Special Chapter : Liham ni Hubby

1.8K 63 84
                                    

Beautiful Wifey,

Uhm. I love you, Mahal na mahal kita Madeleine Yrenea Madayag-De Leon ( Ugh! Wait hayaan mo muna akong kiligin. Nasa iyo na kasi ang apelyido ko. ) Anyways. Alam ko naman hindi magigising sapat ang mga salitang 'to. Hindi magiging sapat ang sulat na 'to. Alam kong magagalit ka pa rin dahil hindi ko tinupad ang mga pangako ko sayo. Alam kong mumurahin mo na naman ako dahil iniwan kita. Hindi sapat ang salitang sorry para maibsan lahat ng sakit na nararanasan mo at ang mga luhang inilabas ng mata mo. Walang bagay na sasapat para maibsan ang bagay na iniwan ko sayo.

Patawad Wifey, Ikaw ang bumubuhay sa akin pero sa puntong 'to. Dumating na ang oras ko. Kung gugustuhin ko lang ay gusto kong manatili sa tabi mo. Gusto kong yakapin ka bago matulog. Gusto kong halikan ang labi mo pagkagising mo sa umaga. Gusto kong ipagluto ka o ipaglaba ka sa araw araw, Samahan ka sa pagSho-shopping mo o pagbili sa Grocery, Samahan kang tahakin ang mga kakaibang bagay ay hindi ko na magagawa pa. Gusto ko mang hagkan ang labi mo para mapanatag ang puso mo. Gusto ko mang punasan ang mga luha sa mata.

Wala na akong magagawa kundi ang tumingin sayo sa kalayuan. Sa ibang dimension na ako na lamang ang nakakaalam. Wala na akong magagawa kundi tumabi sayo sa bawat sandali ng buhay mo pero hangin na lang sa paningin mo.

Sinubukan kong lumaban. Sinubukan kong ipaglaban. Sinubukan kong maging malakas. Sinubukan kong magMamakaawa wag ka lang maiwan. Kaso wala na. Wala na akong magagawa, Oras ko na talaga.

Mahal na Mahal kita Madeleine Yrenea Madayag-De Leon. Lagi akong nasa tabi mo kahit hindi mo nakikita parang pag-ibig ko. Wala man ako lagi mo namang mararamdaman.

Luha ay iyong punasan. Loob ay ipanatag balang araw Maabot ko rin ang mga kamay mo, doon ay dadalhin kita sa paraiso ng walang hanggan. Doon ay ipagpapatuloy natin ang mga nasayang. Gagawin natin at susulitin ang mga bagay na nawala. Pupunuin natin ang lugar ng pagmamahalan. Ikaw at ako wala ng iba pa.

Hihintayin kita Wifey ko. Hanggang sa muli.

Handsome Hubby,

P.S: Sinulat ko 'to dahil nararamdaman ko na ang katapusan. Sinusulat ko 'to habang nakatingin sa maamo mong mukha. Sa chinita mong mata at sa mapupula mong labi. I love you Wifey, to infinity and beyond.

FIN ( FINAL NA TALAGA TO. 😂 )

So ayun. Maraming salamat sa lahat ng sumama sa magulo, magulo at magulong story nina Bea/Abel at Maddie na Hindi naman Aksyon Ang tema . Salamat sa mga nagbabasa at walang sawang naghihintay ng UD ko kahit minsan Ay lame. Sa mga laging nagvo-vote at nag-iiwan ng comments. Nababasa ko yun hindi lang nakakareply minsan. M2M Yung mga laging nasa comment corner pero nagpapasalamat ako dahil sa bawat comment niyo nabibigyan ako ng motivation Para magsulat.

Thank you sa lahat ng oras, battery ng phone, mb ng data na ginugol niyo dito.

mga supporters ng BD. Never shall we sink! Hintayin lang ng ganap. Lol ( nawawalan na rin ako ng pag-asa pero masarap talaga Ang Hopia)

Hindi ko alam kung makakagawa pa ako ng BD. School stuffs problem and Yung may series akong Hindi pa katatapos. Tapos tamad din ako.

Special mention Kanila JeanelFielMD_03 . batang nagpupuyat at laman ng madaling araw HAHAHA. BDL14AV02 , IngalPatpat at robotone , ChinchanAlmiron na laging nagko-comment. Minsan nga naging chat box na.

Boss MCBautista12, Beh tweetinebird ! Tapos na po. Wag niyo ng basahin. Nakakahiya HAHAHA.

KapitanARA08 Auths sumapi ka na ulit sa BD oy! HAHAHAHA

Salamat ulit!

Unkiss Me [BEADDIE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon