"Oh sige po. Pupunta ako agad." Agad akong nanginig nang marinig ko na naaksidente ang tatay ko at kritikal ang lagay niya sa ospital. Kaya magkamayaw na Nagmadali akong pumunta sa ospital para makita ang Itay ."Doc, ano po bang nangyare?
"Merong fractures ang tatay mo . at meron ding Internal Bleding , kaylangan mapahinto yun ."
"Gawin nyo po ang lahat . Please po doc." Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pag nawala ang tatay ko. Siya nalang ng meron ako.
"Oo naman , trabaho ko yun hija ."
"Salamat po." Sana maging maayos ang Itay. Saka ko na po problemahin kung sana ako kukuha ng perang pambayad sa ospital.
Ako nga pala si Kelcey Marie Ojena . Scholar sa Tan Yan Kee Academy . Mahirap lang kami at hindi ko alam kung paano ako makakapagbayad sa Ospital na 'to .
Sabi nila nadawit daw sa car accident ang tatay ko, nabangga ng isang kotse ang jeep na minamaneho ni tatay. 'Yun na nga lang ang natitirang panghanap buhay namin. Simula nang mamatay ang nanay, nabaon kami sa utang at naghirap at eto na ako ngayon. Paano ko naman mababayaran ang ospital?
Totoo nga talaga na kapag nasa gantong sitwasyon ka, hindi ka na makapag isip ng tama. Talagang kakapit at kakapit ka sa patalim. Patawarin ako ng Diyos pero isa nalang ang naiisip kong paraan. Agad akong umalis ng ospital at pinuntahan si Kuya Jojo, kapit bahay namin.
"Kuya Jojo, pahiram muna ng van mo." Salubong ko sa kanya.
"Basta isoli mo ha? Mahal yan!" Pabirong sabi niya.
"Parang di mo naman ako kilala nyan eh ."
"Umalis ka na. Baka ma late ka sa date mo." At pagtapos ay tumawa at pumasok na sa bahay, may ari si kuya jojo ng junk shop dito sa amin.
May pasok ako ngayon pero a absent nalang muna ako, bahala na ang scholarship ko. Malaki laking pera naman ang makukuha ko dito eh.
Royce John Salazar, siya ang target ko. Siya ang pinakamayan, pero pinaka gagong lalaki sa school. Kahit na lalaki ang isang 'yon, hindi ako takot. Uumbagan ko talaga 'yon! Para ito sa tatay ko kaya kakayanin ko!
Kalahati nalang ng mukha ko ang nakikita. Itinakip ko ang mahabang bangs ko sa kalahati ng mukha ko para hindi niya ako makilala. Nag abang ako sa labas ng university at hindi nagtagal ay nakita ko na ang target ko. Mag isa lang siya. Perfect timing. Lumapit ako sa kanya at hinila siya papunta sa van at ang gago naman, nagpatangay lang.
"So, "
"Anung so ?!" Hayop, may gana pang mag so so eh kini kidnap ko na siya?! At ang tukmol kusa pang pumasok sa van.
"Let's do it babe. Here? Oh, no problem." At pagtapos at kinindatan niya ako. Tangina ang manyak! Hindi lang manyak, ang gwapong manyak!
"Ha?" Yun nalang ang naisagot ko sabay napalunok pa ako.
"Come here. Let's make out?" Aba, pinapakitaan niya ko ng pagka manyak niya ha? Pwes sige. Pamanyakan kami.
"Later babe ." At binigyan ko siya ng nakakaakit na ngiti sabay dila sa labi ko.
San ko siya dadalhin? Sa batangas. Walang makakakita samin don dahil liblib ang lugar don at may bahay kami don.
This is it!
I am really kidnapping a pervert!
BINABASA MO ANG
Kidnapping a Pervert
HumorI kidnapped the most perverted guy in town! Sino ba talaga sa amin ang biktima? COMPLETED. EDITING.