The Deal

20 1 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Jeron Buenaflor sa taas ...


Prologue

"Ha? Gusto mo akong magpanggap na boyfriend mo sa harap ng mga kaibigan mo? Yun ba yung parang sa mga palabas? Pero para saan? Hindi ba may boyfriend ka naman?" tanong niya na parang gulat na gulat sa sinabi ko. Medyo napalakas pa yung boses niya kaya pinatahimik ko siya.

"Parang ganon...Mmm... Oo may boyfriend ako. Pero kasi... Ah basta! Saglit lang naman yun eh. Pakilala lang. Ano? Deal?" pabulong na sagot ko. Napaisip naman siya.

"Teka, babayaran mo ba ako para rito?" tanong niya. Napangiti na lang ako.

"Alam mo naman na wala akong ibabayad sayo, diba? Ganito na lang. Ako na ang gagawa ng lahat ng school works mo. Tutal ayaw mo namang mag-aral diba? Ano?" sagot ko. Sana makumbisi siya. Ito lang ang alam kong kahinaan niya eh.

"Magandang alok yan. Idagdag mo na rin na dapat, magawa mong makasama rin ako sa top," sagot niya. Ayos! Kumagat siya. Pero teka... mapasama siya sa top? Ano yun? Joke?

"Ano bang non-sense yan? Wag ka namang humiling ng imposible." sagot ko.

"Kaya ko yun ano. Tsaka magagamit din natin yun sa pagpapanggap. Top student ka tapos ako, hindi. Bababa ang taste mo dun." paliwanag niya. Sabagay... tama siya don. Sige na nga. I'll try.

"Okay, sige. Deal na ito ha. After midterm, kapag nakasama ka na sa top, ipapakilala na kita okay?" kondisyon ko. Ngumiti naman siya. Sign of approval.

"Okay. Deal! Tanong lang. Kaya ba hindi mo madala yung tunay mong syota dahil pangit siya o nakakatakot yung mga friends mo?" tanong niya. Ngumiti na lang ako. Dried up smile.

"Hindi pangit yung boyfriend ko at hindi nakakatakot ang friends ko, okay? Mabait silang lahat. Friendly ang atmosphere dun." sagot ko. Ginanahan naman siya lalo.

"Yun naman pala eh. Eh di mas okay. Di ako mahihirapan." sagot niya pa. Ngumiti na lang din ako. Okay na eh. May deal na kami. Posible na yung gusto ko.

"Oo. Basta, kabisaduhin mo yung mga sasabihin ko sayong detalye ha. Galingan mo ang acting mo." sabi ko na lang sa kanya. Inabot niya yung kamay niya sakin for handshake.

"Okay! Deal!" sabi niya pa. Inabot ko na rin yung kamay ko at nag-shakehands na nga kami.

It Started With A Deal [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon