Fake Boyfriend On Duty

8 1 0
                                    

Chapter 1

#FakeBoyfriendOnDuty

Cherry's POV

Sa ganoong paraan nabuo yung deal namin. Ako nga pala si Cherry. At yung kausap ko, si Jeron, kaklase ko. Medyo close kami since magkaklase na kami simula pa grade one. Nagpapatulong lang ako sa kanya ngayon. Gusto kong magpanggap siyang boyfriend ko. Isang beses lang naman. Ipapakilala lang. Kung bakit? I have my reasons.

Kasabay ng pagsisimula ng deal namin ay ang pagsisimula ng pagtu-tutor ko sa kanya. Grabe! Para akong nagtuturo sa chimpanzee. Munggo ang utak ng batang ito. Haaaaay! Nag-tiyaga ako hanggang naging smooth naman ang lahat. Bisperas ng midterm, nag-all-nighter na kami. Ginagawa ko talaga ang lahat matupad lang yung deal. Hanggang sa ayon... moment of truth na. Midterm na at after a week, lumabas na yung overall ranking. Wala siya. Haaaaay! Mukhang totoo na hindi nakukuha sa ilang gabi lang ang tagumpay. Depressed na ako nang mabalitaan ko na papalitan yung ranking na nakapaskil sa bulletin board. Napatunayan daw kasi na nag-cheat yung nasa 8th place kaya tinanggal siya. Nang tingnan namin uli yung result, nagulat ako. Nausog yung 9th at 10th place pataas kaya yung last place, bakante. ibig sabihin pasok yung 11th place. Pagtingin ko kung sino... si Jeron. Yey! Nakapasok siya! Tuloy ang deal! Napangiti na lang ako. Paglabas ko dun. Nakita ko agad siya na nagsasasayaw sa corridor. Baluga talaga eh.

Di rin katagalan, pinuntahan niya na ako sa room para balitaan.

"Sabi ko sayo eh. Kaya ko yun." sabi niya na akala mo nanalo sa lotto. Lumapit naman ako sa kanya.

"Hindi mo magagawa yun kung hindi dahil sakin. Paano? Tuloy ang deal? Bukas, 1pm. Magkita tayo rito sa school. Magbihis ka ng maayos. Galingan mong umarte." sabi ko na lang. Um-oo naman siya.

***

Kinabukasan, dumating naman siya on time at nagpunta na kami dun sa resto na napag-usapan namin ng mga kaibigan ko. Naupo na kami sa harap nila. Pagdating pa lang namin ay napansin niya agad yung isa kong kaibigan, si Andy. Bumulong naman agad siya sakin.

"Siya ba yung sinasabi mong maganda?" tanong niya. Um-oo naman ako.

"Tama ka nga. Hehe. Di ba sabi mo, okay lang na ligawan ko siya kapag nag-break na tayo? Ano? Break na?" kinurot ko naman siya. Ewan ko sa balugang yan pero natawa siya.

"Baliw ka ba? Kakaumpisa lang natin eh!"sabi ko na lang. Nakakagigil siya. Sarap sipain sa lungs.

"Eto naman, binibiro lang eh. Hindi porket maganda ang isang tao, lahat na ng lalaki ay magkakagusto sa kanya." sabi niya. Natigilan ako dun.

Napatingin ako sa kanya tsaka sumagot. "Isa ka ba dun sa hindi magkakagusto?" tanong ko. Tumingin din siya sakin. Seryoso nung una pero biglang ngumiti. Nakakalokong ngiti.

"Isa ako dun sa oo. Hehe." kinurot ko uli siya pero this time, sumeryoso na talaga siya. "Mukhang alam ko na kung bakit hindi mo madala yung boyfriend mo dito ah." sabi niya pa. Tumahimik na ako. Pumasok na kami sa resto. Nagsimula na ding mag-interrogate yung mga kaibigan ko.

"Ikaw si? Tell us about yourself." sabi ni Jaimie, isa kong kaibigan. Ngumiti naman si baluga.

"Jeron Buenaflor. Same course at same year kami." sagot niya sabay turo sakin. Ngumiti na lang din ako.

"Gaano na kayo katagal?" tanong ni Marianne, kaibigan ko rin. Shet! Di namin napag-usapan yun ah. Sasagot na sana ako pero naunahan niya ako.

"Three months? Hmmm... Three months, four days and 5 hours to be exact." sagot niya. Woah! Napahanga niya ako dun ah. Husay sa adlib!

"Ano namang nagustuhan mo dyan sa kaibigan namin?" tanong ni Andy. Napatingin naman siya sakin tsaka humarap kay Andy nang nakangiti.

"Tinatanong pa ba yan? Obvious naman na siya ang pinakamaganda rito eh. Siya rin ang pinaka-matalino. She's the best for me." sagot niya. Ngiting proud naman ako. Ayos yun ah.

It Started With A Deal [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon