#ThatGuy
EPISODE 4
"Ok... before I dismiss this class... I want to inform all of you that you will have a group research... This will be your project on my subject this sem so be prepared... Next meeting I will give the list of the groups and your topics..."
Hay! Project na naman... Wala na bang katapusan ang pagbibigay ng project na 'yan? Sa Management nga, may project na at group research rin pati ba naman dito sa English? Tsk Tsk Tsk!
"Class dismissed..."
Kaagad na nagtayuan ang mga ka-blockmates ko at kanya-kanyang paghahanda para sa paglabas ng classroom. Ang iba pa nga ay nagpunta muna sa mga kaibigan nila para makipagdaldalan. Mas inuna pa ang daldalan kaysa pagliligpit ng sariling gamit.
Ako? Tinatanong niyo siguro kung may kaibigan ako? Ah... masasabi kong wala, kakilala marami pero kaibigan? Wala. Ang depinisyon ko kasi ng salitang kaibigan ay iyong isang taong masasandalan mo kapag may problema ka, makakasama mo sa kasayahan man o kalungkutan. Iyong taong maiintindihan ka... at higit sa lahat, iyong ituturing mo na kapamilya. So far kasi, wala pa akong nakikilalang taong ganun. Oo, marami akong kakilala pero hindi ko sila itinuturing na kaibigan dahil alam ko naman kung ano lang ang habol nila sa akin... kundi kasikatan... hindi naman kasi sa pagmamayabang eh sikat na sikat ako rito sa school dahil nga sa gwapo ako at syempre, kapag naging kaibigan nila ako, magiging sikat na rin sila. Hindi naman sa ayaw kong magkaroon ng kaibigan, mapili lang ako sa gusto kong maging kaibigan. Gusto ko kasi, iyong totoo, iyong walang halong kaplastikan dahil hindi naman ako plastik na tao... oo medyo may kayabangan at kasamaan ang ugali ko pero hindi ako plastik. Saka ako rin iyong tipo ng tao na nakikita ko na kaagad sa isang tao ang tunay na ugali at kung anong pakay niya sa akin. Magaling akong kumilatis kumbaga.
Hindi sinasadya ay napatingin ako kay Timothy na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit niya at ipinapasok sa maleta... este bagpack niya. Isa pa itong taong ito. Pansin ko rin kasi dito na wala itong kaibigan. Oo, may nakakausap siyang mga tao pero wala akong nakikitang lagi niyang kasama. Tanging mga libro at notes lang yata ang kaibigan nito.
Anyway, bakit nga ba nasali siya sa sinasabi ko? Bwisit talaga 'yan! Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan iyong mga pinagsasabi niya nung nakulong kami sa elevator kahapon. Speaking of kahapon, napansin ko na hindi pumasok ngayong araw si Hellsea sa lahat ng subject namin. Dahil kaya sa nangyari kahapon kaya hindi ito pumasok?
"Oy frend... may chika minute aketch sayo..." narinig kong sabi ng bakla kong kaklase sa kausap niyang babae na nakaupo sa hindi kalayuan sa inuupuan ko.
"At ano na naman yang chika mo Fernando?" tanong ng babae sa bakla. Natawa naman ako dun sa Fernando! Hahaahaha!
"Ewwwwnesss... I'm Fern kaya not Fernando! Don't call me in that name! Ewwww!" nandidiring sabi ng bakla.
"Oo na oo na... so ano nang chika 'yan? Baka mamaya kasinungalingan na naman 'yan gaya nung isang araw na sinabi mong buntis si Angel eh hindi naman pala kundi may LBM lang..." maarteng sabi ng babae.
"Aney ka ba... truelabels na itey... Alam mo ba... nag-quit na raw sa cheering squad si Hellsea... Wit one knows kung bakit pero balitang-balita na nga iyon sa buong department at ang chikabels pa... si Monique ang papalit sa kanya sa pagiging leader since magaling rin naman itey..."
Nagulat ako sa aking narinig kahit na iyong ibang mga salita ng bakla ay hindi ko naintindihan. Pero ang malinaw lang sa akin sa sinabi nito ay nag-quit na si Hellsea sa cheering squad. Ibig sabihin, nandito siya sa school at hindi lang pumasok sa mga klase namin.
BINABASA MO ANG
THAT GUY [BL] BOOK 1/2/3 - COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APP
HumorAno bang meron ka at nagawa mo akong mapahulog sayo? THAT GUY A FRANCIS ALFARO'S ROMANTIC-COMEDY NOVEL WITH PROLOGUE AND EPILOGUE BOOK 1- 50 EPISODES (COMPLETED) BOOK 2: FALL IN LOVE WITH ME- 32 EPISODES (COMPLETED) BOOK...