PROLOGUE...

16.2K 295 27
                                    

PROLOGUE...

Tall, Dark, and handsome. 'Yan ang mga katangian ko na kinababaliwan ng mas nakakaraming babae at binababae sa akin hindi lamang dito sa campus kundi pati na rin sa labas. Sa gwapo kong mukha, tangkad na napapakinabangan ko dahil sa team captain ako ng basketball team ng eskwelahan, sa ganda ng hubog ng katawan ko mula ulo hanggang paa na kahit sino'y paglalawayan ito hanggang sa makinis at animo'y kape na kulay ng moreno kong balat. Lahat sila'y mistulang nababaliw sa akin dahil sa ako lamang ang nagsasabog ng kagwapuhan sa lugar na ito.

Pero sa kabila ng mas nakakaraming babae at binabae na nababaliw sa kagwapuhan ko... ang kinababaliwan ko namang babae ang hindi ko magawang maging baliw rin sa akin...

Bakit nga ba ganun? Kung sino pa iyong mahal na mahal mo... siya pa iyong hindi mo magawang mapamahal sayo at nagmamahal pa ng iba samantalang iyong ibang tao naman na kulang na lang ay supladuhan at hindi mo na pansinin kailanman dahil hindi mo naman gusto, sila pa iyong mga taong mahal na mahal ka at papansin ng papansin sayo? Ang ironic no?

Anyway, 'yun na nga... Paano naman kasi... may kinababaliwan siyang ibang lalaki... mahal na mahal niya ito... at ito ang karibal ko sa kanya... ang lalaking bwisit na bwisit ako habang nakikita ko lalo na kapag nagbabasa ito. Feeling genius kasi.

Katulad na lamang ngayon, habang nakadekwatro akong nakaupo rito sa bench na inuupuan ko. Nakikita ko naman ang lalaking ito na naglalakad sa gitna ng quadrangle, nakasukbit sa magkabila nitong balikat ang nagpagkalaki-laking bagpack na animo'y buong bahay na yata nila ang laman. Sa tingin ko nga, ang bigat ng dala niyang iyon kaya naman hindi rin kataka-taka na magkaroon rin ito ng magandang katawan na hubog sa suot nitong school uniform. Ikaw ba naman ang magbuhat araw-araw ng bag na mabigat at maraming laman tignan natin kung hindi pa lumaki ang katawan mo.

Nakatingin lamang ang mga may pagkachinito kong mga mata sa kanya ng masama. Talagang inis na inis ako sa kanya. Gwapo naman siya hindi nga lang kasing gwapo ko... mamahalin ba siya ni Hellsea na kasing hot ng pangalan ang kaanyuan kung hindi siya ganun kagwapo? Oo na, gwapo nga siya, may katangkaran rin, mas maliit lang yata sa akin ng konti. Kung ako, may mala-kape na kulay na balat, siya naman ang tinaguriang gatas dahil sa mestiso ng makinis nitong balat. Genius looking dahil sa suot nitong eyeglass na hindi naman kalakihan kagaya nung mga suot ng nerd pero masasabi kong nerd pa rin siya dahil palabasa at pala-aral. Tinatakpan ng salamin na iyon ang may pagkachinito rin nitong mga mata. May katangusan ang ilong, mabuti na rin iyon para mapatong niya ng mabuti ang eyeglass niya. Pero ewan ko ba pero hindi lagi nakakaligtas sa paningin ko sa tuwing titingnan ko siya ang mamula-mula at may kanipisan niyang labi. Ewan! Erase! Erase.

Anyway, bakit ko ba siya dinedescribe sa inyo? Eh wala naman akong pakielam sa kanya. Saka isa pa, mas gwapo talaga ako sa kanya. Oy! Hindi ako mayabang... sadyang nagsasabi lamang ako ng totoo. Mahangin? Hindi rin!

Oo nga pala, ako nga pala si Calvin Klein Legaspi... my name sounds familiar ba ang pangalan ko? Kung oo... tama ang hinala ninyo. Pinangalan nga sa akin ng mga negosyante kong magulang ang brand ng brief. Ewan ko ba, ang sabi kasi sa akin ni Mama, mahilig daw si Papa sa brand na 'yan ng brief at sa sobrang pagka-fanatic niya, pati anak niya pinangalan niya sa brief. Hay! Baliw talaga. Mukha ba akong underwear nung baby ako? Ewan! Pero ok lang naman iyon dahil at least, nadadala ng gwapo kong mukha ang pangalang iyon.

Ay! Ang kati ng matangos kong ilong, makamot nga muna... O eto na, anyway, hindi naman kami ganun kayaman... sapat lang. May-ari kasi sila Mama at Papa ng isang shoe shop. Nagsimula raw iyon sa maliit na shop hanggang sa lumaki ng lumaki at nagkaroon na ng higit labing-limang branch sa buong bansa. Ang sabi nga sa akin ni Papa, mahirap raw kami noon at kaya ngayon ay medyo nakakaluwag-luwag na kami ay dahil sa tyaga nila na palaguin ang negosyo kaya sana raw... maging mabuting anak at mag-aaral raw ako dahil sa akin daw nila iyon ipapamana...Tingnan niyo, pinangaralan pa ako di ba? bakit? Hindi ba akong mabuting anak sa kanila? Ang bait ko kaya at ang sipag ko ring mag-aral. Saka isa pa, wala naman na silang ibang pamamanahan ng negosyo dahil solong anak lamang ako kaya wala na silang magagawa kahit na maisipan kong magbulakbol... ako lang ang tagapagmana hahahaha.

Oo nga pala, 4th year college na ako sa kursong Business Management... hindi lamang dahil sa gusto ko itong course kundi dahil na rin sa gusto ito ni Papa. Magagamit ko raw kasi ito kapag ako na ang naging boss ng negosyo. At sa kamalas-malasan... kaklase ko sa halos lahat ng subjects ko ang karibal kong iyon kay Hellsea... iyong kinekwento ko sa inyo? Si Timothy Ibarra.

Oo, Timothy Ibarra ang pangalan niya. Sounds heroin right? Pero para sa akin, baduy ang pangalan niya. Wala lang... basta baduy. Ewan ko nga ba kung bakit ko naging classmate 'yan ngayong 4th year. Nung 1st to 3rd naman hindi ko kailanman naging kaklase 'yan pero ngayon... tsk! Tsk! Tsk!

Anyway, si Hellsea nga pala, maganda iyon... kasing hot ng pangalan niya ang ganda niya. Sexy kasi kahit na may kaliitan ang height kaya hindi malayong mapabilang siya sa cheerleading ng school at take note, siya lang naman ang cheerleader. First year college pa lamang kami, crush ko na siya na eventually, naging love. Paano ba naman kasi, araw-araw ko siyang nakikita sa tuwing may basketball tryout kami. Hindi ko naiwasang mahulog sa kanya. Kaya naman walang araw na hindi ko siya kinulit to the point na kahit ayaw niya ay niligawan ko pa rin siya. Kahit na sinabi niya sa akin na may mahal na siya at hindi na pwede na maging kami ay wala akong pakielam. Basta, hindi ko siya susukuan. Baliw na kung baliw pero ganun naman talaga minsan kapag in-love.

At iyon nga... ang tinutukoy niyang mahal niya ay si Timothy the genius looking. Ewan ko ba kung anong nakita niya roon... dahil ba sa gwapo rin ito? Mabait? O baka naman kasi ay matagal na niya itong nakasama sa classroom at naging kaklase since 1st year o may iba pang dahilan? Ano bang meron si Timothy na wala sa akin? Explain niyo nga!

Pero isang pangyayari ang babago sa lahat... Isang pangyayari na magbubunga ng marami pang pangyayari... maraming pangyayari na magbibigay ng sagot sa akin kung bakit gustong-gusto at mahal na mahal ni Hellsea si Timothy. Ang mga pangyayari na babago sa akin at sa tingin ko kay Timothy.


DATE POSTED: AUGUST 23,2016 (TUESDAY)

THAT GUY [BL] BOOK 1/2/3 - COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon