Chapter 1

250 3 0
                                    

PAKINSHET.

PAKINSHET talagang buhay 'to. Ano nanaman?! Ako nanaman ang mali? Ako nanaman may kasalanan? Badtrip.

Bwisit talaga sa buhay ko yang batang yan eh! Simula ng dumating siya nagkanda leche leche na ang buhay ko! Nagka-away kami ni Mama! Pati si Papa na paborito ako, naiinis sa'kin! Tae lang.

Masaya naman kami noon nung hindi pa siya dumadating eh! Lalo na ako. Masayang Masaya ako. kaso sinira niya lahat.

~~FLASHBACK~~

"Hoy Lia! Bakit suot mo nanaman yang damit ko?! Ha!? Diba sabi ko sayo wag kang mangingialam ng gamit ko?!" Sabi ko sa kapatid ko. At sa galit ko, sinampal ko siya ng malakas.

Umiyak naman siya agad. Dapat lang sa kanya yan. Pakialamera. Tsk. Biglang dumating si Mama na may hawak pang sandok. Agad niyang nilapitan si Lia. Lalo namang lumakas ang iyak ni Lia.

"Kia!Ano nanamang ginawa mo sa kapatid mo?!!" Sigaw ni mama sa'kin.

Noong ako pa lang ang anak, hindi ako sinisigawan ni mama ng ganito. Ni ayaw nga niya akong pinadadapuan ng kung anong insekto eh. Pero nung dumating si Lia. Laging ganito ang eksena sa bahay. Laging ako ang sinisigawan. Nakakasawa na.

"Ma, si Lia kasi eh! Tignan mo oh! Suot nanaman ang damit ko! At ang galing niyang mamili ah, yung damit pa na hindi ko sinusuot dahil gagamitin ko sa stage play namin sa Thursday yung sinuot niya! Hubarin mo nga yan!" Ako

"S-s-soly a-ate... i-idoy k-ko k-ka-kasi ate.. g-gusto ko r-reho t-tayo.." sabi ni Lia habang humihikbi siya.

"Ayusin mo nga yang pagsasalita mo!! 10 ka na bulol ka pa din! Hubarin mo yang damit na yan! Itatapon ko na yan! Leche-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong sinampal ni Mama.

"Yang bunganga mo Kia ah!! Sumosobra ka na! Bakit ba hindi mo magawang pagpasensyahan ang kapatid mo?! Alam mo namang may sakit siya diba?! Dapt inuunawa mo siya!" sabi ni mama

Nararamdaman kong naluluha na ko pero pinigilan ko. Hindi nila makikita ang mahinang pagkatao ko. Tinanggal ko lahat ng emosyon sa mukha ko bago sumagot.

"Bakit ma, Ako na lang ba lagi dapat ang iintindi kay Lia? Nasasaktan din ako ma. Anak mo din kasi ako" pagkasabi na pagkasabi ko nun ay tumakbo na ko paalis.

Naririnig kong tinatawag ni mama ang pangalan ko pero hindi ako nag-abalang lumingon. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko.

~~End of Flashback~~

Bakit kasi ang Unfair?! Anak din ako. Dapat pantay lang kami. Hindi yung puro siya lang. Oo may sakit siya. Bakit?! Kasalanan ko bang mongoloid siya?! Ginusto ko ba yon? Hindi diba?! Eh bakit ako lagi ang nasasaktan dito?!

Kung ako nga ang papipiliin, ayoko talagang may kapatid. Limang taon. Limang taon akong masaya nung wala pa siya. Lagi kong kalaro si mama. Lagi kaming namamasyal ni papa. Ramdam kong mahal nila ako.

Pero nung mabuntis si Mama kay Lia, nagbago lahat. Nung nalaman na mahina ang kapit ng baby sa tyan ni Mama, Hindi ko na siya nakakalaro. Si papa naman, laging binabantayan si mama, madalas din kasing sumakit ang tiyan ni mama noon eh. Kaya wala na silang oras sa'kin. Wala pa nga si Lia sa mundo, ramdam ko ng etsa-pwera na ako.,

Nung ipinanganak si Lia, kalahating Segundo siyang nawalan ng hininga. Akala nga nila patay na siya. Sabihin niyo ng masama pero ang hiling ko din noon sana hindi na siya huminga pang muli.

Nung mga bata pa lang kami. Inilayo ko na ang sarili ko sa pamilya ko. Puro barkada. Nasasaktan kasi ako kapag nakikita kong masaya silang lahat kahit wala ako.

Mag ga-gabi na nung umuwi ako sa bahay namin. Tatlong oras din akong nagpalakad-lakad. Pagkapasok ko ay sinalubong agad ako ni Papa... Ng sigaw.

"Kia! Mag-usap nga tayo!" papa

"Not now pa. Pagod na ko." pagod na kong masaktan.

Dire-diretso akong umakyat sa kwarto ko. Nakakita ako ng isang papel na nakapatong sa kama ko. Kasama niya yung dress na suot ni Lia kanina.

Isang drawing. Ako at si Lia. Nasa isang park at magkahawak kamay. Pareho naming suot yung dress ko. Lagi akong binibigyan ng ganitong drawing ni Lia.

Nilukot ko agad yung papel at tinapon sa basurahan kasama nung dress. Bago ako makatulog ay isa lang palagi ang iniisip ko..

I Hate you Lia. Sana wala ka na lang..

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon