Chapter 16

9.5K 59 22
                                        

Chapter 16

Madiin ang paghagod niya ng graphite sa maliit niyang sketch pad habang nakikinig sa Pierce the Veil na naka-full blast sakanyang earphones.

Huminga siya ng malalim at naglakbay sakanyang ilong ang amoy ng kape sa loob ng coffee shop.

Hindi siya nakatulog kagabi.

Kaya ngayon ay nasa coffee shop siya habang suot ang malalaki niyang glasses at sinusubukang iguhit ang mga matang bumabagabag sakanya.

His eyes. I see them everytime I close my eyes. They haunt me.

Mabilis ang paggalaw ng kanyang mga kamay habang ginuguhit ang mga mata ni Vex mula sa kanyang memorya.

Napapitlag siya nang may kamay na sumagi sa sakanya, dahilan ng pagtalsik ng graphite sa sahig.

Yui clicked her tongue.

She slowly lifted her gaze at the slim pale hand beside her.

Pink and green streaks underneath a long and straight brown hair, a fairly long neck, big round and brown eyes and a bright smile causing a cute little dimple under a cheekbone. The girl who interrupted her unpleasant morning.

Tinanggal ni Yui ang earphones niya at isinabit sa kaniyang leeg.

Ngumiti siya sa babae at akma sanang kukunin ang graphite nang unahan siya nito sa pagkuha at inabot ito kay Yui nang nakangiti.

"Thanks." Yui muttered as she fix her eyeglasses and take her graphite.

Babalik na sana siya sa pagguhit nang magsalita ang babae.

"Intimidating."

Tumaas ang tingin ni Yui. "H-ha?"

"Ang galing mo naman magdrawing."

Yui gets that quite a lot. Nginitian niya lang ito at bumalik sa pagsketch.

Naramdaman niyang naglakad paalis ang babae sa tabi niya at nang akala niyang iiwan na siya nito ay umupo ito sa harap niya.

Itinaas ni Yui ang kanyang mata patungo sa babae.

"Hi, I'm Frisk." She smiled brightly at her.

Binigyan siya ni Yui ng tipid na ngiti.

"Hi."

Sandaling nawala ang ngiti ni Frisk ngunit bumalik rin ito agad.

"What's yours?"

"Mine?"

"Your name, duh." She rolled her eyes.

"Ah.." Yui smiled. "Yui."

Frisk smiled. "Ang galing mo magdrawing."

Yui didn't know how to respond since she already thanked her. At wala rin siya sa mood dahil masakit ang ulo niya dala ng wala siyang tulog.

Ipinagpatuloy lang niya ang pagsketch at sinusubukan niya itong gawing realistic gamit ang charcoal.

"Wala kang reference?" biglang sabi ni Frisk.

Natigilan si Yui.

No, you can't let anyone know you're drawing someone like a stalker.

Dahan dahan siyang umiling.

Frisk nodded. "They're familiar kasi eh."

Yui just nodded back. "Oh. Okay."

The NymphomaniacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon