[justine]ngayon ang araw ng usapan namin ni angel- mali ngayon pala yung araw na sinabi ko sakanyang magkita kami.
kanina padin ako nandito, nakaupo sa swing at hinihintay ang pagdating niya. mga dalawang oras palang naman.
hindi ako aalis dito hanggat hindi siya nadating, dahil para sakanya handa akong maghintay.
hindi ko alam pero noong unang beses ko pa lang siya nakita tumibok na ang puso ko sakanya hindi lang yon, sumaludo pa sakanya si junjun.
at nang malaman kong niloloko siya ng boyfriend niya at ng bestfriend niya hindi na ako nagdalawang isip pa at gumawa na ako ng paraan para maghiwalay sila.
alam kong abot langit ang galit niya saakin noon pero dahil isa siyang anghel, pinatawad niya padin ako.
patagal ng patagal, palalim ng palalim yung nararamdaman ko sakanya.
nakalimutan ko lahat ng masasakit na nangyari saamin ni venus na ex ko, dahil sakanya natuto akong makalimot.
at dahil din sakanya natuto akong magmahal muli.
natigil ako sa pagdadrama ko ng may batang lumapit saakin "kuya pengeng lima bibili lang akong ice cream" sabi niya habang nakanguso
ngumiti naman ako sakanya at dumukot ng limang piso sa aking bulsa "salamat kuya" nakangiti niyang sabi at tumakbo sa nagtitinda ng ice cream
inugoy ko naman yung swing at napatingin ako sa relo ko "ilang oras pa ba niya ako paghihintayin? tch." yun nalang ang tanging nasabi ko.
lumipas pa ang ilang oras, wala pading dumadating na angel.
"limang oras kana diyan, wala ka pa bang balak umalis?" napatayo ako agad ng marinig ko ang boses niya
"hindi ako aalis dito hanggat hindi siya dumadating, venus" sabi ko at muling naupo
umupo naman siya sa katabing swing kaya naman kunot noo ko siyang tiningnan "anong ginawa mo dito? sisirain mo na naman ba ang araw nato? tch." inis kong sabi sakanya
humarap naman siya saakin "nandito ako para magsorry, justine" seryoso niyang sabi "sinaktan na kita noon, tapos ngayon sinaktan na naman kita. hindi mo na siguro ako mapapatawad no?" sabi niya
"nagpadala ako sa inggit at galit, hindi ko na namalayan na naging makasarili na ako, na marami na akong nasasaktang tao sa paligid ko at higit sa lahat hindi ko namalayang nasasaktan ko na yung taong nagmamahal saakin ng totoo, dahil sa galit hindi ko na naramdaman yung pagmamahal na matagal na palang pinaparamdam saakin ng taong yon." matapos niyang sabi ang mga salitang iyon, nagunahan ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "pero alam mo kahit na ang sama sama ko sakanya, kahit na sinira ko ang buhay niya. nagawa niya padin akong piliin kesa sa lalaking mahal niya at nagawa niya padin akong patawarin." kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at inabot sakanya alam kong mahaba haba pa ang sasabihin niya kaya kailangan niya yon. "ngayon alam ko na yung sagot sa tanong ko 'bakit lagi nalang si angel ang pinipili niyo' dahil isa siyang anghel, siya ang dahilan kung bakit naging ganito ako dahil naiingit ako sakanya ng sobra kasi bukod sa panlabas na anyo na meron siya, mas maganda yung nasa loob niya. napakabait niyang tao, sobra" matapos niyang sabihin ang huli niyang habilin dahil mapapatay ko na siya- ay joke.
matapos niyang sabihin yung pagkahaba haba niyang speech, dinaig pa kaming bida ng storya, kami walang ganyang kahabang speech.
okay balik na tayo sa kwento, ayon nga matapos niyang sabihin lahat ng hinanakit at nararamdaman niya tumingin siya saakin at ngumiti "maswerte sana ako noon kung hindi kita iniwan, pero kung hindi ko ginawa yon hindi sana kayo magkakakilala ni angel kaya dapat kang magthank you saakin." pagbibiro niya "paano ba yan? pagod na akong maging kontrabida, aalis na ako ha?" nakangiti niyang sabi at tumayo, tumayo din naman ako at niyakap siya na alam kong kinagulat niya "salamat dahil iniwan mo ako noon at salamat dahil binalik mo yung dating venus na mahal na mahal ko noon" bulong ko sakanya
hinampas naman niya ako "wag mo na nga akong paiyakin. pakawalan mo na ako baka magbago pa ang isip ko at magkaroon pa to ng book two. hahahaha." natatawa niyang sabi
humiwalay naman ako sakanya "nandyan na pala siya" nakangiti niyang sabi kaya naman napalingon ko sa aking likuran at doon ko nakita ang babaeng kanina ko pa hinihintay "maiwan ko na kayo ah. alagaan mo sana siya." nakangiti niyang sabi at naglakad papunta kay angel, niyakap niya ito at tuluyan ng umalis.
unti unti naman siyang lumapit saakin "hi, sorry nalate ako" nakangiti niyang sabi
nginitian ko naman siya at hinigit palapit saakin "akala ko hindi kana dadating" bulong ko sakanya "at kung ginawa mo yon paparusan talaga kita" dagdag ko
humiwalay naman siya saakin "at ano namang ipaparusa mo saakin aber?" taas kilay niyang tanong
"may tatlong parusa kang pagpipilian. unang parusa, gagawin kitang manok at habang buhay kang uupo sa itlog ko" bigla naman niya akong hinampas sa dibdib "ang bastos mo talaga" inis niyang sabi "mahal mo naman" sabi ko at kinindatan siya.
"pangalawang parusa, gagamitin ko ang baril ko at puputukan kita (sa nakagets kung anong baril ni justine, i love you- charot! hahaha)"
"alam mo bwisit ka talaga at yang kamanyakan mo, isa pa talaga lalayasan kita!" inis niyang sabi
ang cute niya kapag naiinis.
"pangatlong parusa, papakainin kita ng natatanging rambutan na meron ako"
magsasalita pa sana siya ngunit inunahan ko na siya at nilapat ang labi ko sa labi niya, limang segundo kaming nagtagal sa ganong posisyon "pero dahil dumating ka yan lang ang parusa mo" nakangiti kong sabi
natulala naman siya sa kagwapuhan ko kaya naman hinalikan ko siyang muli "alam kong ang gwapo ka babe, kaya wag mo na akong titigan." sabi ko at kinindatan siya, muli ko siyang hinalikan. oo na naadik na ako mga bes. "at kapag pinakasalan mo ako tuwing didilat ka sa umaga ang gwapong mukhang to ang unang bubungad sayo at kapag gabi naman ang abs ko ang makikita mo." muli kong sabi sakanya
namula naman siya at hinampas ako "punyeta kailangan talaga pakiligin ako?" inis niyang sabi
"oo naman" sabi ko at niyakap siya "at kapag pinakasalan mo ako araw araw kang kikiligin" dagdag ko
"ano pakakawalan mo pa ba ang gwapong to? kasi ako hindi ko na pakakawalan ang anghel na gaya mo" sabi ko
umiling naman siya "hindi na. wala na akong mahahanap na kasing gwapo mo" sabi niya at niyakap ako
"I love you, angel"
"I love you too, justine"
°END°
081916 - 082616

BINABASA MO ANG
Justine [Taeyong]
Short Story"Babe, Sapatos kaba? Masikip ka man sa una luluwag kadin kapag inaraw-araw kita" taeyong x jennie ff. | 081916-082616 | graphics by: @firelightus