Kidnapping a Pervert 23

10.4K 165 14
                                    

<Kelcey's POV>

Pa kanta kanta ako habang papasok sa school. Ewan ko ba pero ganadong gando akong pumasok kahit na may klase ako. Excited akong makita si Royce eh. May hang over pa ako sa romantic night namin noong biyernes. Hindi kasi kami nagkita nung weekend. Hanggang text at video call lang kami dahil may training siya at nag papahinga naman ako.

"Huy!" Inalog ni Zyrene ang balikat ko at doon lang ata ako nakabalik sa ulirat. Kanina pa ba siya dito?

"Hi, Zyrene!" Masayang bati ko sa kanya. Kanina pa ata siya dito eh. Mukha na akong tanga kaka daydreaming ko. Hmp!

Napansin ko kaagad ang mapang-asar na ekspresyon sa mukha niya. Ayaw kong asarin niya ako kaya nag-iwas na ako ng tingin habang nag-pipigil ng ngiti.

"Blooming ka ahh!" Pangungutya niya, with full energy pa ha.

Pabiro ko siyang inirapan. Parang gusto kong iipit sa likod ng tenga ko ang buhok ko at sabihing 'Enebe?'. Pero siyempre, hindi ko gagawin.

"Uy hindi ah. Bakit? Sobrang halata ba?" Tanong ko.

Nag-iinit ang pisngi ko at halos hindi ako makatingin sa kanya.

"Oo teh! Halatang halata oh!" Aniya habang naka-turo sa mukha ko.

Parang tinubuan talaga ako ng hiya. Nahahalata ba kapag lumandi ganon? Pinalo ko ang kamay niya at sinapo ang pisngi ko. Nag-iinit talaga pakiramdam ko! Asar kasi ng asar eh.

"Wag ka nga!" Nahihiyang sabi ko.

"Hay nako. Buti ka pa." Bumuntong hininga siya at umupo sa katabi kong upuan.

Sinundan ko siya ng tingin. Padabog niyang inilapag ang bag niya at saka pumangalumbaba. Anong problema nito?

"Bakit kasi hindi mo pa sabihin kay Justin eh?" Tanong ko.

Inamin na niya rin kasi sa akin nung nakaraan may feelings siya sa hinayupak na Justin na iyon. Eh alam ko naman din na may feelings din si Justin sa kaniya. Bakit hindi nalang sila mag aminan? Diyos ko! Napaka torpe kasi nila pareho.

"Hindi naman ganon kadaling umamin, sis. Natatakot ako eh. Parang ikaw dati, diba?" Malungkot niyang sabi.

Kung sabagay, sino ba namang hindi matatakot umamin dun? Eh pagpasok ko palang dito, bukambibig na siya ng mga estudyante eh. Kesyo babaero daw at napaka bilis mag-palit ng girlfriend. Kung ako so Zyrene, panghihinaan din ako ng loob eh.

"Ayokong mang-himasok sa inyo pero, ikaw ang bahala. Baka mamaya makahanap ng iba iyon. Ikaw din ang kawawa." Kibit balikat na sabi ko.

Bumuntong hininga ulit si Zyrene at mas lalong nalukot ang mukha. Wala na, nalungkot na talaga ng tuluyan ito. Kino comfort ko siya nang mau biglamg pumuswit sa akin mula sa pinto ng classroom. Bumungad sa akin ang nakangising si Royce habang naka sandal sa pinto.

Nanginig ang kalamnan ko nang makita a ko siya. Totoo pala talaga ang pakiramdam na may paru-paro sa tiyan ano? Naexcite ako nang makita ko siya kaya nag-paalam muna ako kay Zyrene at mabilis na nag-tungo kay Royce. Hindi ko napigilan ang sariling dambahin siya ay halikan sa pisngi. Sa pisngi lang! Ayaw kong ma-reklamo kami dahil sa PDA.

Natawa siya at napa atras sa ginawa kong pag-damba sa kanya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Wala, gusto lang kita makita. Miss na kita eh. Bawal?" Pabebeng sabi niya.

Alam niyo namang kiliging babae ako eh. Napalo ko tuloy sa balikat. Baka mamaya maihi na ako nito eh. Hindi ako ready sa palandi landi niyang ganun!

"Tsk! Seryoso kasi. Wala ka bang klase?" Tanong ko. Di ko pinapahalata na kinilig ako.

"Wala. Ikaw ba?" Tanong niya habang taas baba ang kilay.

"Wala ata? Wala pang prof eh." Sabi ko pagkatapos kong lingunin ang classroom.

"Ah. Oh, tara? Alis tayo?"

"San naman tayo pupunta? Anong gagawin natin?" Kunot noong tanong ko.

Di ko alam kung bakit bigla siyang ngumisi. Iyong tipong parang nagpipigil ng tawa.

"Bakit? Ano gusto mo? Gawa tayo baby?"

Nanlaki ang mga mata ko at nahampas ko siya ng malakas sa dibdib. Ano ba naman iyan! Ang bastos! Pero na eexcite ako. Ang init na nga ng tenga ko. Siyempre hindi ko ipapa halata sa kanya na natutuwa ako sa paganon ganon niya.

"Baliw ka!" Sabi ko kunyari. Siguro ang pula pula ko na ngayon.

"Joke lang eh. Nandiyan na Prof mo. Hintayin kita sa Parking lot mamaya ah?" Turo niya sa prof kong kaka pasok lang. Gara naman ni Ma'am. Pumasok pa!

Tumango ako at tumingkayad para halikan siya sa pisngi. Akala ko aalis na siya pero hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko sabay hinalikan ang ng mariin sa labi. Hindi na ako naka palag! Pero binitiwam niya din naman kaagad ako. Pinabayaan ko nang ninakawan niya ako ng halik at nagmamadaling bumalik sa classroom.

Matapos ang isang oras ay malakas na nag-ring ang bell sa buong campus. Wala naman akong naintindihan sa lesson namin. Puro kasi si Royce ang naiisip ko at ang napaka lambot at napaka tamis niyang labi. Siguro nag li-lip balm 'yon? Tatanong ko nalang mamaya. Sininop ko ang mga gamit ko at tiningnan si Zyrene.

"Zyrene. Una na ako ha?" Paalam ko.

Hindi niya ako nilingin pero tumango siya. Kanina pa talaga siya wala sa mood. Hinayaan ko nalang din dahil wala naman akong magagawa. Problemang love life iyon eh. Basta nag-paalam ako ulit bago umalis.

Nagmamadali akong nagpunta sa parking lot. Baka kasi naiinip na 'yun si Royce. Saan kaya ako dadalhin nun? Halos takbuhin ko iyong parking lot pero parang gusto kong bumalik sa pinanggalingan ko nang marating ko iyon.

Nabitiwan ko ang mga librong hawak ko. Parang bumigat kasi ang mga iyon. Hindi ako nakagalaw at halos hindi ako makahinga dahil sa naabutan ko. Si Royce at si Corrine na grabe kung mag-halikan. Nag-hahalikan sila na parang walang ako at wala nang bukas... Ang sakit. Ang sakit sakit. Hindi ko namalayang kusang tumakbo papalayo ang mga binti ko kahit na pakiramdam ko ay namamanhid ang buong katawan ko.

<Zyrene's POV>

Paulit ulit nalang na nage-echo sa utak ko ang sinabi sa akin ni Kelcey. Paano nga kung magkagusto si Justin sa iba? Papaano ko iha-handle ang nararamdaman ko sa kanya? Argh!

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Hindi ako makapag focus sa pag-aaral. Wala talaga ako sa sarili. Mabuti pa sigurong umuwi nalang ako. Wala sa sariling lumabas ako sa gate at naglakad.

Nagko commute lang ako pauwi at kailangan ko pang mag-lakad ng kaunti para marating ko ang terminal ng jeep. Sa kakaisip ko kay Justin, parang nakita ko ang sasakyan niyang naka parada dito. Kumurap ako pero nandoon pa din iyon. Oo, tama! Kay Justin ang sasakyan na iyon.

Napa mura ako ng malakas. Una, dahil sa biglaang pag-kulog. Pangalawa, dahil sa biglaang pag-patak ng ulan. Wala pa naman akong payong. Wala akong choice kundi ipang takip sa ulo ko ang mga folder na hawak ko. Kung minamalas ka nga naman! Pauwi nalang, umulan pa.

"Zyrene, teka!" Tawag ng kung sino sa akin kasabay mg pag hatak niya sa braso ko.

Nang lingunin ko ay halos matumba ako sa nakita ko. Siya kasi iyong taong kanina pa hindi mawala sa isip ko. Si Justin.

Kidnapping a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon