Ang Unang Pagtibok Nang Puso Ko at Ang Taong Unang Itinibok Nito

53 1 0
                                    

Maiba naman tayo..

May ipakikilala ako sa inyo.

Si Jhong. Matangkad. Chinito. Maputi. At napaka brusko ng katawan. 15 na sya noong nag transfer sya sa school namin. Galing daw syang Manila. Palibhasa mahina ang utak kaya napamahal sa teacher. Inabot ng 3 taon sa grade six. At syempre,pabor sakin yun dahil inabutan ko sya. 

Grabe ang pakiramdam ko noon nang una ko syang makita papasok sa classroom namin. Syempre, naturalmente,nagpa cute muna ako.. Tingin tingin  din sa salamin baka may dumi sa mukha or baka oily na ang pisngi ko. Nakangiti sya na nakatingin sa aming lahat. Pinapunta sya ni Miss Palomar sa harap ng klase. Inutusan sya ni Mam na magpakilala na.

Na excite naman ako syempre. Parang nahihiya pa sya noon na pumunta sa harapan. Nakayuko syang nagpakilala.

"Goodmorning everyone. I am John Marvick Lee. I am 15 years old. I came from San Pedro Laguna. I've been there since I was born. I was transferred here because my parents were transferred here in Mansalay due to their job. My father is a banker. My mother is a banker too. They are not working on the same bank. I am enjoying my stay here."

Yun lang? Napatunganga talaga ako. Pagkatapos nyang magpakilala, tumingin sya ng tuwid sa aming lahat at ngumiti.. Hayyyy.. Ang gwapo nya talaga,samahan pa ng dalwang malalalim na dimples.. At ang ngipin, ang puputi.. Nakatulala akong nakatitig sa kanya, nang bigla kong makita na nakatitig na sya sa akin..

Abangan ang kapana panabik na kasunod na kabnata!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit Ka Nga Ba Na-inlove Kay Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon