Chapter 3
#SchoolTrip
Cherry's POV
Ilang araw lang pagkatapos nun, nagka-school trip kami. At isa sa napuntahan, skating rink. Shet! Di pa naman ako sporty. Di ako marunong nito. Sasakit lang ang katawan ko sa kakatumba. Sumama pa rin ako. Extracurricular to eh. Pagdating namin doon, pinanood ko lang muna sila bago ako sumalang. Ang gagaling na nila. Baka masagasaan lang nila ako. Kahit si Jeron, ang galing din pala. Pabida masyado. Si Andy naman, ayon sa gilid, nag-aaral pa lang rin. Ang daming nakapalibot sa kanya na willing magturo. Ano pa nga bang inaasahan sa campus crush? Haaaay!
Maya-maya pa, sumalang na ako. Pagpasok ko pa lang, nadulas agad ako. Muntik na akong mauntog dun sa entrance eh. Nakakahiya! Pero di ako sumuko. Sinubukan ko pa nang sinubukan hanggang sa malapit nang mabali ang pelvic bone ko. Ang sakit na ng balakang ko. Kung may tutulong sana sakin no? Haaaay!
Asan ba yung pesteng Jeron na yun? Magaling siya dito, diba? Turuan niya ako! Hinanap ko kung nasan siya at di ko nagustuhan ang nakita ko. Ayun sya. Tinuturuan si Andy. Tss. Ang dami-daming nag-aalok sa kaniya ng tulong kanina, ayaw niya. Tapos ngayon... Haaaaay!! Bahala na nga. Baka kay Jeron lang talaga siya komportable.
Hinayaan ko na sila. Nag-aral na lang ako uli nang mag-isa. Ilang beses pa akong natumba bago ko napagpasyahan na umalis na dun. Pabalik na ako nang madulas pa uli ako pero this time, may humawak sakin. Phew! nakaligtas. Paglingon ko, si Jeron.
"Ingat. Babalik ka na sa cottage?" tanong niya.
"Oo eh. Thanks." sabi ko tapos naglakad na ako palabas. Siya rin pala, aalis na. Sabay kaming naglakad para isauli yung skating equipment. Paghubad ko ng equipment, bigla siyang lumapit sakin at nagtanong.
"Bakit ang dami mong pasa? Tsaka bakit namumula yang binti mo?" tanong niya. Haaaay! Di pa ba obvious?
"Ano... uhmmm... Di ako marunong eh. Kaya... ilang beses akong natumba." sagot ko. Nakakahiya! Pag ako pinagtawanan nito... di ko na siya tuturuan sa academics! Pero imbes na tumawa, lumapit siya sakin tsaka tinulungan akong tumayo. Nakaupo kasi ako, nagtatanggal ng skate sa paa.
"Hindi ka nagsabi. Naturuan sana kita." sabi niya. Inalalayan niya na ako hanggang sa room namin.
"Thanks uli." sabi ko na lang.
****************
Kinagabihan pagkatapos ng dinner, binigyan kami ng free time. Pwede raw gumala pero yung abnormal na Jeron na yun hinila ako pabalik dun sa skating rink. Ano bang ginagawa namin dito? Sinabi ko ng hindi ako marunong eh!
"Tara! Dali! Turuan kita." sabi niya na parang excited pa. Napatitig ako sa kanya. Ewan ko lang ha... pero bakit parang astig ng dating niya sa mata ko ngayon? Mmmm...
Nagsimula na kami. Papasok pa lang, di na siya natigil sa kakadakdak. "Alam mo bang ako dapat ang representative ng Pilipinas sa Figure Skating noong Olympics? Di lang natuloy kasi busy ako sa studies ko." sabi niya pa.
Ito na naman kami sa yabang portion niya. Di lang ako makasagot kasi estudyante ako ngayon. Unang try namin, natumba ako. Pigil na pigil naman siya sa pagtawa.
"Ayoko na nga! Sabi ko na eh! Pagtatawanan mo lang ako! Aalis na ako!." reklamo ko. Pinigilan naman niya ako.
"Hindi na! Ayusin mo kasi! Para akong nagtuturo sa chimpanzee eh. Kung anong iginaling mo sa academics, siyang hina mo rito. May kahinaan din pala ang Mighty Cherry." sabi niya pa. Wow ha. Di ko inaasahan na maibabalik niya sakin yang tawag na chimpanzee. Grabe!
"Kung alam mo lang kung gaano kahirap turuan, lalo na sa math, malalaman mong hindi sapat ang chimpanzee para i-describe ka! Baka nga kahit uod, mainsulto pag ikinumpara kita sa kanya eh." sagot ko. Siya kasi eh!
BINABASA MO ANG
It Started With A Deal [On-Going]
Teen FictionATTENTION!!! This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual e...