"Goodmorning class, i will be your professor in oral speech subject. So i expect everyone to participate, by the way my name is Miss Estrelia Alvarez.""Grabe duduguin ilong ko dito sa subject na ito." ang nasabi ko sa sarili ko.
"Ok lang duguin
,konti lang naman lalabas na dugo dyan kasi maliit butas." ang sabi ni Darrel na katabi ko sa upuan at c Jamaica ko naman sa kaliwa na ngayo ay katabi na din si Patrick.May isang linggo na din pala ako pumapasok at may isang linggo na din ako parating inaasar ni Darrel. Isang linggo mula nung magkakilala kami. Naging magkakaibigan na kami nila Patrick, pero si Darrel hindi ko masabin kaibigan n din namin sya. Minsan lang kasi kung makita namin sya. Minsan sumasabay sa amin magbreak pero napaka bihira dahil abala din sya sa mga kabarkada nya.
"Ano ba paki mo sa ilong ko. Dami-dami mo pwedeng pansinin ilong ko pa."bulyaw ko dito
"Miss Ramos is there any problem?" Tanong ni Miss Alvarez
Nakatingin na pala sa akin lahat ng classmate namin.
Nakakahiya, bwisit kasi itong si Darrel eh hmp..."No problem po" ang naisagot ko.
"Ok ka lang ba girl" Tanong ni Jam sa akin
"Ok lang ako, kung hindi lang mabango at gwapo itong katabi ko makikipagpalit na ko sayo ng upuan eh hmp."
"Hay naku hindi naman ako makikipagpalit sayo noh..."masungit na sagot nya sa akin. Parang ang wierd nito, para bininiro lang nammakikipagpalit ako sa kanya nagsungit na.
"Ayaw mo katabi si Darrel dahil puro palipad hangin sayo?" Nakasimangot ko na ding sagot. Kakainis kasi ito eh.
Oo nagpapalipad hangin sa kanya si Darrel. Halata naman na may gusto ito kay Jam eh. Nakakainis kasi dedma naman si Jam dun. Sabagay hindi pa ba ko sanay eh ganun naman talaga sya sa mga lalake.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Biglang ng ring ang bell.
"Ok class dismiss" sabi ni Miss Alvarez
Breaktime na pala halos hindi ko na napansin ang oras.
"tara sa canteen guys libre ko kayo" sabi ni Darrel.
"Talaga wow gusto ko yan, naku thank you ah mabait ka naman pala eh" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Tara na" nagmamadali pa kong dinampot ang mga gamit ko.
Basta libre na ang pinag uusapan ang bilis ko talaga. Aba hindi pwedeng pakupadkupad baka magbago pa isip ni Darrel. Feeling ko idadate nya ko sa canteen. Hay gwapo talaga nya tapos ang bait pa pala nanlilibre.Sa akin ka na lang kasi magpalipad hangin naku sagutin agad kita.
"Hindi ka kasama, kami lang nila Jam at Pat."sabi nito na ngiting aso na ngayon.
"Lugi ako sayo lakas mo kaya kumain." Dugtong pa nito."Aba't loko ito ah." Akmang susuntukin ko ito. "Eh di huwag damot nito."bwisit itong antipatikong ito sarap kalbuhin. Kung hindi lang kita crush naupakan na kita eh.
"Sagot ko na si Sam." Sagot naman ni Patrick sa maarteng boses.
Hay salamat at sinalo ako ni Pat. Nakahinga ako ng maluwag. Sabay ngiting nakakainis kay Darrel.
"Thank you Patricia ah buti ka pa mala anghel sa bait." Sabi ko sabay lapit sa kanya at pinulupot ko kamay ko sa braso nya.
"Tara na".excited na sabi ko"Basta pagkain mabilis ka talaga" sabi ni Jam na nakasimangot, sabay tanggal ng kamay ko kay Patrick. Acting wierd na naman ito. Saka bakit napapansin ko na lagi itong masungit. May monthly period ba ito?

BINABASA MO ANG
Ms. Kupid Or Ms. Stupid?
RomanceSabi nila masarap daw ako maging kaibigan, ano ako pagkain? Mabait, masaya kasama at higit sa lahat matulungin daw ako? Not financially huh...mahilig nga ako sa libre eh... but in any other way na kaya ko... Lets see nga if kakayanin ko pa din tumul...