<<Chapter 5>>

6 2 1
                                    

BEA'S POV
Okay andito kami ngayon sa canteen.. Kasama ko ang BFFs ko.
Yung 'Parteners-in-Crime' ko. Haha! Pero anyway, hinahanap ko si..... Oh okay nakita ko na siya.

"Heya Ken! Babe, wanna go to my house later? You know, party or something... What do you say?" Tingnan natin kung pumayag. Siyempre with matching eye contacts and hand gestures para hindi maka-tanggi...

"Oooooh! Dude, payag na! Sayang naman... Hahaha!" Sabi ng mga tropa niya. Sige go. iPush niyo pa si Ken.

"Tss. Okay okay. Fine! Sasama ako." Parang napilitan -_-

"Parang napilitan ka lang babe eh... Grabe ka naman." Hahaha tingnan natin.

"Ha? Ako? Hindi. Hindi ako napilitan. Gusto ko talaga. Ano ka ba? Syempre sasama ako." Mabuti naman kung ganun. Edi good. Time for me to show him. Hahaha!
~~~~~~~~~~~~~~~
KEN'S POV
"Ha? Ako? Hindi. Hindi ako napilitan. Gusto ko talaga. Ano ka ba? Syempre sasama ako."

Patay! Ewan ko ba kung anong meron tong si Bea at hindi ako nakakatanggi. She's very......I dunno. She's just unpredictable. Pero kahit ganun, hindi pa rin nawawala sa isip ko na hindi ko talaga sineseryoso si Bea. Hahaha!

Oops! Nakalimutan ko may practice pala kami mamaya.

Okay may karapatan kang umayaw Ken. Okay? May karapatan ka. Hindi naman yun magagalit sayo. Kapag nagalit siya, wala na siyang makukuhang atensyon galing sa isang Kenneth Santos.

"Oh! I almost forgot. May prac--"

"May practice na naman... -_- Hay naku babe..." Aarrggh! Ken kailangan mong mag-practice. May game na kayo next week!
Okay para akong baliw... Kinakausap ko na naman ang sarili ko.
Pero you have to decline..

YOU HAVE TO DECLINE.

"Babe, I'm really really sorry pero kailangan ako ng team. You know naman na ako ang team captain diba? I really need to be there... Gusto ko man pero....I'm sorry."

Yan ganyan nga Ken.. Konting paCute pa at hindi yan magagalit.

"Bawi na lang ako next time babe. Promise." Eew! Babe! Hahaha...

"Promise? Aasahan ko yan ah. Sayang naman babe. Sige ganito na lang. Next week after ng practices niyo, pupunta ka sa bahay ah? Deal?"

What?! Next week?! Arggh! Lagot ako kay coach nito. Sige na nga...

"Sige. Okay. Deal." Tsk tsk tsk! Bahala na.

"Yey! Thanks babe! I love you so much!" At hinalikan pa ako! Huh! Nag-I LOVE YOU pa siya... Tss -_-

"You're welcome!" Anong akala niya mag-a-I LOVE YOU din ako sakanya? Uh! No way! Haha! she's not even my girlfriend...

"Dude tara na. Tapos na ang break. Practice na tayo. Baka inaantay na tayo ni coach."

"Sige dude. Tara na... Babe I gotta go. Next week okay?" Haays...

"Okay babe. Next week."
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tapos na ang practice and I am super burnt out! Ugh! Graaaabe! Parang hindi na nasanay ang katawan ko dahil sa bakasyon.

"Dude! Grabe nakaka-pagod no?" Si Josh. Isa sa pinaka-close ko sa team.

"Oo nga eh. Grabe! Nanghihina ako sobra." Wait.

"Josh, sino yung girl doon? Freshman? Yung kasama ni Mark."

ANG GANDA NIYA.
Wait anong sabi mo Ken? H-hindi. Oo. Hindi.

"Ah si MJ. Sikat nga siya dahil kahit simple lang siya, may itsura... Wait, dude, you like her?!"

"What?! No! Its just that........Ah.....I'm-I'm just...you know...curious about her. That's all." Haaay Ken! Anong nangyayari at ikaw ang naging curious sa isang babae? Diba sila ang lumalapit? Arrgh!
Pero kahit anong tanggi mo Ken, Oo parin ang sagot mo diba?

Bigla akong napatayo at papunta sa direksiyon kung nasaan sila. Wait! Wait! Wag kang lumapit!!! Waaah!

"Dude, san ka pupunta?"

Hindi na ako nakasagot. Parang hinihila lang ako. Wait lang!! Ang ganda niya kasi eh. Kung hindi para sa iba, para sa akin oo. Maganda siya.

SOBRA.

"Hey miss beautiful. I'm Ken."
She IS really beautiful.
~~~~~~~~~~~~~~~
MJ'S POV
"Hey miss beautiful. I'm Ken."

Ken? Ang gwapo niya... Infairness...

"Wag kang makinig diyan. Mambobola yan si Ken." Bulong ni Mark. Mukha nga. Kasi nung first day, agaw pansin siya eh.

"Ahh I'm MJ. Hindi ako beautiful. Hehe." Pramis hindi nga. Hahaha!

"No. You are. You are beautiful. Tsaka Mark wag ka ngang ano!" Hahaha! Grabe narinig niya yun? Ang galing. Haha!

"Want to have coffee or something?" Ayy nag-alok. Sige pwede.

"Ah sig-"

"Ay sorry Ken may gagawin kasi kami ni MJ eh. Something important din. Alam mo na scholar siya so kailangan niya mag-...... You know.. Hehe." Si Sam naman eh. Siniko ko siya. Eh kese nemen eh. Eng gwepe niye eh. Haays.

"Ah ganun ba. Sige next time na lang miss beautiful. See you around." With matching kindat pa. Pinag-masdan ko lang siya habang naglala-lakad siya palayo. Haaaay. Ang KJ lang naman ni Sam eh.

"Bakit mo naman sinabi yun? Papayag sana ako eh." Nakakainis naman yun.

"Eh kasi ang turing sakanya ni ate boyfie niya. Kaya kapag nakita ka ni ate baka mapahamak ka kapag nangyari yun. Actually feeler kasi ang ate ko. Tapos si Ken naman nakikisakay kaya, parang playboy siya. Ako na mismo nagsasabi sayo MJ, wag ka nang lumapit kay Ken." Weeh? Pero sige. Basta si Sam ang nagsabi makikinig ako.

"Siya ang team captain ng varsity natin dito sa school. Kaya suuuuper famous siya dito."
Sabi ni Sam.

"Anong parang playboy? Playboy talaga. Tama si Sam, MJ. Ako witness ako sa Ken na yan. Tsaka kapag nasa game siya, halos lahat ng babae, pinopormahan. Haayst! Ewan ko ba. Basta layuan mo na lang.. Mas maigi kung wag ka nang lumapit sakanya."
Second the motion naman 'tong si Mark.

Kung sa bagay. Nasa mukha niya nga eh. Tsk tsk. Tama MJ umiwas ka na lang. Mas maigi nga yun. Tsaka hindi boys ang pinunta mo dito. Okay?
~~~~~~~~~~~~~
A/N:
Hayy. Nag-meet na sila. So ano kaya magiging next move ni Ken?
Sincere kaya yun or laro-laro lang? Sana totoo. Para maiba naman ang kasama ni Ken. Hahaha joke! Pero abangan niyo ang next chapter guyth. Hehehe... ^.^

Vote and comment pa mores guyss.. Thanks! :)

A Twisted FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon