaga.
Umuwi ako sa bahay ng gabing gabi na. Nag-inuman kami ng mga kaklase ko. Alam kong lagot na ko pero wala akong pakealam. Parang sila lang. Wala silang pake sa'kin.
Pagpasok ko ng bahay, akala ko sermon ang bubungad sa'kin.
Hindi pala. .. Mas masakit ang makikita ko.
Si Lia. May mga bago siyang damit tapos nakaakap pa siya kila mama at papa. Masaya sila. Masaya sila kahit wala ako. Di ko alam kung sino talaga ang dapat wala dito sa mundo eh.. Ako ba o si Lia?...
Ang sakit lang kasi. Binalibag ko yung pinto kaya naman napatingin sila sa'kin. Biglang tumakbo papalapit sa'kin si Lia.
"a-ate.. ti-tingin m-o-" Tinulak ko ng malakas si Lia.
Agad na napalapit sa'min si Mama at papa. Niyakap ni Mama si Lia at si Papa naman ay lumapit sa'kin at binigyan ako ng isang napakalakas na sampal.
"Ikaw Kia ah!! Namumuro ka na sa'kin!! Anong oras na sa tingin mo ha?! Tapos naka-inom ka pa! Ano bang nangyayari sayo ha?!!! Harap harapan, sinasaktan mo ang kapatid mo!! Hindi ka na nahiya sa'min!!" Sabi ni papa
Napahikbi ako. Tuluyan ng lumabas yung mga luha na matagal ko ng pinipigilan.
"Bakit papa, kayo ba hindi nahiya sa'kin?! Pinaasa niyo ako! Sabi niyo pupunta kayo sa Play at honors assembly ko pero ano?! Nagmuka akong tanga kaka-antay sa inyo. "
"A-anak.. nakalimutan ko.."
"Ayun na nga eh!! Simula ng dumating si Lia. Nakalimutan niyo na ko. Buong buhay ko, ginusto kong maging mgaling. Mag top sa klase, Maging magaling sa lahat ng bagay. Para kahit papano, mapansin niyo ko. Maalala niyong may Kia sa tabi na nag-aantay ng pansin. Na may isa pa kayong anak bukod kay Lia."
Umiiyak akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at doon nagkulong. Binalibag ko ang lahat ng gamit na mahawakan ko kahit pa magkasira-sira. Nanghihina akong napaupo sa gilid ng kama ko. Umiyak ako ng umiyak doon. Naririnig ko ang katok nila Mama sa pinto. Inutusan niya si Papa na kunin ang duplicate key namin.
Ayoko. Ayoko na. Ang sakit na kasi eh. Ang hirap. Sa nakita ko kanina, may napatunayan ako. Hindi si Lia ang extra sa pamilyang ito.. kundi ako.
Pinulot ko ang isang basag na salamin at hiniwa ko ang pulso ko ng dalawang beses. Tuloy-tuloy na tumulo ang dugo ko.. Tutal.. extra lang naman ako.. mas mabuti pang mawala na ko..
Pagbagsak ko sa sahig ay saktong bumukas ang pinto. Napasigaw si mama ng Makita ako Tumakbo papalapit sa'kin si Lia at hinawakan ako.. "a-ate d-dugo.. d-dami.."
"S-sana... h-h-hindi... n-na l-lang... k-kita.. n-na-naging kapatid...." sabi ko bago ako mawalan ng malay.

BINABASA MO ANG
Regrets
Short StoryNandito ako ngayon sa isang park kasama ang kapatid ko.. Nagre- reminisce ng mga nagngyayari sa past.. Magandang pangyayari.. Malabo.. Dahil lahat ng nangyari.. Pagsisihan ko man ngayon... Huli na...