Ikatlong Kabanata

6 0 0
                                    

"Ma, pa alis po muna ako ah. May lakad lang kami nila Jamaica". Sabi ko sa mga magulang ko na nasa sala at nagkukwentuhan.

"Saan naman ang lakad nyo huh?" sabi ni inay.

"May date yan at ang boyfriend nya" Sabi ni itay na hindi na ko hinintay makasagot.

"Pa, unang una wala po akong boyfriend. Pangalawa mga kaibigan ko po kasama ko. Sa mall lang po kami Ma."

"Alam mo anak hindi ka naman namin pinagbabawalan magboyfriend. Dahil may tiwala kami sayo at alam mo kung ano ang limitasyon mo." Sabi ng aking ama na lumapit at hinawakan pa ko sa balikat.

"Tama ang papa mo anak. Kaya huwag kang mahiya na ipakilala sya sa amin." Sabi pa ni inay.

Napangiti ako bigla ng maalala ko si Darrel. Sya ang una at huling boyfriend na gusto kong ipakilala sa parents ko.

"Armando ang anak natin inlove na. Tingnan mo makangiti." Sabi ni inay na naiiyak pa.

ooopppsss teka lumebel up na ata ang pagkakacrush ko sa kanya ah. Hay Pag ibig nga naman.

"Ma ano ba tigilan nyo na nga po ako. Wala po akong boyfriend at hindi po ako inlove. Ok? Aalis na ko baka hinihintay na ko ni Jam."

Bakit ba nila ko pinagtutulakan na magboyfriend. Nag alala ba sila sa akin dahil baka maubusan na ko ng lalaki? Ang weird talaga nila.

"Anak ang sinasabi lang naman namin......." Naputol ang sasabihin ni itay.

"Sam!" Tawag ni Jam

Tamang tama ang timing ni Jam. Nasa pintuan na sya ng aming bahay.

"Hi po tito hi po tita" pagbati nya ng makapasok. Sabay mano sa aking mga magulang .

"Tara na. Baka andun na sila." Sabi ko kay Jam aabay hatak sa braso nya.

"Alis na po kami tito tita" sabi ni Jam.

"Mag iingat kayo ah."sabi ni itay.
"Kung saan sya masaya susuportahan natin sya." Narinig ko pang sabi ni inay.

Ano ibig nila sabihin dun. Hindi ko na pinansin.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

"gurl saan na kayo?" Tanong ni Pat kay Jam sa cellphone.
"On the way na kami, dont worry. Saan ba kayo banta jan sa mall?".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. Kupid Or Ms. Stupid?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon