2

5.3K 82 1
                                    

I could feel how my cheeks heat up upon hearing what he just said.

He joined because I asked him to?

Hindi ko tuloy mapigilan ngumiti habang naglalakad kami papunta ng room namin.

Walang katao-tao pagdating namin sa room since our classmates are still outside. Maybe studying or just chilling somewhere.

Rio put down my reviewers on my desk bago tumingin sa akin. "Saan tayo?"

Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Huh?"

Ngumuso siya sa reviewers na nasa pwesto ko. "Saan tayo magrereview?"

Napatango naman kaagad ako sa kanya at tinalikuran siya ng magsimula na naman uminit ang pisngi ko.

Bakit ko naman inisip na tinatanong niya ako for a date? Nakakahiya!

"Iba iniisip mo 'no?" natatawang sambit niya kaya napairap kaagad ako kahit hindi tumitingin sa kanya. "Well pwede rin naman yang iniisip mo." pangaasar niya kaagad sa akin.

"Shut up. Ayaw kitang ka date 'no! Sawa na ako sa pagmumukha mo."

Of course that's a lie.

I think I will never get tired of seeing Rio's face. Mas pipiliin ko pa atang kasama siya parati kaysa mawala siya sa buhay ko.

"Sus baka crush mo na ako niyan ha!" pangaasar niya sa akin.

Napairap naman ako kahit hindi niya yun nakikita kasi nakatalikod pa rin ako sa kanya.

"Let's just talk about it later." sabi ko, ignoring his teases bago nagmadaling umalis na dun.

***

"Ano pinagusapan niyo?" tanong ni Cali sa akin ng magkita ulit kami sa canteen.

"Quiz bee." maikling sagot ko sa kanya with my mind still stuck sa nangyari kanina.

If Rio finds out my feelings for him, will he stay away from me? Parang 'di ko ata kakayanin pag nangyari yun.

Rio is my anchor. Losing him will feel like losing myself and losing the battle I have been fighting for years.

"Bakit parang ang lalim ata ng iniisip mo Yumi?"

Napaangat kami ni Cali ng tingin ng marinig namin ang boses ni Vena. Kasama niya si Clarice sa likod niya. Pareho pa silang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin ngayon.

"It's nothing." I said at umiwas ng tingin sa kanila.

Tumabi si Vena kay Cali at si Clarice naman sa akin.

"Are you sure? May problema ka ba?" Cali said looking at me with worries in her eyes.

"Hulaan ko." Clarice says, still staring at me. "Si Rio na naman dahilan."

Kaagad na napalitan ng pangaasar ang pagaalala nila kanina.

"Iisang tao lang naman ang nagpapasaya at nagbibigay problema sa kanya." Vena added habang umiiling.

Sunset Promises (Euphoria Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon