2

8.2K 220 14
                                    

#ThatGuy

EPISODE 2

"I'm sorry..." malungkot na sambit ni Timothy habang nasa harapan niya at nakatayo ang mangiyak-mangiyak na si Hellsea. Kakatapos na naman nitong magtapat ng pag-ibig para rito na ilang beses na nitong ginawa. Narito sila sa tagong parte ng unibersidad.

Napabuntong-hininga si Timothy at tinitigan sa mga mata si Hellsea.

"Alam ng Diyos kung ilang beses kong sinubukan... Sinubukan na mahulog sayo at mahalin ka... pero... nabigo ako..."

"Bakit? Bakit ba kasi hindi mo magawang mahulog sa akin gaya ng pagkahulog ko sayo ng todo? Bakit ba kasi hindi mo ako magawang mahalin gaya ng pagmamahal ko sayo? Lahat naman... ginawa ko... kulang na nga lang yata tumulay ako sa alambre, lumangoy ako sa pacific ocean o tumawid ako sa naglalagablab na apoy para mapatunayan sayo kung gaano kita kamahal..." tuluyan ng naiyak si Hellsea. Sa tuwing magtatapat siya kay Timothy, walang nagbago, lagi pa rin siyang nasasaktan. Ewan nga ba niya kung bakit sa kabila ng pagtanggi nito lagi sa pag-ibig niya sa tuwing magtatapat siya ay patuloy pa rin niya itong minamahal. Ewan ba niya sa puso niya, baliw na yata gaya niya.

Napayuko si Timothy. "I'm sorry..." malungkot na namang sabi nito. "Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ko magawang mahulog sayo at mahalin ka... Ewan ko ba sa sarili ko... Maganda ka naman... Mabait... at higit sa lahat... mahal na mahal ako pero..." sabi pa nito at napabuntong-hininga. "Again... for the nth time... I'm sorry for hurting you like I always did... kahit na hindi ko naman sinasadya na saktan ka dahil ayoko naman talaga na nasasaktan ka pero... nagagawa ko pa rin... I'm sorry..."

Napatigil sa pagsasalita si Timothy ng maramdaman na lamang niyang idinampi ni Hellsea ang labi nito sa kanyang labi. Ramdam na ramdam nito ang lambot ng may kanipisan at mamula-mulang labi ni Hellsea.

Hindi gumalaw si Timothy kahit na pilit na iginagalaw ni Hellsea ang labi nito sa pamamagitan ng paghalik niya.

Bumitaw sa halik si Hellsea. Patuloy na lumuluha.

Tumitig si Timothy kay Hellsea. Puno ng awa para sa dalaga ang mga mata nito.

"I see you as a woman... a beautiful woman indeed... but..."

"You don't see me as your love? Is that what you want to say...right?" madamdaming sabi ni Hellsea na patuloy na lumuluha.

Napaiwas ng tingin si Timothy. Ilang beses na niyang nasaktan si Hellsea ng hindi niya kagustuhan pero anong magagawa niya? Kahit na ayaw niyang masaktan ito ay wala naman siyang magagawa kundi ang masaktan ito sa pamamagitan ng pagtanggi niya sa inaalay nitong pag-ibig. Ayaw naman niyang i-grab ito gayung wala naman siyang nararamdaman para rito. Hindi siya iyong tipo ng tao na paasa... hindi siya iyong taong gagamitin niya iyong nararamdaman nung tao para sa kanya para sa pansarili niyang interes. Hindi siya ganung klase ng tao kaya mas nanaisin niya pang masaktan ito kesa naman paulit-ulit itong umasa sa kanya gayung wala namang patutunguhan ang lahat.

"I'm sorry Hellsea..."

"Please Timothy... give me a chance to prove my greatest love for you... I will do anything and everything just to make you fall in love with me... Kahit na ano, kahit na gaano katagal... basta magawa ko lang ang lahat... na mahalin mo rin ako... Please Timothy..." madamdaming sabi ni Hellsea sabay hawak sa kanang kamay ni Timothy.

Para akong nanunuod ng isang teleserye habang nakatayo ako rito malapit sa kinalulugaran nila. Napapakuyom ang magkabila kong kamao habang galit na galit akong nakatingin kay Timothy. Narinig ko ang lahat at sa totoo lang, magkahalong sakit at galit ang nararamdaman ko. Bakit ba kasi hindi niya matanggap si Hellsea? Bakit ba kasi hindi nito magawang mahalin ang minamahal ko na ngayon ay nakikita kong nasasaktan ng dahil sa kanya? Ang pinaka-ayoko pa naman sa lahat, ay iyong nakikita kong nasasaktan si Hellsea dahil mas doble ang sakit na bumabalik sa akin.

THAT GUY [BL] BOOK 1/2/3 - COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon