034

2.7K 188 138
                                    


nakayuko akong naglalakad ngayon papuntang classroom, ayokong makita ang mga tingin nila saaking mapanghusga.

lahat na yata ng tao sa paaralan nato isang malandi at maduming babae ang tingin saakin at dahil yon sa bestfriend k- ay mali ex bestfriend ko pala. hahaha.

nagulat nalang ako ng biglang may tumama sa ulo ko na itlog. ayan na naman sila, nagsasayang na naman sila ng pera dahil saakin.

"malandi ka! dapat lang yan sayo" sigaw nila habang patuloy lang sila sa pagbato saakin ng itlog, hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

bawat lakadan ko may itlog na tumatama saakin.

hindi ba sila napapagod? halos dalawang linggo nadin nila akong ginaganito. iniisip ko kung gaano karaming itlog na ang nasayang nila para lang ibato saakin.

"malandi ka. mangaagaw" napapikit nalang ako dahil may tumamang itlog saaking mukha.

"pokpok" ano na kayang amoy ko? ang lansa ko na naman siguro.

maglalakad na sana ako, ngunit may isang pares ng kamay na yumakap mula sa harapan ko "tumigil na kayo!" sigaw niya

"umalis ka diyan kung ayaw mong madamay. hindi kami titigil hanggat hindi nauubos ang itlog namin" sigaw nila

"edi sige ubusin niyo na, hindi ako aalis dito" sagot niya

ang lalaking to. sinalo niya ang lahat ng itlog na dapat ay saakin. "b-bakit mo ginagawa to?" tanong ko habang nakayakap siya saakin

"itlog ko lang ang dapat dumapo sa balat mo tandaan mo yan" pilyo niyang sabi kaya naman nahampas ko siya

"nagawa mo pa talagang magbiro, binabato na nga nila tayo ng itlog" sabi ko naman sakanya "tsaka hindi kaba nandidiri saakin? ang lansa ko na kaya" dagdag ko

"kahit gaano kapa kalansa, yayakapin padin kita."

"tsaka natatandaan mo ang dahilan ko kung bakit ako lumipat dito diba?"

tumango tango naman ako "para protektahan ako."

humiwalay naman siya sa pagkakayakap saakin at hinalikan ako sa noo "tumakbo na tayo" nakangiti niyang sabi na kinasangayunan ko na lamang.

hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palayo sa lugar na panay mapanghusgang tao ang naroroon.

sinong babae ang hindi mahuuhulog sa lalaking ito?

Justine [Taeyong]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon