Makes me Wonder

2.4K 70 81
                                    


" And you told me how you're feeling
But I don't believe it's true
Anymore, anymore
I wonder if it even makes a difference to cry
(Oh no)
So this is goodbye "

- Maroon 5


MADDIE

" nasaan ako? " iyon ang bungad ko pagkamulat ko ng mga mata ko. Nakasling pa rin yung braso ko't masakit pa rin ang katawan ko lalo na ang braso ko. Napansin ko rin mga pasa at sugat sa katawan ko.


I found myself at the four walled room. Kakaunti lang yung gamit at mukhang bagong paggawa lang ang buong istruktura. Base na rin sa konting amoy ng pintura sa paligid.


Pinilit kong maging pamilyar sa paligid. Hindi naman 'to mukhang hospital, Hindi rin mukhang bahay namin. Masyadong minimalistic ang paligid. Nasaan ako?!


Shocks! Hindi kaya nakidnap ako?! Last thing I remember kasi ay pinasok yung hospital suite ko. Hindi kaya nagtagumpay silang makuha ako?! Don't tell me nanganganib na naman ang buhay ko.


Little by little pinilit kong gumalaw at tumayo. I checked the room then pagsilip ko sa labas ng bintana puro rock formation at dagat lang ang nakikita ko. yung pagkabughaw ng langit na nakikihalo din sa pagkabughaw ng dagat. Masarap lang tignan dahil somehow napapanatag din ang kalooban ko pero hindi pa rin nun maiaalis ang katotohanan na hindi ko alam kung nasaan ako.


" Nasaan ako?! " bulalas ko. Bakit mukhang isla ang lugar na 'to? Tahimik din at payapa halatang malayo sa kamaynilaan.


Then it hits me.. Naandun si Abel nung may nagtangka sa buhay ko. May posibilidad kaya na naandito siya? Na kasama ko rin siya sa lugar na 'to?!



" Abeeeel! " I shouted at the top of my lungs. Nagbabakasaling siya nga ang kasama ko sa lugar na 'to.



Maya maya bumukas yung pinto halos lipadin na 'to sa sobrang lakas ng pagkakabukas nun.


Next thing I know. Iniluwa nito si Abel na nakaSports bra lang at boxer na may hawak pa na spatula at baril sa kabilang kamay.


" Anung nangyari sayo?! " bulalas niya. Hindi naman ako kaagad nakasagot. Natulala na lang ako sa pagkakapasok niya dahil parang may spotlight sa pwesto niya. Mabilis kong pinunasan ang labi ko dahil baka may tumulong laway na mula dito. Ay anu daw Madeleine?! Ang alam ko braso mo yung napuruhan hindi yung utak mo baka nakalimutan mong naiirita't nagMo-move on ka sa pangit na 'yan!


" May pumasok ba? May kaaway ba?! Nasaan! Labas! " sigaw niya ulit saka lumapit sa akin then checked me.


" Ayos ka lang? "


Mabilis ko namang iwinaksi ang kamay niya sa akin saka inirapan siya.


" Ayos lang ako! " Mukha naman siyang nabunutan ng tinik sa sinabi ko.


" Akala ko may nangyari na sayong masama. " Nairita naman ako dahil kumakaway na naman sa akin yung abs niya.



" Pwede ba magsuot ka ng damit! " Doon ay sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya.



" Wala namang mali sa suot ko ah?! " then nagModel pa siya sa harap ko yung pangFit N' right ulit.


" e kung ihampas ko kaya yang mga hawak mo sayo?! " I gave her my death glare.


" Tss. Sungit! Oo na. Maghintay ka na lang jan at magpahinga. " then she left me. Oo tama! Dyan naman siya magaling ang mang-iwan.


Muli akong bumalik sa bintana para pagmasdan ang tanawin na sumasalubong sa akin.


Unkiss Me [BEADDIE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon