Kelcey
"No." No daw? Bakit? Ayaw niya bang makalaya at bumalik sa normal nyang buhay?
"Pero bakit?" Nginiwian ko siya. Hindi ko maiwasan eh. Hindi ko alam ang takbo ng isip ng lalaking 'to.
"Please? Kahit isang araw na lang." Pakiusap niya pa.
Nawi-weirdohan na talaga ako ha. Gusto ko rin naman siyang makasama eh. Kaya nga gusto ko nang mapabilis 'yung paglaya niya. Ayoko na kasing lumalim pa itong nararamdaman ko sa kanya. Parang mahal ko na kasi siya eh. Char! Mahal agad? Pero uy, parang feeling ko nga totoo eh.
"Uhm, s-sige." Kahit na nag aalangan ay sumang-ayon ako.
"Thank you." Sagot niya.
Nag iwas ako ng tingin sabay lumunok. Nanunuyo lalamunan ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Sumulyap ako sa kanya at nakita kong nakangisi ang loko! Ah basta! Bukas, ibabalik ko na siya sa kanila sa ayaw at sa gusto niya.
"We still have tome together, what do you want to do?" Tanong niya nang di pa din inaalisan ng ngisi sa labi.
Nag-isip ako kung ano pa bang magagawa namin dito. Kaya lang hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita naman kaagad siya.
"Hmm, alam ko na." Sabi niyang may kasama pang pag taas baba ng kilay.
"Ano?" Kunot noong tanong ko.
"Gawa tayo baby." Seryosong sabi niya. Wala nang ngisi sa mga labi ngunit nag-aapoy ang mga mata.
Nasampal ko tuloy kaagad ng pabiro. Kahit kailan talaga, ayaw ilugar ang kamanyakan eh. Kahit natataw ako ay sinimangutannko pa din siya.
"Last day na natin 'to! Puro pa kalokohan nasa utak mo." Inirapan ko siya.
Tatawa tawa siyang hinimas iyong sinampal kong pisngi niya.
"Joke lang! Eto naman, masyadong seryoso."
"Ewan ko sa'yo. Ano? Ano bang gusto mong gawin ngayon?" Tanong ko.
Nakakatuwa. Ilang araw palang kaming mag-kasama. Halos aso't pusa nung una pero parang pakiramdam ko sobrang close na kami ngayon. Hindi naman kasi mahirap kaibiganin itong si Royce. Mabait naman siya, may pagka manyak nga lang talaga.
"Kahit ano, basta kasama ka." Sabi niya habang nag iinat.
Narinig ko ang malakas na pag-tibok ng puso ko. Parang lalabas sa dibdib ko iyon at dumadagundong sa buong pandinig ko! Pinilit ko huwag ipahalata na naaapektuhan ako. Tumikhim ako bago nagsalita ulit.
"Mag picnic nalang tayo." Aya ko sa kanya. Tutal wala naman kaming magagawa dito, mas mabuti pang i-appreciate nalang namin ang nature at tanawin.
"Oh sige."
"Magluluto ako ha. Pakiayos na iyong mat." Sabi ko.
Tumango tango lang siya. Pero hindi pa din siya umaalis sa harap ko. Nakatingin lang siya sa akin na parang may lalabas na kung ano sa noo ko. Kumunot ang noo ko. Itatanong ko sana kung bakit nakatitig siya pero mabilis siyang gumalaw at sa isang iglap ay naramdaman ko ang labi niya sa labi ko! It was just a smack but I felt it!
"Bye!" Bulalas niyang tumatakbo palayo.
Bago pa man ako makapag react sa ginawa niya ay nawala na siya sa paningin ko. Napa hawak nalang ako sa labi kong kanina lang ay dinampian niya ng halik. Mabilis lang iyon pero ramdam na ramdam ko. Mainit at malambot.
Gusto kong lokohin ang sarili ko na normal ang lahat ng ito. Na sana kami nalang dalawa, na sana perpekto ang lahat. If only I could show him my face. Sana pwede kong ipaalam sa kanya kung sino talaga ako at kung anong klaseng tao ako. Is it possible for me to fall in love with him even though we were together for only five days?
BINABASA MO ANG
Kidnapping a Pervert
HumorI kidnapped the most perverted guy in town! Sino ba talaga sa amin ang biktima? COMPLETED. EDITING.