1

13.3K 163 5
                                    

"Ito!" Cali said while pointing at my name on the list. "Classmate tayo!" she added when she saw her name below.

It's the first day of class today. Cali and I are both Grade 12 from STEM strand since ito yung nakaalign sa course na kukunin namin sa college.

"Hindi talaga kayo napapaghiwalay 'no?" Cali said while still reading the names in the list. Napakunot naman ang noo ko sa kanya. "Magkaklase na naman kayo." reklamo niya and even rolled her eyes at me na para bang kasalanan ko yun.

Andito kami ni Cali ngayon sa hallway para hanapin ang section namin. May bulletin board kasi dito kung saan parating nakalagay ang mga listahan ng sectioning at saan room nakassign ang section namin.

I chuckled and flipped my hair para mas lalo siyang inisin. "Well, what can I say? I guess we're meant to be?" napalakas pa ang tawa ko when I saw how her brows furrowed.

"Meant to be sa friend zone ba?"

Mabilis pa sa alas kuatro ang pagirap ko sa kanya ng sinabi niya yun. "Di ko gusto mga lumalabas sa bibig mo Calista."

Nagsimula na akong maglakad papunta sa room namin at naramdaman ko naman na kaagad sumunod si Cali sa akin. "Puta isa pang Calista." asar na asar na sabi niya sa akin. That's what you get for teasing me!

Napailing nalang ako at hindi na siya inasar. Cali never liked being called by her full name. Hindi daw talaga kasi bagay sa pagmumukha niya ang Calista na pangalan. Ika pa niya the name is very Filipino daw, which is very malayo sa pagmumukha niya.

Cali is a half Japanese just like me. But her Japanese features is more prominent than her Filipino ones unlike mine na perfect combination talaga of both. Napapagkamalan pa tuloy siyang full Japanese minsan.

"And they say I'm lucky to be friends with the famous Ayumi Lavelle Tanaka. Jusko kung alam lang talaga nila." pagrereklamo niya tabi ko kaya natawa nalang ako bago ako pumasok sa room.

Naramdaman ko ang pagkurot ni Cali sa braso ko pagupo namin sa likod kung saan kami always nakaupo.

Mas gusto niya daw kasi sa likod kasi 'di masyadong napapansin ng mga professor.

But I beg to disagree feeling ko nga mas mapapansin pa ang mga nasa likod kasi dito mostly nakapwesto ang mga students na ayaw makinig sa klase. Well, hindi ko naman nilalahat.

Iniripan ko siya at kaagad hinila ang braso ko sa kanya. Minamasahe ko pa ito dahil nararamdaman ko pa ang sakit ng kurot niya.

"Masakit yun Cali ha. Ano naman ba problema mo?"

Ngumuso siya dun sa mga upuan na malapit sa pintuan. "Ba't 'di mo kasabay si friendzone pumasok?"

Hinampas ko siya ng mahina sa sinabi niya. "Tangina mo inaano kita dyan ha?"

Tinulak niya ako ng mahina while grinning at me. Muntikan pa tuloy akong matumba sa upuan ko.

"Mabubulok ka nalang ata sa friendzone 'te kung hindi ka pa kikilos."

I rolled my eyes at her. "Alam mo, kung mas nakafocus ka sa studies mo baka sasaya pa sila tita sayo."

Mabilis na nawala ang ngiti sa labi niya. "Ang harsh mo naman sa akin Yumi. Ikaw na nga 'to sinusuportahan ang lovelife." she pouted bago umayos ng upo.

Napailing nalang ako and went back to scrolling on twitter.

Pero ilang minuto pa lang ang nakalipas na pananahimik ni Cali ay nabulabog na naman ang kaagad ang katahimikan ng buhay ko ng narinig ko ang malakas na boses ni Dareen na tinatawag ako.

Sunset Promises (Euphoria Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon