Bakit Ka Nga Ba Na-inlove Kay Bestfriend?

356 3 0
  • Dedicated kay To someone na ang gusto lang ay ang mahalain ng taong mahal nya..
                                    

Masarap ang magmahal..

Lalo na kung mahal ka rin ng taong minamahal mo..

Ngunit masakit yung malaman mong may kahati ka sa kanya..

At ang mas masakit doon, bestfriend mo pa!

Minsan kailangan mo ring maging manhid at bato para kahit papano, hindi mo masyadong maramdaman ang sakit,..

Pero tao lang tayo..Kahit anong pagbabalewala natin sa isang bagay, masasaktan at masasaktan parin tayo oras na dumating ang panahong makita nating masaya na ang taong binalewala natin sa piling nang iba..

Minsan, kung kailan wala na sayo ang isang bagay, saka mo lang marerealize kung g aano ito kahalaga sayo at kung gaano mo ito kailangan sa buhay mo..

Totoo ngang , laging nasa huli ang pagsisisi..

Pero sabi nga nila, nasa iyo naman daw ang desisyon kung ano ang pipiliin mo.

Ang masaktan sa una at umayaw ka na..

o ang mahalin sya, at sa huli, magsisisi ka at masasaktan lang ng sobra dahil wala na sya?

Ito ang tanong ko sa kanya noon,

"Mahal kita, mahal ko sya..

Ano nga ba ang mas mahalaga?

Ang ibigin sya't iwan ka?

O ibigin ka't iwan sya?"

Ang sakit nang isinagot nya sa akin..

Halos madurog ang puso ko noon..

Sabi nya,

"Sya nalang ang piliin mo.

Dahil hindi mo naman makukuhang magmahal ng iba,

Kung sa sa akin lang ay kontento ka na.."

Oo, masakit pero ewan ko ba..

Hindi ko masabi sa kanyang, kaya ko lang naman nakuhang maghanap ng atensyon ng iba, dahil hindi ko maramdaman ang sinasabi nyang relasyon naming dalawa...

Haist, pag ibig nga naman..

CHAPTER ONE:

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ito ang  nauna kong isulat. Sigurado ako maraming makakarelate sa akin nito dahil hindi na lingid sa aking kaalaman na may mga katulad rin akong nainlove sa kanilang mga bestfriend. Tama ba? Hehehe.

Ako nga pala si Jean Andrea. Sweet 16. Hindi naman sa pagmamaganda eh maganda talaga ako. Hindi feeling sexy pero sexy talaga. Matangkad ako at may magagandang legs. Pasensya na, maganda lang. Hehehehe. 

Dito sa story ko, ikukwento ko sa inyo kung paano,kanino at bakit ako nainlab sa bestfriend ko. Wag ka munang mag react ng sobra. Hindi ko kasalanan yun. Kasalanan bang magmahal ng higit pa sa kaibigan lang? Hehehehe. Hindi naman di ba?

Actually, Hindi ako pihikan pagdating sa lalaking magiging boyfriend ko kung sakasakali. Hindi ko pinagbabatayan ang hitsura at bihis... Naniniwala kasi akong kusa lamang dumarating ang pag ibig sa isang tao.. Yung oras na hindi mo inaasahan. Minsan ng a wrong timing pa. Yung sabi ni Nina sa kanta nyang "Somewhere Down The River" ba yun? aAh basta, yun na yun.. Ang simula kasi nun, "We had the right love at the wrong time"... Oh di ba? 

Napaisip ka rin ba? Ako rin noon eh.. Sabi ko nga noon, bakit kasi kailangan pang makilala ang isang tao at mamahalin mo  ng bonggang bongga tapos hindi rin naman pala mapupunta sayo? Isipin mo palang, torture na di ba? Haist.. Pasensya ka na kung bitter ako ngayong araw ha? Medyo naparami yata ang nakain kong ampalaya kanina..

Teka, napapalayo na yata ako sa topic.

Simulan na natin..

Ganito kasi yun.. ahm.. teka, hahahahaha.. Paano ko nga ba sisimulan ang lahat?

Simulan nalang natin nung neneng nene pa ako hanggang sa present ko ngayon.

Grade six ako noon, sa pag kakaalala ko.. Nasa loob ako nang room namin noon.. Section I ako.. Row I.... Front row.. Pero hindi ako matalino.. Average lang.. Kaya lang siguro ako inilagay ng teacher ko noon sa unahan eh para naman may maganda syang makita sa tuwing papasok sya sa classroom namin.. Hehehehe.. Pero alam mo kung ano ang tunay na rason? Yun eh dahil sa sobrang kadaldalan ko.. Hahahhaha.. Kapag ako kasi ang bumulong halos hindi na bulong dahil pakinig naman ng lahat. Hahahaha. Ganun ako kadaldal.. Halata ba?

Bakit Ka Nga Ba Na-inlove Kay Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon